《Spoken Word Poetries》Pagmamahal

Advertisement

Sinaktan. Pinaiyak. Iniwan. Pinagpalit.

Bakit ba lagi na lamang paulit-ulit?

Sabi mo mahal mo ako pero laging may "ngunit.."!

Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo ulit?

Ika'y aking minahal at hindi sinukuan.

Lahat ng paraan ay ginawa para ika'y masiyahan.

Napabayaan ang sarili sa hangaring ika'y maalagaan.

Ngunit bakit sa huli, ako pa ri'y iyong iniwan?

Ako'y umibig ng 'di inaalintana ang dadamhing sakit.

Handang tanggapin lahat, gaano man kasakit.

Sabi nila sa pagmamahal, hindi mawawala ang sakit,

ngunit pagmamahal pa rin ba ito kung puro na lang pasakit?

Ako'y nangakong ika'y ipaglalaban at hindi susukuan,

ngunit iba ang iyong mahal kaya anong saysay nitong laban?

Pagmamahal ko sa iyo'y walang hangganan,

ngunit paalam dahil kailangan na kitang pakawalan.

Magkalayo man ay hindi malilimutan,

lahat ng ating mga ala-ala't pinagsamahan.

Aking buhay at pagmamahal ay sa'yo ko inilaan,

panahon na para sarili ko naman ang pagtuunan.

Maghiwalay man tayo, ako'y nandito pa rin para sa'yo.

Ako'y mananatiling kaibigan na sa iyo'y totoo.

Maging masaya ka ay ang tanging hangad ko,

kaya ngayon, paalam na, mahal ko.

    people are reading<Spoken Word Poetries>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click