《"The Unwanted Princess (" most precious princess")》CHAPTER 28
Advertisement
Emerald happily humming a song, habang sinusuklay ito ng kanyang personal maid.
"princess, sobrang Saya mo ngayon"
"yes kasi kaarawan ngayon ni ama."
"sobrang mahal mo talaga ang kamalahalan princess"
"oo kasi mahal din naman niya ako"
"di ka ba nag tampo na di siya nakadalo ka gabi sa pagdiriwang?"
"di naman, binigyan n'ya naman ako ng regalo"
bakit ba ang dami mong tanong? tapusin mo na ang trabaho mo, gusto ko maging agaw pansin sa kaarawan ni ama kasi ngayon ko malalaman kung kanino niya ako ipakasal ".. asar nitong sabi.
natahimik naman ang maid, ang ibang maids naman umikot ang mata sa narinig.
Emerald is a brat, mabait at mahinhin kapag kaharap ang hari,
pero kung wala, wagas kung makapanglait..
ang alam kasi niya espesyal siya dahil siya lang daw ang may asul na mata tulad ng Hari.. ito kasi ang laging sinasabi ng unang Reyna Kay Emerald.
===+++===
maagang ginising ni sapphire ang lahat ng sundalo, para maka inom ng mainit na sabaw para sa kanilang hang over.
"gising na mga Kuya, inomin niyo yung mainit na sabaw na niluto ko, para po mahimasmasan kayo."
"salamat princess" sagot ng lahat
"bilisan niyo diyan maging abala pa po kayong lahat ngayon dahil sa kaarawan ng Hari." sabi niya sa lahat
parang natauhan naman ang lahat sa narinig, saka lang nila napansin na wala na pala ang apat na pinuno nila.
"princess sila pinuno saan na"?
"nauna na po sila kani-kanina lang"
beinte minutos ang nakalipas, ng maka alis na ang mga sundalo, kasalukuyan ng naglilinis ang mga maids, kailangan din kasi nilang pagandahin ang South Palace dahil utos ito ni mistress julianne ang Ina ni sapphire kahit di naman nagpupunta ang hari..
ang gusto kasi nito presentable ang south palace.
"princess, huwag kanang tumulong, kailangan mong mangpahinga dahil maliligo ka pa at maghanda para sa pagdiriwang". sabi ni Jane
"kailangan pa ba nating gawin yun ate Jane, di naman po ako mapapansin dun," reklamo nito sa headmaid
"princess alam mo ang sagot d'yan..
hala sige mag pahinga ka na, dahil papaligo-an at aayusan ka nila joy mamaya"
wala ng nagawa si sapphire, kundi pumanhik na sa kanyang silid.
>>>>>>
"ate parang makaka-agaw naman po ito ng pansin, masyado makinang para akong prinsesa nito.." simangot nitong sabi sa dalawang nag aayos sa kanya.
("i look luxurious,. masyado akong eye catching") bulong niya sa sarili
"hahaha, prinsesa ka naman talaga ah', at saka diba nangako kang ito ang isusuot mo? sinabi mo na to kay kumander Caleb.". julia said
"oo nga princess saka, siyam na taong gulang kana, kaya pipili na ang hari na iyong mapapangasawa, kailangan mong maging elegante at agaw pansin para di ka matulad sa kapatid mo ang 6th princess na si lira." joy
"yes princess, ayaw namin mangyari sayo ang nangyayari kay princess lira noong nakaraang taon."
"mismo princess, she was engaged to the baron 4th son.., pang-apat princess walang pag-asa na makuha ang titulo ng baron"
"kaya princess kailangan mong maging maganda sa lahat" nag-alala nitong sabi.
nang marinig ni sapphire ang sinabi ng dalawa.
na-alala niya ang nangyari Kay lira,.
aksidente nitong natapunan ng tubig ang sapatos ng pang-limang prinsipe.
kaya naman nagalit ang hari at ipinagkasundo ito sa anak ng baron.
iyak ng iyak si lira noon, pero walang maski isa ang lumapit para damayan ito kahit ang sarili nitong Ina.
lahat nakatingin lang sa umiiyak na prinsesa
ang iba naa-awa at ang iba naman may mapangutyang tingin.
kita lahat ni sapphire ang pangyayaring yun,
lagi kasi siyang nasa sulok at kumakain ng cookies,
ganito kasi lagi ang ginagawa niya pag may pagdiriwang.,
Advertisement
kinilabutan siya bigla sa na-alala.
