《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 6

Advertisement

BINUKSAN ni Demi ang ilaw sa kanilang kusina. Madaling araw na. Bigla siyang nauhaw kaya bumaba siya para uminom ng tubig.

Muntik na siyang mapasigaw nang makita ang bulto ng mama niya na nasa tapat ng fridge habang hawak ang isang pitsel at nagsasalin ng tubig sa baso.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Mama naman. Ginulat niyo naman po ako," aniya at lumapit rito.

"Pasensya ka na anak," anito pagkatapos ibaba ang baso at pitsel sa mesa.

Kumuha siya ng baso at kinuha ang pitsel sa mesa at nagsalin rin ng tubig bago uminom. Hawak ang baso ay minasdan niya ang mama niya. Saka lang niya napansin na bihis na bihis pa rin ito at nakita niya ang bag nito na nakapatong sa mesa.

"Ngayon lang po ba kayo umuwi ma?" takang tanong niya.

"Ah..." bigla itong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Nagkayayahan kasi kami ng mga kaibigan ko na mamasyal. Ang dami naming pinuntahan kaya hindi namin namalayan ang oras. Kaya gabi na tuloy kami nakauwi," nakangiting sabi nito.

Napapansin niyang madalas na umuuwi ng dis-oras ng gabi ang mama niya. Dati-rati kapag uuwi siya ng bahay galing trabaho ay nasa bahay na ito kahit na may importante itong lakad o kaya ay nakipagkita sa mga customers nito. Pero nitong mga nakaraang araw ay gabi na ito nakakauwi. Siguro, marami lang kumukuha ng orders rito kaya palagi itong abala.

Ayos lang din naman sa kanya ang makipag-bonding ang mama niya sa mga kaibigan nito. Para naman makapaglibang ito kahit-papaano.

"Ganoon po ba," tumatangong sabi niya.

"Sige anak, aakyat na ako sa silid at magpapahinga na. Ikaw rin, matulog ka na," masiglang sabi nito at humalik sa kanyang pisngi bago tumalikod.

"Ma," pagtawag niya rito.

Lumingon ito. "Bakit anak?"

Huminga siya ng malalim. Hindi pa niya nasasabi sa rito ang tungkol sa kanilang relasyon ni Akeem. Ilang araw ang lumipas at saya ang nararamdaman niya kapag kasama ang binata. Tunay na saya ang ipinaparamdam nito sa kanya. At ipinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal. Naging mas lalong malambing at maalalahanin ito sa kanya. Kahit na alam nilang mahal na nila ang isa't-isa ay sinabi pa nitong liligawan siya. Palagi siya binibigyan ng bulaklak at kung ano-anong regalo. Nakakataba ng puso lahat ng ginagawa nito para sa kanya.

Advertisement

Kailangan na niyang masabi sa mama niya ang tungkol sa kanila ni Akeem. Matagal na kilala naman nito ang binata. Kaya abot-abot ang hiling niyang sana ay matanggap nito ang kanilang relasyon.

"M-May sasabihin po sana ako sa inyo," umpisa niya.

"Ano ba iyon Demi?" seryoso ang tinig nito.

Humugot siya ng malalim na hininga at binitawan ang hawak na baso sa mesa. Tumingin siya ng tuwid rito

"Ma, kami na po ni Akeem," lakas-loob na sabi niya.

Nakita niya ang gulat na rumehistro sa mata nito. Umawang ang labi nito at hindi makapaniwala.

"A-Ano?" gulat at kunot-noong sabi nito na bahagyang tumaas ang tinig. Bigla siyang kinabahan sa reaksyon ng mama niya. "A-Anong ibig mong sabihing kayo na ni Akeem, Demi?" Bakas pa rin ang pagkagulo sa tinig nito.

Mariin siyang lumunok. "Nagmamahalan po kami ni Akeem, ma," matatag niyang sambit.

Hindi niya maintindihan kung tama ba ang nakita niyang lungkot at takot na dumaan sa mga mata nito. Nagkakamali lang siya, alam niya na pamilya na rin ang turing nito kay Akeem. At alam niyang magiging masaya ito para sa kanila.

"Ma, hindi niyo po ba kami matatanggap?" puno ng takot na tanong niya.

Nakita niyang huminga ito ng malalim. Umiling-iling ito habang lumalapit sa kanya. "Of course I'll accept you and Akeem." Sumilay ang matamis niyang ngiti nang ngumiti ito sa kanya. Hinawakan ang magkabilang braso niya. "I'm sorry, nagulat lang ako sa sinabi mo, anak." Tumingin ito nang mataman sa kanya. "Nakikita ko sa mga mata mo ang saya. Si Akeem ang dahilan hindi ba?"

