《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 7

Advertisement

"STOP ACCUSING me Agatha!" Malakas na sigaw ng daddy niya sa kanyang mommy.

Tumawa ng pagak ang mommy niya. "Pwede ba Ricardo huwag ka nang magmalinis. Alam ko naman na may ibang babae ka," galit na galit na sabi ng mommy niya. "Alam ko at ramdam ko iyon."

Umiling-iling ang daddy niya. "You're being paranoid sa dami ng bagay na pinagkakaabalahan mo. Wala akong ibang babae," puno ng diing sabi nito. "Huwag mo akong akusahan sa isang bagay na hindi ko ginagawa."

"Kaya ba palagi ka na lang umuuwi ng dis-oras dahil nakikipagkita ka sa babae mo?" bagkus ay naniningkit ang mga matang sabi ng mommy niya. "Common Ricardo! Huwag mo akong gawing tanga!" malakas na sigaw nito.

"Stop!" malakas na sigaw ng daddy niya. "Itigil mo na 'yang mga walang kwentang pinagsasabi mo Agatha. Diyan ka naman magaling, sa pang-aakusa. Wala kang pruweba kaya huwag mo akong pagbintangan." Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang ng daddy niya. "Huwag mong ibaling sa akin ang mga pagkukulang mo. Dahil ikaw ang may maraming pagkukulang sa pamilyang ito. Ni oras mo nga ay hindi mo kayang ibigay sa pamilyang ito dahil puro na lang ang negosyo mo ang mahalaga sa'yo!"

"Wala akong ginagawang masama!" marahas na sagot ng mommy niya. "Nagtatrabaho ako para sa pamilyang ito."

Tumawa ng pagak ang daddy niya. "Okay I get it! Na mas mahalaga sa'yo ang trabaho kaysa sa pamilya mo."

"I always care for this family," mariing sabi ng mommy niya. "Hindi katulad mo na nagawa pang humanap ng kabit!" malakas na hiyaw ng mommy niya.

"I said stop accusing me!" ganting sigaw ng daddy niya.

Mula sa kinauupuan ni Akeem ay naririndi na ang tainga niya sa palitan ng mga salita ng kanyang mga magulang. Napapikit siya nang mariin nang magsigawan pa ang mga ito. Naging palala nang palala ang pagtatalo ng kanyang mga magulang. Alam niyang dati-rati ay nag-aaway ang mga ito pero kaagad ring nagkakaayos at nagkakabati. Pero nitong mga nagdaang araw ay halos araw-araw kung magtalo ang mga ito.

Noong ipinakilala niya si Demi sa mga ito ay nagpapasalamat siyang tinanggap ng mga ito ang kanyang pinakamamahal. Kahit na alam niyang may alitan ang mga ito ay napapayag pa rin niya ang dalawa sa isang espesyal na dinner para ipakilala si Demi. Sinusubukan niyang maging malapit ang mga magulang niya kagaya ng dati. Pero parang malabo na iyon dahil pakiramdam niya ay napakalayo na ng mga ito sa isa't-isa.

Iyon na yata ang pinakamalalang pagtatalo ng kanyang mga magulang na nasaksihan niya. He used to hear all their arguments. Pero ngayon ay harap-harapan niyang nakikita ang pagtatalo ng mga ito ay gusto na lang niyang umalis para hindi na marinig pa ang mga iyon.

Dahil sa kanyang kalooban ay nasasaktan siya. Hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan niya. Isa lang ang alam niya, parehong may pagkukulang ang mga ito.

Minasdan niya ang dalawa. Patuloy pa rin sa pag-aaway. Na ang ipinupunto ay ang pagkukulang sa isa't-isa.

Hindi na siya nakapagpigil at marahas na tinampal ang mesa. Dahilan para mapatingin sa kanya ang kanyang mga magulang.

Nakita niyang parehong natigilan ang mga ito.

"Mom, dad! Minsan na nga lang tayo magkasama-sama sa hapag-kainan ay ganito pa... mag-aaway pa kayo sa harap ko," hindi na niya naitago ang sama ng loob sa mga ito.

"Kung alam ko lang na mag-aaway kayo sa harapan ko. Sana hindi na lang ako nakisabay na kumain sa inyo."

Akala niya ay isang masayang dinner ang mangyayari ng gabing iyon. Pero nagkamali siya dahil nauwi lang iyon sa mainit na pagtatalo ng mga ito.

Advertisement

Nakita niyang yumuko ang daddy niya. Parang nagsisisi.

"I'm sorry, anak," narinig naman niyang sambit ng ina. Naging malamlam ang mga mata nito.