"so it's my turn huh'., matamlay niyang sabi.
" princess.." tawag ni joy sa prinsesang nakayuko.
nagpipigil ng iyak ang dalawa,. ngunit nagpapatuloy parin sila sa pag-aayos sa prinsesa..,
tanging dalangin nila na sana'y mag-iba ang kapalaran ng prinsesa.,
"tapos na tayo princess".. julia
"ohh goodness princess ang ganda mo" puri ni joy.
"sobrang bagay sayo ang damit princess, ang galing pumili ni ginoong marquez."
"bumagay din sa damit mo ang regalo ni sir Lorenzo princess.."
"salamat po mga ate, pero kinakabahan ako na di ko maintindihan.". amin niya sa mga ito.
ngumiti lang ng malungkot sa kanya ang dalawa, suot niya ang damit na regalo ni Caleb,
kulay asul at puti ito at naka Burda dito ang disenyong bulaklak na kulay pilak..
ang buhok niya na lagpas balikat ay malinis na nakarintas at inikot para maging bulaklak ang porma, saka pinalibot dito ang apat na pang-ipit na bigay ni Lorenzo.
ang sapin sa paa niya kulay pilak na disenyong korona. sa dulo..
sa unang pagkakataon nagkaroon na siya ng bangs na lalong bumagay sa kanya.
pinag isipan na talaga ito ng mga maids para maging kakaiba siya sa lahat.
sa ngayon si sapphire lang ang prinsesang lagpas balikat ang buhok at may bangs.
di tulad ng ibang prinsesa na ang buhok hanggang beywang ang haba.
"Ang ganda mo talaga princess, Lalo kang naging bata sa bago mong buhok"
"ikaw ang unang prinsesa na may bangs at mababa ang buhok kumpara sa iba"
"oo nga ate, hehehe gusto ko po ang bago kung hair style.. saka gusto ko makita ang reaksyon ng mga sundalo at sina tito Lorenzo at kumander" sabi niya at hinakawan ang bangs niya.. masaya siya sa ginawa ng mga maids na pagbabago sa kanya..
"hahaha,, oo nga no,! kagabi mataas pa ang buhok mo ngayon hahaha iba na." nagtawanan na silang tatlo.
====++++====
alas-tres ng hapon
nag simula na ang kasiyahan, at si sapphire gaya ng dati nasa isang sulok lang kumakain ng cookies.
sa ganitong pagdiriwang lang makakapasok ang mga Queens, mistresses and the unwanted princesses.
nagtayuan at nagsiyuko-an ang lahat pagpasok ng Hari bilang pagbigay galang,.
kasunod nito ang prime Minister at ang commander.
"thank you for coming everyone., ('pagsisimula nito') bago ang lahat gusto ko munang batiin ang pinakamamahal kung anak, my youngest daughter, na nagdiwang kahapon sa kanyang ika-siyam na kaarawan.,princess Emerald" masaya at may lambing nitong sabi.
nagpalakpakan ang lahat ng tumayo si Emerald at yumuko ng bahagya, nakangiti ito ng malaki dahil sa narinig.
ngunit ang totoo sinabi lang yun ng Hari sa pag-aakalang siya ang pinaboran at inalayan ng katapatan ng mga sundalo..
may ulat kasing nakarating sa hari kaninang umaga na inubos ng mga sundalo ang stocks nilang pagkain at inumin sa kantena upang makipag celebrate sa kaarawan ng bunsong prinsesa.
maraming anak ang hari ngunit sa totoo lang wala ni isa ang minahal niya sa mga ito.. kahit nga marami siyang asawa ngunit ni isa sa kanila walang nakabihag sa puso nito.
takot ang hari magmahal dahil ayaw niyang maiwan ulit.
likas sa mga kaharian ang maraming asawa at mistress ang hari, ganito ang patakaran upang masiguro na may tagapagmana at hindi mawawala ang lahi ng mga maharlika.
"kaya bilang regalo magbibigay ako sa kanya ng ma---
naputol ang sasabihin nito ng magsalita si Lorenzo.,
" Ang you sure that she's your youngest daughter "? malamig nitong sabi
ang pekeng mga ngiti ng bisita ay nabura at napalitan ito ng pagtataka..
"yes your majesty,. 'di mo naman siguro nakalimutan kung ilan ang anak mo diba? sabi din ni Caleb.
