《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 8

Advertisement

BUMANGON si Demi nang umagang iyon na may ngiti sa kanyang labi. Napakasarap ng unang gabi ng pagtulog niya sa San Diego Compound.

Nag-ayos na sila ng mga gamit ni Akeem kahapon at habang nag-aayos ay nagkukulitan at nagtatawanan pa sila. Nagpapasalamat siya at kasama niya si Akeem roon. Dahil alam niyang hindi kumpleto ang pagbabakasyon niya kung hindi niya ito kasama. Na ang binata ang nagbibigay ng kasiyahan sa buhay niya.

Nag-ayos siya ng sarili bago bumaba. Gusto na niyang makita ang kanyang minamahal. Kaagad na naamoy niya ang masarap na pagkaing niluluto. Nagmamadali siyang pumunta sa kusina. At natunaw ang kanyang puso nang makita si Akeem na nasa harapan ng kalan at nagluluto. Mukhang bihasang-bihasa ito sa kusina at pasipol-sipol pa habang nagluluto. Naka-apron pa ito na lalong nagpakisig rito.

Ano pa ba ang hahanapin niya sa isang katulad nito? Napakabait at mapagmahal ng boyfriend niya. Sa araw-araw ay lalo lang niya itong minamahal.

Parang napagtanto nitong may nakamasid rito kaya tumalikod ito.

Nagulat ito pero isang masuyong ngiti ang ibinigay sa kanya. "Demi! Gising ka na pala." Pinatay nito ang kalan at kaagad na lumapit sa kanya. "Tamang-tama tapos na akong magluto ng almusal," masayang sabi pa nito.

"Dapat ako ang gumawa niyan eh. Ako dapat ang nagluto para sa'yo," masuyong sambit niya.

Sinapo nito ang kanyang mukha. "Hayaan mo na akong gawin ito. Gusto ko lang kasing pagsilbihan ang babaeng pinakamamahal ko." Nangislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Napuno ng pagsuyo ang puso niya. "Maraming salamat Akeem," buong-suyong sambit niya.

"Para saan?"

"Sa pagsama mo sa akin dito," nakangiting sagot niya. "Alam ko na hindi makukumpleto ang pagbabakasyon ko kundi kita kasama." Hindi na nga niya napigilang sabihin. "Hindi ako magiging lubos na masaya kung wala ka sa tabi ko."

Naramdaman niya ang maingat na paghaplos ng malalambot nitong mga kamay sa kanyang pisngi.

"Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo kasi pumayag kang makasama ako rito." Ang mga mata nitong masuyo ay napakagandang tingnan. "At wala akong ibang gagawin kundi ang maging masaya ka kapag ako ang kasama mo."

"Na palaging ginagawa mo," nakangiting tugon niya. "Basta nandito ka lang sa tabi ko... sapat na iyon. Kuntento na ako. Alam ko na ligtas ako." Ang mga bagay na iyon ang ibinibigay ng pagmamahal ni Akeem sa kanya.

"Of course I will do everything to protect you," puno ng diing sambit nito. "Ganyan kita kamahal Demi. Na kahit ano ay kaya kong gawin masiguro ko lang na okay ka."

Hinuli niya ang mga kamay nito at hinawakan nang mahigpit ang mga iyon. "Mahal na mahal kita Akeem," madamdaming sambit niya. "Ikaw lang ang nag-iisang lalaking minahal ko nang sobra-sobra."

Gumanti ito ng walang kasing-tamis na ngiti. "Kapag sinasabi mo ang mga salitang iyan... napakagaan ng pakiramdam ko. Para akong nasa ulap. Can you please say those magic words again?"

Ngumiti siya ng matamis. "Mahal na mahal kita Akeem," buong-pagmamahal na sambit niya.

Kinabig siya nito at binigyan ng matamis na halik. Akala niya ay saglit lang ang halik na iyon pero naramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang mukha at pinalalim ang kanilang halik. Buong-puso siyang tumugon. Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa balikat nito at hinapit pa siyang lalo ng binata.

Advertisement

That kiss was passionate and sweet. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Napakabilis ng pintig ng kanyang puso habang tumutugon sa halik. Dinig na dinig rin niya ang mabilis na pintig ng puso ng binata. It was like two heartbeats that plays one music.

Parehong hinihingal sila nang putulin ang halik. She loves the spark in his eyes.

"Mahal na mahal din kita Demi. Then, now and forevermore."

Gusto niyang maiyak sa matinding pagmamahal na nakikita niya sa mga mata ng binata. Napapikit siya nang kintalan siya ng masuyong halik sa noo. Ramdam niya ang maingat na pagrespeto nito sa kanya kapag ginagawa iyon.

Kinabig nito ang kanyang ulo at isinandal siya sa malapad nitong dibdib. Nagsumiksik siya roon at dinama ang kapayapaan sa mga bisig nito.

"Alam ko na hindi perpekto ang buhay ko. Pero kapag ikaw ang kasama ko... nagiging perpekto ang lahat," masuyong sambit nito.