Huminga siya ng malalim. "I'll go ahead... magpapahinga na ako," tumayo siya. Mas mabuti pang umakyat na lang siya sa kwarto at matulog. Dahil baka maging siya ay hindi makapagpigil at masabi sa mga ito ang lahat ng hinanakit niya.

Dahil nasasaktan siya sa nangyayari sa kanyang pamilya. Akala niya perpektong pamilya sila pero hindi pala.

"Akeem, mag-usap tayo. Bumalik ka dito."

Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mommy niya. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad papunta sa kanyang kwarto. Nang makarating roon ay pabagsak na humiga siya sa kama. Pumikit siya nang mariin. At doon ay nakita niya ang maamong mukha ni Demi. Nakaramdam siya ng kapayaan dahil roon at nawala ang kanina ay mga hinanakit niya. Si Demi lang ang nakakagawa no'n sa kanya.

Napakasaya niya nang malaman na mahal na mahal din siya nito. Napakatagal na panahon niyang itinago ang nararamdaman para rito. Si Demi na lang ang tanging nakakapagpasaya sa kanya. Maayos na tinanggap rin siya ng mama nito at nangako siyang iingatan ang pinakamamahal nitong anak. Alam niya na lubos ang pagmamahal ni Demi sa mama nito at alam niyang ganoon rin ang mama nito rito. Nakikita niya ang masayang samahan ng mga ito kahit na ulila na si Demi sa papa nito. Buo pa rin ang pagmamahalan ng dalawa sa isa't-isa.

Mula noon hanggang ngayon ay ito lang ang babaeng iningatan niya sa kanyang puso. Ngayong alam niyang mahal nila ang isa't-isa ay buong-puso niyang ipaparamdam rito ang kanyang pagmamahal. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mahalin ito. At ito lang ang mamahalin niya habang-buhay.

Nagmulat siya ng mga mata at kinuha ang cell phone niya sa bulsa. Kaagad na hinanap niya ang numero ng dalaga at tinawagan ito. Gusto niyang marinig ang boses nito. Kahit palagi silang magkasama ay hinahanap-hanap pa rin niya ito. Ayaw na nga niyang mawala pa ito sa tabi niya.

"Hello Akeem?"

Hinaplos ang kanyang puso sa masuyong boses nito sa kabilang linya.

"Hello Demi," nakangiting sambit niya. "Gustotorbo ba kita?"

"Naku hindi," mabilis nitong sagot. "Bakit ka napatawag?" masigla ang tinig nito.

Gustung-gusto niyang makita ito nang sandaling iyon at yakapin nang mahigpit. Dahil alam niyang tuluyang maaalis ang lahat ng hinanakit niya sa isang yakap lang ni Demi.

"Akeem nandiyan ka pa ba?"

"Yeah... I'm here. Pasensya ka na," hinging-paumanhin niya.

Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga sa kabilang linya.

"May problema ka." Isa iyong pahayag. Napangiti siya. Kilalang-kilala talaga siya nito.

"Wala akong problema," pinasigla niya ang tinig. Ayaw na niyang mag-aalala pa ito sa kanya. "Pagod lang ako at nami-miss kita. Pero ngayong narinig ko na ang boses mo... okay na okay na ako," malambing na sambit niya.

"Nagkita lang tayo kanina 'di ba?" Narinig niya ang pagtawa nito. Napakasarap talaga sa pandinig ang tawa nito. "Ano ka ba naman Akeem... huwag mo naman akong masyadong isipin. Sige ikaw din, hindi ka niyan makakatulog." Tumawa pa ito.

Natawa na rin siya. Nakakahawa talaga ang saya ng boses nito. "Kung ikaw lang ang iisipin ko buong magdamag ay hinding-hindi ako magrereklamo," mariin niyang sabi.

"Naku! Nambola na naman po si Akeem," natatawang sabi pa nito. Kung nakikita lang niya ito ay tiyak niyang nakabungisngis ito.

"I love you Demi," buong-pusong sambit niya. "Hayan, hindi 'yan bola," masayang sambit niya.

"And I love you too Akeem," masuyong tugon nito.

Napakasarap sa pandinig. Para siyang dinuduyan kapag sinasabi nito kung gaano siya kamahal.

Advertisement

"Halika nga dito, yayakapin kita nang mahigpit," hindi na niya napigilang sabihin.

"Isipin mo na lang na nasa tabi mo ako at niyayakap nang mahigpit," masayang sambit nito.

"I always do," mariin niyang sabi. "Kahit hindi kita kasama ay ikaw pa rin ang iniisip ko. Ikaw lang ang nakakapagpasaya sa akin Demi. Salamat sa pagmamahal mo para sa akin."