Advertisement
biglang tumahimik ang bulwagan, walang ingay ang maririnig, syempree alam ng lahat na maraming anak ang hari ngunit di lahat kinikilala ng palasyo..
ito ang naabutan ng limang prinsipe, ngayon lang kasi sila dumating. at nakita nila ang kumander na may madilim na mukha.
("bakit siya galit!"?) tanong ng Lima sa isip
"of course harem manager 'at kumander di iyang nakalimutan ng mahal na hari." sabi ni Fred
ang eerie ng aura sa buong bulwagan..
sa mga oras na ito nilibot ni Lorenzo at Caleb ang kanilang paningin, hinahanap nila ang ang isang tao.
nakita nila itong abala sa pagkain parang wala itong paki-alam sa nangyayari sa kanyang paligid.
nagulat sila sa hitsura nito, para itong manika na naligaw ng Lugar, kung di lang nila alam na ginto ang buhok nito di nila ito makilala. sobrang ganda nito at mas bumata sa edad niya.
napansin ni Caleb ang suot nito kaya napangiti siya ng malaki.
ganun din ang reaksyon ni Lorenzo,
bagama't walang emosyon ang mukha nito. makikita naman sa mga mata nito ang saya.. masaya dahil ginamit nito ang regalo niya.
"really? so bakit isa lang ang binati niya?. mapang-uyam nitong tanong.
bago paman makasagot ulit ang prime Minister. may nagsalita na naman.
" exactly your highness '! are you insulting the presence of the youngest princess?. biglang sabi ni count bryle.. naintindihan na niya ang nangyayari.
" I agree,. with them you're highness.' wala ka bang balak batiin ang bunsong prinsesa ng moonlight?.. sabi rin ni baron Francis
lalong nagugulohan ang lahat dahil nagsalita rin ang dalawang nobles.
kumunot ang noo ng Hari at pilit na may ina-alala.
(gusto ko sana Emerald a gem stone)
(you can't)
(if you want to name her a gem stone)
bigla siyang nanglamig sa na-alala. di niya na malayan na nasabi niya ang pangalan nito ng malakas.
"Sapphire Elizabeth" pagkasambit ng Hari sa katagang yun, umingay bigla ang paligid at lahat ng hihintay kung sino ang tatayo.
muntik ng mabulunan si sapphire sa narinig at dahan-dahang tumingin sa hari, nakatalikod ito sa kanya.
"may glory be upon you my king" pagbigay galang ni sapphire at tumikluhod ng kunti..
lumingon ang hari sa pinang galingan ng tinig..
nakayuko pa si sapphire,
napatingin ang lahat ng malapit Kay sapphire.
pero nanatili silang tahimik.
pag-angat nang ulo ni sapphire napasinghap ang lahat sa nakita,.
kunot-noong napatitig si Emerald dito
('bakit asul ang mga mata niya? akala ko ba ako lang ang may asul na mata sabi ni Ina?.
saka bakit pareho sila ni ama ng buhok sino ba siya?)tanong ni Emerald sa sarili.
ang hari naman biglang naging bato.
gold hair and blue eyes. a very beautiful little girl,
("she's looks like me") the king thought
ngayon lang ulit nakita ng Hari si sapphire mula ng isilang ito.
nakita ng lahat ang reaksyon ng Hari, kaya napuno ng kuryusidad ang iba, kunting tao lang ang malapit sa kanila kaya ang karamihan sa kanila nag-aabang lang sa gagawin ng Hari,. di rin kasi nila makita ng maayos si sapphire ang damit na suot nito lang ang nakita.
tumikhim muna siya bago magsalita ulit.
"ahmm, so you already turned 9 years old last night., that's good, I will engage you to the son of merchant in
walang pagdadalawang isip na sabi nito.
nakuyom ni sapphire ang kamao,
gusto niyang umiiyak para sa sarili.
son of merchant? mas maganda pa ang kapalaran ni lira kaysa sa kanya dahil anak ito ng baron.
ang ay ang pinakamaliit na kaharian,. di ito maunlad na bansa dahil na rin sa walang katapusan nitong pag-ulan ng nyebe.
"don't worry makikipag-ugnayan ako sa hari ng genovina kingdom." sabi ulit ng Hari.
("huh dapat na ba akong maghanda ng damit para sa panlamig?) sabi niya sa sarili, pakiramdam niya kunti na lang titulo na ang mga luha niya.
sari-sari ang komento sa paligid.