Puno ng ngiting tumango siya. "Masaya po akong natagpuan namin ni Akeem ang pagmamahal sa isa't-isa. Mahal na mahal ko po siya," masuyong sambit niya.

Naging malamlam ang mga mata ng mama niya at naramdaman niyang hinaplos nito ang kanyang buhok.

Advertisement

"Kung saan ka masaya ay doon ako. At magiging masaya ako para sa inyong dalawa ni Akeem."

"Maraming salamat ma." Yumakap siya rito at naramdaman niya ang pagganti nito.

"MOM, DAD, si Demi po... girlfriend ko."

Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Demi nang ipakilala siya ni Akeem sa mga magulang nito. Kilala naman niya si tito Ricardo at tita Agatha noon pa man. Pero iba ang sitwasyon ngayon dahil ipapakilala siya ni Akeem bilang girlfriend nito.

Nasabi na niya sa binata na alam na ng mama niya ang tungkol sa kanilang relasyon. Napakasaya nito nang sabihin niya iyon. At ito naman ang nagsabi sa kanya na ipapakilala siya sa mga magulang nito bilang girlfriend.

Nagpa-reserved pa ang binata sa loob ng mamahaling restaurant na iyon para sa espesyal na gabing iyon. Mabuti na lang at nabigyan ng panahon ng mga magulang nito ang gabing iyon dahil alam naman niyang masyadong abala ang mag-asawa sa negosyo ng mga ito.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Akeem sa kanyang kamay habang magkatabi silang nakatayo. Nakatulong iyon para mabawasan ang kabang nararamdaman niya.

Nakita niyang parehong nagulat ang mga magulang nito nang makita siya. Tumingin siya kay tita Agatha, bakas ang gulat sa mukha nito pero napalitan rin iyon ng ngiti. Si tito Ricardo naman ay gulat na gulat pa rin ang mukha.

"Si Demi ang girlfriend mo anak?" hindi makapaniwalang tanong ng daddy nito. Nakita niya sa mga mata nito ang sobrang pagkagulat. Na parang 'di inaasahan ang tagpong iyon.

"Yes dad," mabilis na sagot ni Akeem.

"From bestfriends turned to lovers ha," tumatangong sabi naman ng mommy nito. "Hindi na ako magtataka kung nahulog ang loob niyo sa isa't-isa," nakangiting sabi pa nito. Mukhang masaya ito para sa kanila. "You are always welcome to our family Demi." Tumayo ito at niyakap siya.

Napakasaya ng naramdaman niya. Ramdam niya ang pagtanggap nito sa kanya. Noon pa man ay ramdam na niya ang kabaitan ni tita Agatha sa kanya at sa mama niya.

"Maraming-maraming salamat po tita," masayang sambit niya nang kumalas.

"What can I say... but to welcome you too hija," anang daddy nito. Tumayo ito at niyakap rin siya. "Kung sino ang makakapagpasaya sa anak ko ay buong-buo kong tatanggapin."

"Salamat po tito," magalang niyang tugon nang kumalas.

Napakabait talaga ng mga magulang ni Akeem. Napakaperpekto nga ng pamilya nito. Bigla tuloy niyang na-miss ang papa niya. Sigurado siya na mas magiging masaya sila kung kasama nila ito. Hindi niya lubos inasahang darating ang araw na iyon. Para silang iisang pamilya.

Naramdaman niya ang muling pagpisil ni Akeem sa kanyang kamay. May ngiti sa labing tiningnan niya ito.

"Are you happy?" masuyong tanong nito.

Tumango siya. "Very happy," tugon niya.

"I love you," bulong pa nito sa tainga niya. Nakiliti siya sa ginawa nitong iyon.

"I love you too," ganting sambit niya.

"Tama na 'yang bulungan niyong dalawa." Narinig niyang saway ng mommy nito pero nakangiting nakatingin sa kanila. "Maupo na kayong dalawa at kumain na tayo."

Tumalima naman sila. Pinaghila pa siya ng upuan ni Akeem. Napakaka-gentleman talaga nito.

Naging magana at masaya ang hapunan nilang iyon. Ang sayang nararamdaman sa puso ni Demi ay sobra-sobra.

    people are reading<The Present Series 5: If Only (COMPLETED)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click