《Tula at kaisipan》Lumalim na

Advertisement

Sa una kang makilala

akala hanggang dun na lang

pero nung ika'y makilala

nakita kung gaano ka kakaiba.

Akala'y pagkakaibigan

lamang ang kagustuhan

nang ikaw makasama

lumalim ang nadarama.

Kapag ikaw ang kausap

Kapag ikaw ang kasama

Hindi maipaliwanag

ang aking nadarama.

Nahikayat mo pa ako

mag-ahit ng kilay

kung ikaw naman ang kasama

yun ang aking hiling sa tala.

Alingawngaw sa paligid

pangalan mo lamang ang madinig

at ang hampas ng hangin

ay parang dampi ng iyong palad.

At ang iyong pagtabi

saakin ay nakahuhumaling

at ang inspirasyon mong bigay

saakin ay nagaganahan.

Nakakaakit ka

ikaw na ang bawat salita

sa aking mga wika

at sa panaginip, pangalan mo pa rin ang dinig.

Hindi inaasahang

lalalim pala

kaya't hindi na ikakaila pa

na ako'y nahulog na.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click