《Spoken Word Poetries》Talo Na Naman Ako

Advertisement

Aking sinta, pasensya ka na, sapagka't ako'y pagod na.

Lumaban ako, pinaglaban kita, pero wala kang ginawa.

Mahal kita, walang duda pero sinta, nakakapagod na.

Nakakapagod lumaban ng ako lamang mag-isa.

Sa isang labang para sa'ting dal'wa, ngunit hindi halata.

Noong una nama'y tayo'y masaya, kaya 'di ko mawari, saan ba ito nagumpisa?

Itong mga luha sa aking mata, kailan nga ba nagsimula?

Siguro noong ika'y malayo na, noong ika'y masaya na, masaya sa piling ng iba.

Mayroong 'tayo', ngunit parang wala dahil ika'y, akap akap ng iba.

Niloko mo ako, humanap ka ng iba, at sa piling niya ika'y nagpakasaya.

Ako ngayo'y mamamaalam, sana'y 'di pagsisihan.

Pagmamahalan nating dalawa ay kailanman 'di malilimutan.

Itong pagmamahal na alay ko sa'yo ay 'di maglalaho kailan pa man.

Ngunit itong kahibangang ating pinagsasaluhan ay kailangan ng wakasan.

Kaya paalam na aking mahal, sa aking paglisan,

hangad ko'y iyong kaligayahan.

    people are reading<Spoken Word Poetries>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click