《Tula at kaisipan》Kaibigan lang pala

Advertisement

Simula una kang makilala

hindi inaasahan na mahuhulog pala

nagsimula sa pagkakaibigan

hanggang sa lumalim na, ang tagong nadarama.

Hindi na makaila pa

na ako'y nahulog na

dahilan ng aking saya

kapag ika'y nakikita.

Ngunit kay sakit

na ako'y kaibigan lang pala

hanggang doon na lang

ang tinatagong nadarama.

Nagtapat noon

ngunit ako'y nabigo

hindi inaasahang mananatili pa

ang tangi kong nadarama.

Kapag nariyan ka

kampante ang nadarama

parang nagkakulay

ang matamlay kong buhay.

Ngunit hanggang dito na lang pala

at kailangan ko nang dumistansya

dahil may nagugustuhan kana pala

kaya ako'y lalayo muna.

Alam kong kahit kailan

ako'y hindi mo maiibigan

ngunit kahit ganon pa man

winika na kita sa Ama sa kalangitan, na ika'y ingatan.

At sa pagdating ng panahon

na ang puso ko'y alay pa rin saiyo

sana ay huwag mo na itong durugin

at tanggapin mong buo.

At sana ay mapansin mo

na ikaw pa rin ang laman ng puso

kahit na masakit para saakin

hindi ko mabago ang angking damdamin.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click