Tumingin siya rito habang nakayakap sila sa isa't-isa. "At dahil iyon sa pagmamahal mo para sa akin... at sa pagmamahal ko para sa'yo," matamis na ganti niya.

Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Habang nandito tayo, susulitin ko ang mga araw. Wala tayong ibang iisipin kundi ang mga sarili natin. At wala tayong ibang mararamdaman kundi ang saya."

Iyon ang gustung-gusto niyang maramdaman. "Sana palagi na lang tayong ganito habang-buhay."

Inilapit nito ang mukha sa kanya. Ang puso niya ay hindi na naman makontrol sa bilis ng pagtibok.

"Magagawa natin iyon dahil iyon ang gustung-gusto nating mangyari... ang maging masaya. Dahil mas pipiliin nating maging masaya sa piling ng isa't-isa."

Napakasarap sa pandinig ang mga salitang iyon.

Hinaplos niya ang pisngi nito at hindi niya napigilan ang sarili at kinintalan ito ng halik roon. Nakita niyang natigilan ito sa ginawa niya pero kaagad ring ngumiti ng matamis.

Kumalas sila sa yakap at hinuli nito ang kanyang mga kamay.

"Halika na kumain na tayo. Baka lamigin na ang niluto ko para sa'yo." Maghawak-kamay na pumunta sila sa dining area. Inalalayan siyang umupo roon. "Diyan ka lang, umupo ka lang diyan at kukunin ko ang mga niluto ko okay?"

"Ano ba'ng niluto mo?" takam na siyang tikman ang niluto nito.

"Fried rice and bacon, mga paborito mo," masiglang sagit nito. "At siyempre hindi nawawala ang isang tasa ng kape."

Alam na alam talaga nito ang mga paborito niya. "Ang sarap naman!" natatakam niyang sabi.

"Siyempre, ako ang nagluto eh." Nakapaskil ang matamis na ngiti sa labi nito bago ito pumunta sa kusina.

Pagbalik nito sa dining area ay magana silang kumain habang nagkukwentuhan. Kung ganoon ang aabutan niya kapag babangon siya nang umaga ay hinding-hindi siya magrereklamo kahit-kailan.

PAPASOK na sana si Akeem sa loob ng unit nila nang makita ang isang lalaki sa tabi ng kanilang bahay. Palabas naman ito ng katabing unit.

Galing siya sa talyer at may importanteng ibinilin kay manong Gary. Pagkatapos roon ay kaagad rin siyang bumalik sa compound. Ayaw kasi niyang iwan nang matagal at mag-isa si Demi sa kanilang unit.

Tiningnan niya ang lalaki, matikas ang pangangatawan nito. Nakatingin ito sa kanya ng seryoso.

Advertisement

"Hi bro!" bumati pa rin siya at kumaway rito. Kapitbahay naman niya ito kaya maanong batiin niya ito bilang pakikisama.

Sa ilang araw na paninirahan nila ni Demi sa compound ay bihira niyang makita sa labas ang mga naninirahan sa ibang mga units. Ngayon rin niya nakita ang nakatira sa katabing unit nila.

Tumango lang ito sa kanya bilang tugon. Akmang papasok na siya sa loob ng kanilang unit nang marinig niyang magsalita ito.

"Ikaw lang ba ang nakatira sa unit na 'yan?"

Nilingon niya ito. Seryoso pa rin ang mukha nito habang lumalapit sa kanya.

Umiling siya. "Kasama ko ang girlfriend ko at nagbabakasyon lang kami dito," sagot niya. "Ako nga pala si Akeem," pagpapakilala niya at iniabot ang kanyang kamay.

"I'm Dean," tinanggap naman nito ang pakikipag-kamay niya.

Natigilan siya nang tumitig ito sa kanya. Parang may gusto itong sabihin sa kanya na hindi niya maipaliwanag.

Tumikhim siya. "How about you? May kasama ka ba sa unit mo? Your girlfriend or family perhaps?" masiglang tanong niya.

Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdilim ng mukha nito. Natigilan naman siyang muli, may nasabi ba siyang hindi maganda? Nalilitong tanong niya sa sarili.

Namulsa ito at tumingin sa kanya. "I don't have a family. Mag-isa na lang ako sa unit na ito." He can feel the bitterness in his tone.

At sinabi nitong mag-isa na lang ito. Ibig bang sabihin ay may kasama ito dati? Nahihiya naman siyang mag-usisa pa.

"And it's because of the urban legend in this compound," mariin nitong sabi.

Kumunot ang kanyang noo. "What are you talking about?"

"Hindi mo ba alam ang tungkol sa sumpa sa lugar na ito?"

Kinilabutan siya sa sinabi nito. Ni wala siyang alam na may ganoon pa lang haka-haka sa lugar na iyon.

"S-Sumpa?" ulit niya. "I don't really believe in myth," tumawa siya habang umiiling.