"Salamat din sa pagmamahal Akeem," naging seryoso ang tinig nito.

Ngumiti siya ng matamis. "Mahal na mahal kita Demi. Hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam iyan sa'yo," buong-pagmamahal na sambit niya.

Tuluyan nang nawala ang lungkot niya at si Demi ang dahilan no'n.

"NAG-RESIGN ka na sa trabaho at magbabakasyon ka na sa isang araw?"

Tumango-tango si Demi habang nakaupo sa loob ng opisina ni Akeem sa talyer. Nakaharap ito sa kanya habang 'di makapaniwala ang mukha.

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ganyan ang mukha mo?" tinuro niya ito. "Alam mo naman ang tungkol dito 'di ba? Matagal ko nang sinabi sa'yo ang plano kong ito."

"Oo, alam ko. Pero hindi ako papayag na mag-isa ka lang magbakasyon," mariin nitong sabi. "Paano kung may mangyari sa'yong masama roon?" nagsalubong ang mga kilay nito. "Basta! Hindi ako papayag na mag-isa ka," puno ng diing sabi nito.

Napangiti naman siya sa pag-aalalang nasa mukha nito.

"Teka lang ha..." nakataas ang isang kilay niya nang may maalala. "Ang sabi mo dati susuportahan mo ako sa gusto ko. Tinanong mo pa noon kung sino ang kasama ko. Payag ka dati na mag-isa lang akong magbakasyon. Pero ngayon bakit parang ayaw mo naman na mag-isa ako?"

"Iba noon at lalong iba ngayon," nakasimangot na sagot nito. Pinakatigigan siya nito. Natutunaw ang puso niya sa magagandang mga mata nito. "Don't you get it?" bumingisngis pa ito. Ang cute-cute talaga nito. Huminga ito ng malalim at iniusog ang upuan malapit sa kanya. Hinuli nito ang kanyang mga kamay at tinitigan siya. Napakabilis ng pintig kanyang puso sa ginawa nitong iyon. Napakalakas talaga ng epekto ng binata sa kanya. "Ipini-prisinta ko ang sarili ko na samahan kita," masuyong sambit nito. "Kasi ayokong mahiwalay sa'yo kahit saglit lang." Naramdaman niya ang maingat na pagpisil sa kanyang mga kamay.

"Ilang oras ka nga lang mawala sa paningin ko hinahanap-hanap na kita," malambing ang tinig nito na para siyang dinuduyan. "Tapos mawawala ka ng isang buwan? Hindi ko iyon kakayanin Demi," mariin nitong tanggi. "At lalong 'di ko kakayanin kung magbabakasyon ka ng mag-isa samantalang ako ay maiiwan dito. My goodness Demi," nagsalubong ang mga kilay nito. "Mag-aalala ako sa'yo nang husto," naging hayag ang pag-alala sa mga mata nito. "Kaya mas mabuti pa na samahan kita para masiguro ko na ligtas ka at walang mangyayaring masama sa'yo dahil hindi ko papayagan iyon."

Hinaplos ang kanyang puso sa mga narinig mula rito. Mula nang ipagtapat nila ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa ay walang ibang ipinaramdam sa kanya si Akeem kundi ang pagmamahal nito para sa kanya. Sa tabi nito ay alam niyang ligtas siya at hinding-hindi siya pababayaan kahit-kailan.

Masuyong gumanti siya ng matamis na ngiti.

"Gustung-gusto ko rin na kasama ka," pag-amin niya. "At ayoko ring mahiwalay sa'yo Akeem. Kaya lang..." bigla siyang nalungkot nang may maalala. "Paano itong talyer? Ayokong pabayaan mo ang negosyo mo para lang samahan ako."

Umangat ang isang kamay nito at masuyong hinaplos ang kanyang puso. Nanulay sa kanyang katawan ang parang koryenteng sensasyon.

"Sino'ng nagsabing pababayaan ko ang talyer?" nakangiting sambit nito. "May mapagkakatiwalaan naman ako para iwanan ito, si manong Gary," masiglang sabi nito. "Saka..." ang mga mata nitong nangingislap ay tumingin sa kanya. Ang lakas ng pintig ng kanyang puso ay hindi niya kayang awatin. Tanging si Akeem lang ang nakakagawa no'n sa kanya. "Mas mahalaga ka sa kahit ano'ng bagay," puno ng ngiting sambit nito. "Isa pa... gusto ko rin na magbakasyon at walang ibang maramdaman kundi ang saya kasama ka."

