《The Platinum Tales #TheWattys2018》Palasantingan's Tale

Advertisement

"Isang Liham Para Sa'yo"

Huy, oo ikaw nga. Tingin ka sa likod mo, siya kausap ko hindi ikaw. Wala bang tao sa likod mo? Natakot ka ba? Biro lang naman. Ikaw talaga kakausapin ko. Pero, ikaw ba yung lalaking taga-Platinum na may salamin? Kung ikaw yun, basahin mo ito. Ngunit kung hindi ka yun, lumayas ka na hindi 'to para sayo. Pero kung mapilit ka, sige basahin mo lang. Kamusta na? Mahirap ba ang buhay? Kaya mo pa ba? Pakiramdam ko namang kakayanin mo dahil nga yelo ka. Yelo? Nagtataka ka ba? Yelo? Ikaw? Oo, ikaw ay isang yelo, isang yelong may iba't ibang uri. Yelo—madalas matigas na tubig, minsan ikaw. Yelo—madalas tres, minsan ikaw. Yelo—madalas pampalamig, minsan hindi ikaw, mainitin kasi ulo mo. Mapunta tayo sa Yelo. Baka kung anong yelo iniisip mo ha, hindi yung kulay, yung yelo na nabibili, yung tig tres at malamig. Kung sa literal natin titingnan, hindi ka naman mukhang yelo. Hindi ka din nabibili at mas lalong hindi ka tig tres dahil mas mahalaga ka pa sa pera. Malamig? Siguro hindi din dahil buhay ka pa naman at hindi isang malamig na bangkay. Pero kung ang tayutay ang pag-uusapan? Ikaw ang pinakasasakto sa katangian ng isang yelo. Pero bago yun, isa-isahin natin kung bakit ka isang yelo at kung anong yelo ka.

#1 Yelong Panghalo-halo Alam mo yung halo-halo? Siguro kumakain ka naman nito diba? Yung yelo nung halo-halo, oo yung crushed. Ikaw yun, yung durog. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw yung durog ko. 'Di mo nakuha? Humahanga ako sayo 'wag kang bopols. Kinilig ka ba? 'Di bagay sayo. Ngayon alam mo na? Sikreto lang ha? May isa pang dahilan 'yan. Alam ko durog puso mo, hindi man natin maibabalik iyan sa dati, pwede natin kolektahin muli at ihulma. 'Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Ayaw mo ng tulong? Sige bahala ka diyan.

Advertisement

#2 Yelo sa Titanic Oo, alam ko na. Titanic. Mahalaga sa'yo ang palabas na iyan. Pero bibigyan kita ng isang ideya aa tuwing maaalala mo yan. Isipin mo, ikaw yung dahilan kung bakit lumubog yung Titanic. Alam mo kung ano? Yung ice berg. Oo yung sobrang laking ice berg. Pero 'wag kang mag-alala, hindi naman masama yung ice berg sa Titanic kaya hindi ka masama. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sinisisi ng mga tao yung piloto? O kaya yung ice berg? Kaya lumubog yung barko. Ikaw ba? Nagtataka ka ba? Diba't hindi naman kasalanan ng piloto yun? Porket ba pinanuod niya si Jack at Rose maglandian kasalanan na niya? Kung tutuusin kahit sa ilang segundo na yun, hindi nanaman talaga nila maiiwasan yung yelong yun. Dun tayo sa mismong yelo, bakit nila sinisisi yung yelo? Kasalanan ba nung yelo na dun siya lumaki? tumigas at nanatili? Isa lang siyang inosenteng yelo. Wala kang kasalanan kung bakit lumubog yung Titanic, dahil hindi naman ikaw ang dapat umiwas para hindi sila mabangga. Dahil mabait ako, gamitin natin yung tinuro ni Miss Navarro sa English, yung Deconstruction. Yung Ice Berg, malaki, kapag malaki, matibay, pero pwede ring marupok dahil isa kang yelo. Oo, para sa akin, ang laki mo. Malaki ka. Matibay ka sa paningin ng iba. Pero, hindi ba nila naiisip na marupok ka din? Na pwede ka ding madurog? Ganun ka din, tao ka din naman diba. Alam kong matibay ka pero kailangan mo din ng karamay. Huwag kang mag-alala marami kaming buong pusong pupulot ng mga durog mong yelo at bubuoin ka namin ulit. Mahalaga ka sa mundo, alam mo naman na mahalaga ang poles sa mundo hindi ba? Binabalanse mo ang temperatura ng mundo. Nailigtas mo kami. Gaya mo, may nailigtas ka ng nilalang, kung sakaling malungkot ka man, pwede mo kaming lapitan.

Advertisement

#3 Bloke ng yelo Ito naman, isa kang bloke ng yelo. Bakit? Matigas ka kasi, ang tigas ng ulo mo. Alam ko namang walang ulo ang yelo, pero ikaw pa din yun walang magbabago. Wala na akong maisip dito, sa ibang yelo naman.

#4 Yung tipikal na yelo Alam mo yung yelo na tig tres? Oo yung ganung yelo. 'Wag ka mag-alala, wala akong balak na ibenta ka. Gaya nga ng sabi ko, mas mahalaga ka pa sa pera. Madalas, ikaw itong tipikal na yelo. Ikaw yung tipikal na taong 'cool' at minsan malamig. Malamig makisama. Minsan ang tahimik mo, minsan ang cool mo sa ibang bagay. Ewan ko sa'yo.

#5 Tubig Oo tubig, yelo pa din naman 'to diba? Tunaw nga lang. Minsan nalulunod ako kapag kasama kita hindi ko alam ang dahilan. Basta nalulunod ako. Hoy ikaw, ang tubig mahalaga sa tao diba? Hindi mabubuhay ang tao kapag walang tubig. Ganon din kami, yung mga taong may pakialam sayo, hindi kami mabubuhay kung wala ka kaya 'wag mo subukang lunurin ang sarili mo sa alak. Hindi ako marunong lumangoy, hindi kita kayang iligtas. Pero pwede naman tayo mag-inuman, ikwento mo saakin lahat para naman gumaan yung bagahe mo. Kung ayaw mo, edi 'wag di kita pipilitin bahala ka diyan.

#6 Water Vapor Nakakatawa hindi ba? Ang dami mong uri, umabot ka hanggang dito. Minsan ang yelo kapag nainitan, matutunaw at mage-evaporate. Ikaw ganun din, madalas kapag mainit ang ulo mo, nage-evaporate ka, nagiging hangin ka. Hindi kita makausap at makilala. Kung hindi ka sang-ayon, ipaliwanag mo sa akin kung kailan nagkahawig ang hangin at yelo? At makakausap mo ba talaga ang hangin? Hindi diba? Tama ako. Ito na ang pinakahuling parte ng sulat ko, ang dami mong uri, ugali at mood. Pero tandaan mo, kahit ano pang katangian at hitsura mo, mananatili ka paring yelo sa paningin ko. Kasi dun kita nakilala at hindi ko yun kakalimutan. Hanggang dito na lang. Paalam.

Lubos na gumagalang, Palasantingan

    people are reading<The Platinum Tales #TheWattys2018>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click