"Ako rin," puno ng kaseryosohang sabi nito. "Hindi ako naniniwala noon sa sinasabi nilang sumpa sa lugar na ito. Na lahat ng mag-boyfriend o girlfriend o mag-asawang tumira sa compound na ito ay maghihiwalay." Humihingal pa ito habang sinasabi iyon. Ramdam niya ang pait sa tinig nito. "But now... I believe in that curse," mariin nitong sabi.

Iyon pala ang sinasabi nitong sumpa 'di umano. Ano ba'ng pakialam niya sa sumpa? Hindi siya kailanman maniniwala roon. Lalong hindi sila maghihiwalay ni Demi kahit-kailan.

Ngumiti siya rito. "Alam mo Dean. Mas naniniwala ako na tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. And I'm pretty sure na hindi kami maghihiwalay ng girlfriend ko kahit-kailan," matatag niyang sabi. "Kaya huwag mo na akong takutin tungkol sa sumpa na 'yan," natatawang sabi niya.

"Hindi kita tinatakot," bagkus ay mariin nitong sabi. "Sinasabi ko lang sa'yo kung ano ang totoo. Kaya kung ako sa'yo at sa girlfriend mo ay aalis na ako sa lugar na ito."

It was more like of a warning. Parang may malalim itong pinaghuhugutan. At may 'di nangyaring maganda sa nakaraan nito.

Hindi siya nagpaapekto sa sinabi nito. "My girlfriend loves this place so much. At gusto pa naming magbakasyon rito," aniya. Ngumiti siya. "Excuse me 'bro, papasok na ako sa loob. It was nice meeting you."

Tumango lang ito at kaagad na siyang pumasok sa loob ng unit. Napailing na lang siya sa mga sinabi ni Dean. Sino ba'ng maniniwala sa sumpa sa panahong iyon? It doesn't exist.

"Akeem! Nandiyan ka na pala."

Awtomatikong sumilay ang isang magandang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang tinig ni Demi.

Lumapit siya rito at kaagad na kinintalan ito ng halik sa pisngi. He loves her sweet scent whenever she's near. Napakasarap sa pakiramdam na sinasalubong siya ng kanyang mahal na girlfriend ng matamis nitong ngiti.

Hindi siya nakapagpigil at niyakap niya ito nang mahigpit. "I miss you so much," malambing na sambit niya.

Narinig niya ang pagtawa nito habang tinutugon ang kanyang yakap. "Ilang oras ka lang nawala ha," natatawang sabi nito.

"Kahit na... alam mo naman na kahit sandali ka lang mawala sa paningin ko ay hinahanap-hanap na kita."

Kumalas sila sa yakap. Parehong may ngiti ang kanilang mga labi. Bakas ang saya sa mga mata ni Demi. Iyon naman ang gusto niya, ang makita itong masayang nakangiti.

Hinawakan niya ang mga kamay nito at iginaya sa mahabang sofa. Magkatabi sila habang nakayakap ito sa kanya. Masuyong hinaplos niya ang buhok nito.

"Demi..."

"Hmm..."

"Nakilala ko ang lalaking nakatira sa katabing unit natin. May sinabi siya sa akin tungkol sa compound." Mas mabuting sabihin niya sa dalaga ang nalaman.

"Ano naman iyon?"

At sinabi niya ang mga sinabi ni Dean sa kanya tungkol sa sumpang pinaniniwalaan nito.

Tumawa lang si Demi. "Paano magkakaroon ng sumpa sa ganito kagandang lugar?" iiling-iling na sabi nito. "Teka lang..." bahagyang lumayo ito sa kanya at pinakatitigan siya. "Huwag mong sabihing naniniwala ka sa sinasabi niyang sumpa?"

"Of course not," mariin niyang tanggi. "Hindi iyon totoo. Paano tayo maghihiwalay eh alam ko namang patay na patay ka sa akin?" natatawang sabi niya.

Bumungisngis ito. Napaka-cute nitong tingnan kapag ginagawa iyon. Gusto tuloy niya itong hilahin at halikan.

"Ang kapal ng mukha mo Akeem. Ikaw kaya ang patay na patay sa akin," nakalabing sabi nito.

Hindi na siya nakapagpigil. Hinila niya ito at binigyan ng isang matunog na halik. Nakita niyang natigilan ito at namula ang mga pisngi. Mahal na mahal talaga niya ang babaeng ito.

Sinapo niya ang mukha nito at tinitigan nang buong-pasuyo.

"Oo patay na patay ako sa'yo kaya hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin," masuyong sambit niya. "At oo, hinding-hindi tayo maghihiwalay kahit kailan. Dahil hinding-hindi ko papayagang mangyari iyon," puno ng diin ang kanyang tinig. "Mahal na mahal kita Demi."

Nangislap ang mga mata ng dalaga habang magkahinang ang kanilang mga mata. Nag-uumapaw sa pagsuyo ang kanyang puso.

"Mahal na mahal din kita Akeem," matamis na tugon nito.

    people are reading<The Present Series 5: If Only (COMPLETED)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click