Hindi nakaligtas sa kanya ang lungkot na biglang dumaan sa mga mata nito.

Hinuli niya ang kamay nito at umangat ang isa pa niyang kamay para haplusin ang ilalim ng mga mata nito.

"Bakit bigla kang nalungkot?" masuyong tanong niya.

He smiled. "Ano ba'ng sinasabi mo? Bakit naman ako malulungkot?" pinasigla nito ang tinig.

Huminga siya ng malalim at sinapo ang mukha nito. "Kilalang-kilala kita Akeem kagaya ng pagkakakilala mo sa akin. Hindi dapat tayo naglilihim sa isa't-isa hindi ba? Dapat sinasabi natin ang lahat sa isa't-isa," masuyong sambit niya.

Naging masuyo ang mga mata nito at hinuli ang kanyang mga kamay. Hinalikan nito iyon nang buong pagsuyo bago tumingin nang tuwid sa kanyang mga mata.

"Si mommy at daddy kasi..." malungkot na umpisa nito. "Palagi na lang silang nag-aaway. Sa totoo lang matagal na silang ganoon. Away-bati sila. Pero naging palala nang palala ang mga awayan nila. Pakiramdam ko napakalayo na nila sa isa't-isa at unti-unti nang nasisira ang pamilya namin," dama niya ang paghihirap nito.

Pinisil niya ang mga kamay nito. Hindi siya makapaniwala na may ganoon pa lang nangyayari sa pamilya nito. Ang buong akala niya ay maayos ang samahan ng mga magulang nito pero hindi pala.

"Huwag mong sabihin 'yan Akeem," mariin niyang sambit. "Alam ko na maayos din ang kung anomang problema ng mga magulang mo," ngumiti siya.

Huminga ito ng malalim. "Sana nga Demi," pilit itong ngumiti. "Kaya gusto ko ring sumama sa'yo sa pagbabakasyon dahil nasasaktan ako kapag naririnig at nakikita ko ang pagtatalo nila. Gusto ko munang lumayo kasama ka. Kasi alam ko kapag ikaw ang kasama ko... wala akong ibang mararamdaman kundi ang saya," naging masuyo ang mga mata nito sa kanya.

"Kung gano'n ay magkasama tayong magiging masaya sa pagbabakasyon natin," masayang sambit niya.

Ngumiti ito ng matamis. "Maraming salamat Demi," masuyong sambit nito. "Pasensya ka na kung hindi ko ito kaagad sinabi sa'yo. Ayoko na kasing mag-alala ka pa sa akin."

"Okay lang sa akin... naiintindihan ko," nakangiting tugon niya. "Huwag ka nang malungkot ha? Hindi ako sanay na kikita kang malungkot eh," sinapo niya ang mukha nito at pinisil ang pisngi nito. Pinanggigilan niya iyon. Natawa ito sa ginawa niya. Masarap sa pandinig ang tawa nito. "Ang mabuti pa humanap na lang tayo ng lugar na pwede tayong magbakasyon."

"May alam akong lugar," nakangiting sabi nito. "Ang totoo niyan, nag-reseach ako sa internet ng magandang lugar na pwedeng bakasyunan noong unang beses na sinabi mo sa akin na gusto mong magbakasyon."

"Talaga? Saang lugar naman 'yan?" Bigla siyang na-excite.

"Come and I'll show you." Hinawakan nito ang kanyang kamay at iginayang tumayo.

Inakay siya nito sa tapat ng mesa kung saan naroon ang laptop nito. Inalalayan siyang umupo habang ito naman ay tumayo sa likod niya. Itinukod nito ang mga braso sa mesa. Ang nangyari tuloy ay para itong nakayakap sa kanya.

Nilingon niya ito sa kanyang likod. "Pwede ka namang doon umupo ha."

Kinindatan lang siya at bigla itong dumukwang at hinalikan ang pisngi niya.

Nagulat siya sa ginawa nito at naramdaman ng katawan niya ang masarap na pakiramdam.

"Gusto ko ang pwestong ito eh," nakangiting sabi nito.

Pinalo niya ito sa braso. "Akala ko ba ipapakita mo sa akin ang lugar na sinasabi mo?" kunwari ay galit na sabi niya. Pero sa kanyang kaibuturan ay kinilig siya sa ginawa nito.

"Oo na heto na po," natatawang sabi nito. Binuksan nito ang laptop at ipinakita sa kanya ang sinasabi nitong lugar.

Bumungisngis siya at humarap sa laptop.

"San Diego Compound in Greenhills," basa niya sa nakita.

