《Spoken Word Poetries》Kaibigan

Advertisement

Isang salita na may apat na pantig at walong letra.

Isang salitang may malaking parte sa buhay nating lahat.

Ang salitang "kaibigan" , ano nga ba ito ? Sino nga ba sila ?

Sila yung mga taong 'di ako iniwan sa kabila ng lahat ng nangyari,

Mga taong dinamayan ako sa aking pighati,

Mga taong nanatili sa saking tabi kahit na ako'y nagkamali.

Sila yung mga taong 'di ako pinabayaan sa mga katangahan,

Pagagalitan ako ngunit sasamahan rin naman ako kahit saan pa 'yan.

Minsan parang nanay ko pero madalas ay parang mga kapatid ko.

Sila yung mga taong mahal na mahal ko,

upang mapasaya sila'y lahat ay gagawin ko.

Mga taong nagbibigay ng kulay sa buhay kong magulo,

Nagpapasaya sa wasak kong puso.

Sila yung mga taong hindi ako sinukuan,

Kahit na anong hirap na ako'y pakisamahan.

Sa lungkot, sa saya, sa hirap, sa walang pera,

Kaming lahat ay magkakasama't masaya.

Sa dami ng pinagdaanan naming lahat,

Ang gusto ko lamang sabihin ay salamat.

Salamat dahil minahal niyo ako sa kung sino ako,

Salamat dahil ang nagbibigay lakas sa akin ay kayo,

Salamat dahil kahit ilang beses ko kayong nabigo,

Nandito pa rin kayo't minamahal ako ng buo.

Nais ko ring humingi ng paumanhin,

Pasenysa na dahil ako'y nagsinungaling,

Pasenysa na sa lahat ng nagawang mali,

Pasensya na dahil hindi perpekto ang aking ugali,

Pasensya na dahil kayo'y aking nasaktan at nagalit.

Sa dami ng aking sinabi't binanggit,

Isa lamang ang nais na ipabatid,

Kayo'y mahal kong tunay at kailan man 'di ipagpapalit.

    people are reading<Spoken Word Poetries>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click