" anak ng mangangalakal sa mahirap at maliit na kaharian?
"hahaha, she's not important kaya di na dapat pag-isipan pa.
" pero di naman ata patas yun siya ang may pinaka mababa na mapapangasawa.
"your right, baka ng kamali lang ang hari.
iba-iba ang opinyon ng lahat, ngunit iba rin ang ang nakakilala kay sapphire, sa narinig na sinabi ng Hari parang gusto na itong sakalin ni caleb.
ang mga mangmang na mga noble, ngisi at pang uuyam ang binigay kay sapphire.
"okey, let's continue, for princess Emerald - - -
naputol ulit ang sasabihin ng Hari ng ibalibag ni Lorenzo ang mesa sa pader,. natahimik ang lahat sa nangyari, nagkalat ang inumin at pagkain sa makinang na sahig.
" you fucking useless bastard, nag-iisip kaba?. Lorenzo said cold voice.
" y-you why you're so rude at the king? tanong ni fred
"wala kayong utak., mga bulag" Lorenzo
"I-ikaw.--di na tapos ang sasabihin ni Fred ng pigilan siya ng Hari.
"mawalang galang king Edward sana bago ka nagsalita mag-isip ka muna hindi yung basta mo na lang itatapon ang mamahaling bato." sabi ni cakeb
nanlaki ang mata ng prime Minister at tumingin kay Caleb
"pati ikaw kumander di sang-ayon?" Fred
"sinong tanga ang sasang-ayon sa kabaliwan na yan." caleb
"k-kumander"
" your highness, you make a biggest mistake ')
baron Francis.
"may kasalanan ba ang prinsesa kamahalan? bakit gusto mo siyang magdusa.? count bryle
"kamahalan, sana man lang nag-iisip ka" Mico
"it's good for her, di naman masama ang kaharian na yun"! king
"exactly, makabubuti yun para sa kanya, isa pa wala naman siyang gagamp----
naputol ang sasabihin ng ministro,
nang hampasin ni Lorenzo ang isa pang mesa Kaya nahati ito sa dalawa.
"di ko na kaya pang madinig ang mga rason niyong walang kwenta," Lorenzo said at sinipa ang mesa kung saan nakalagay ang mga alak,
bumaliktad ang mesa pagka sipa ni Lorenzo.
at umalis na.
"you punk ano sa tingin mo ang ginagawa mo? masyado kang bastos sa mahal na ha----
natigil sa pagsasalita ang ministro ng biglang lumingon si Lorenzo sabay ngisi..
kinilabutan ang ministro hindi si Lorenzo ang nakita niya kundi ang demonyo,. nakalimot ata siya kung sino si Lorenzo,
"ahem pagpasinsyahan niyo na, may hindi lang pagka-unawaan ang nangyari.."
sabi ng Hari saka ng utos ito sa isang mage na ayusin ang kalat na ginawa ni Lorenzo..
saka ito ng patuloy sa pagsasalita at hinarap si Emerald na nakatulala lang.
"may daughter, gusto mo bang makasal sa Marquez or Lopez?. - hari
" yes ama "sagot nito
" I'm sorry your majesty, pero ang sabi ng apo ko gusto niyang sundan ang yapak ko bilang sundalo, kaya di mo siya pweding e engaged sa prinsesa"..walang emosyong sabi ni caleb sa
hari.
"hmm, ganun ba? ,. sa Lopez na lang okay lang ba yun sayo? ". sabi nito at tumingin kay Emerald
"walang problema ama, I" sagot ni Emerald
"sandali lang kamahalan, ngunit di mo pweding basta na lang ipagkasundo ang kapatid ko sa prinsesa ng walang pahintulot mula sa aming pamilya."tutol ni Mico sa hari.
" yes i know that.,, "gawan ko yan ng paraan para maka-usap ang inyong pamilya." sagot ng Hari,
kahit siya ang hari kailangan pa rin niyang mapapayag ang buong pamilya, Lalo na kung mga noble ito.
"huh goodluck your highness". ngising sabi ni Mico..
nagtaka na ang hari sa reaksyon ng mga ito,
("bakit ganito ang reaksyon nila, diba si Emerald ang prins--") natigil sa pag-iisip ang hari sa napagtanto.. Mali sila hindi si Emerald ang prinsesang yun kundi si sapphire..
nanlaki ang mata na tiningnan ng Hari si sapphire subalit wala na ito sa kinatatayuan niya.