Namangha siya ng makita ang litrato ng lugar. Sa litrato pa lang ay nararamdaman na niya ang nakaka-relax na ambience ng lugar. Mukhang tahimik at homey ang dating. Ang magagandang kulay pink na rosas ay napaka-presko sa paningin. Tiningnan niya ang deskripsyon. Meron iyong anim na units at two-storey pa ang mga iyon at may mga parking lot. Meron ding swimming pool. At ang bawat unit ay semi-furnished. May apat na kwarto at comfort room. Ang dingding ay kulay puti at gray. Para iyong isang maliit na village.

Binasa niya pati ang history ng compound. There's a love that bloom in that compound, the love for each other of Epifania La Madrid and Pepe San Diego. Taniman ng tubuhan iyon dati. At ayon pa roon ay doon madalas magkita ang dalawa. At nang magpakasal ang mga ito ay binili ni Pepe ang lupain. At ipinagawa ito ulit at ngayon ay may anim na nga itong units. Nakakatuwa naman ang nalaman niya tungkol roon. It was all started in love.

"Kung ayaw mo sa lugar na iyan. Pwede pa naman tayong humanap ng iba."

"I like this place," nakangiting sabi niya sa binata. "Itong lugar na ito ang kailangan ko, tahimik at talaga namang nakaka-relax. New environment, ika nga. Sigurado ako na mag-eenjoy tayo rito at siyempre magiging masaya tayo."

Pakiramdam niya ay na-inlove siya sa ganda ng lugar sa unang tingin pa lang niya.

"Gusto ko rin sa San Diego Compound kaya iyan ang una kong ipinakita sa'yo," nakangiting sabi naman ng binata. "Homey kasi ang dating. Iyan din ang kailangan ko para makalimutan ang... alam mo na. Ang hindi nangyayaring maganda sa bahay."

"Tamang-tama ito sa para sa atin," masiglang sabi niya.

"Kung gano'n... kokontakin ko na ang namamahala dito para makapag-inquire na tayo ng unit."

Masayang tumango siya. Excited na siyang magpunta roon. At ang higit na nagpapasaya sa kanya ay ang kaalamang kasama niya ang binata.

"MAG-IINGAT kayo ha? Akeem, ingatan mo ang anak ko."

"Of course tita, I will."

Napangiti si Demi sa mariing sagot ng binata sa sinabi ng mama niya. Ngayon ang alis nila ni Akeem papunta sa San Diego Compound. Ang binata ang nakipag-usap sa telepono sa may-ari na napag-alaman nilang apo ng mag-asawang nabasa niya sa history ng compound, si Elvira San Diego. Sinabi kaagad ng binata ang kagustuhan nilang magbakasyon roon. Naayos na nila ang dapat kailanganin at excited na siyang makapunta sa compound.

Maging ang pagpapaalam niya sa mama niya ay tinulungan siya ni Akeem. Gusto rin sana niya itong isama para rin makapag-relax ito kaya lang ay tumanggi ito dahil hindi nito maiwan ang trabaho. Siniguro naman nito sa kanya na ayos lang rito ang kagustuhan niyang magbakasyon. At sinabi pa sa kanya na huwag na niya itong alalahanin pa at mag-enjoy dapat siya. Nagpapasalamat naman siyang pumayag ito sa kanilang gusto. Mabuti pa raw na kasama niya si Akeem para hindi ito mag-alala sa kanya. Natutuwa naman siya at naintindihan sila ng mama niya. Sinabi rin sa kanya ng binata na nagpaalam rin ito sa mommy nito na magbabakasyon sila.

"Sige po ma, alis na po kami," masiglang sabi niya at humalik sa pisngi nito.

"Okay. Tumawag ka kapag may kailangan kayo ha?" bilin pa nito.

Nakangiting tumango siya. Nagpaalam rin ang binata sa kanyang mama at ito ang nagbitbit ng mga dalang gamit niya. Napaka-gentleman talaga ng boyfriend niya.

Nakasakay na sila sa kotse ng binata at tinungo ang San Diego Compound.

"Ang ganda ng ngiti mo ha?" pansin ni Akeem sa kanya habang nagda-drive ito.

Nilingon niya ito na maaliwalas ang kanyang ngiti. "Kanina pa kasi ako excited na makita ang compound."

Saglit siya nitong tiningnan na may kislap sa mga mata. "Ako din... excited na akong makasama ka sa compound," tumaas-baba pa ang kilay nito.

Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nitong iyon. Bumungisngis siya. "Ayoko niyang tingin mo ha Akeem," saway niya rito.

    people are reading<The Present Series 5: If Only (COMPLETED)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click