《Tula at kaisipan》Tatanawin

Advertisement

Hindi na mababago pa

ang nakaulat na

pagkat pinili nating dalawa

ang mga linya sa pahina.

Sinabi mong mahal mo ako

pero bakit andito pa rin

ang sakit na natamo ko

dahil sa pagmamahal sayo.

Minsan ninais ko

na sana andito ka sa tabi ko

at maramdaman ang haplos mo

at madinig muli ang boses mo.

Ninais kong mapalapit muli sayo

ngunit alam kong hindi na para saatin

ang mga linya sa bagong pahina ng libro

nakalipas na ang panahon, mahaba haba rin yon.

Kailangan kong tanggapin

para maibsan ng kahit konti ang sakit

na nararamdaman ko ngayon

at sana bukas ay hindi ko na madama.

Sana bukas ay hindi kana maisip pa

Sana bukas ay hindi kana maalala pa

Sana bukas ay hayaan ko na

Hayaan ang puso kong nangungulila, sinta.

Hayaan ka nang lumigaya

hindi man sa piling ko

at kahit pa sa piling ng iba

basta makita kang masaya.

Tatanawin na lang kita na parang tala

pagkat alam kong malayo layo pa

bago ako muling mapalapit sayo

at yun ay kailangan kong tanggapin, na hanggang tanaw na lang, sinta.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click