" nagkamali tayo, hindi si Emerald ang prinsesang yun.." bulong ng Hari sa punong ministro.
"a-anong ibig mong sabihin kamahalan?
" si sapphire yun the the youngest princess of moonlight "! - hari
nanlaki ang mata ng ministro, sabay sabi ng
" kung ganun, balik tayo sa simula kamahalan?
wala nang prinsesang magagamit natin para----
"wag nating pag-usapan yan sa ngayon" hari
napayuko si Emerald sa nangyayari, di niya alam kung bakit tutol ang dalawa sa kagustohan ng Hari..
pakiramdam niya sobrang napahiya siya,.
sa huli naipagkasundo siya sa unang apo ng kondi.,
ang kondi ng Tamiya Island sa bandang timog.
"sino bang hinahanap mo? - tanong ni colby ng mapansin nito si Mico na di mapakali at parang may hinahanap
" si princess,. diko pa nakita ehh. "-mico
" nasa tabi-tabi lang yun,kumakain ng cookies, ganun lagi ginagawa nun"-colby
nagpatuloy ang pagdiriwang ngunit ang mag bisita maraming tanong tungkol sa nangyayari,.kaya tikom ang kanilang mga bibig,.
binalaan ng Hari ang lahat, na walang magsasalita tungkol sa nangyari.
subalit may malaki silang tanong,
sino ba talaga si Lorenzo, bakit di nagalit ang hari sa ginawa nito.
===≠=≠==
Nasa Hardin si sapphire ng papahangin.,
dito siya pumunta ng umalis siya kanina,
walang nakapansin sa pag-alis niya dahil nakatuon ang lahat sa hari..
"haayyy buhay nga naman,. mapaglaro" sabi niya sa sarili.
"kung gusto mo sa akin ka na lang magpakasal, hihintayin kita" - sabi ng isang pamilyar na tinig.
"ehhh? ginoong vine dumalo ka sa kaarawan ng Hari? - tanong ng prinsesa sa taong papalapit sa kanya.
kasunod nito si Nero.
" yes,.. ayaw mo sa alok ko? galing naman ako sa promenenting pamilya by the way ang ganda mo ngayon "-jacob
" hmm, salamat "-sabi niya at nag-iwas ng tingin
"hmm, gusto mo subakan ang bago kung produkto? tanong balik ni sapphire kay Jacob
" hindi ka galit? sinira ng Hari ang buhay mo? - jacob
"nah wala akong oras d'yan, saka malayo pa akong mag labing-walong taon para sa pormal na engagement., marami pang mangyayari,
isa pa inaasahan ko na ito, alam mo na I'm just a nobody princess." - she smile
"that's true princess, walang may alam kung ano ang bukas., ang isang ito nga tinakasan ang mapapangasawa niya mula sa minor nobility na pamilya".. nero
"talaga? hahaha bakit?
" gusto kung mag travel princess, kaya nga naging merchant ako di ba?
"sabagay, anyway kumusta na kayo? - tanong niya sa dalawa sabay alok dito ng cookies na dala niya.. bago kasi siya umalis kumuha muna siya ng maraming cookies.
" okay lang naman kami," sabay nitong sagot sa kanya,..
" ayaw mo ba talaga sa alok ko? I'm a good guy you know."
"i know, but good guy is a shit."
"I-ikaw" gigil nitong sabi sa prinsesang nag pipigil ng tawa.
"bwaahahahaha" sabay na natawa sa kanya si sapphire at Nero.. nakasimangot na lang ito na nakatingin sa dalawa
nag kwetuhan ang tatlo ng kung ano-anong bagay..
>>>
sa ikalawang palapag ng palasyo kung saan ginanap ang pagdiriwang.
sa may veranda, may taong kanina pa naka masid sa kanila.
siya ay si Edward ang hari, lumabas ito at nagpapahangin sa may veranda,
habang inilibot niya ang tingin sa paligid,
may natanaw siyang isang bulto ng bata habang kumakain sa Hardin sa baba...,
at nang tinitigan niya ito doon niya napagtanto na ang bunsong prinsesa pala yun.
Advertisement
-
Solo Stream
Out of food. Out of money. Struggling to build an audience. Pick your VR gear, select his stream and follow him as he struggles to win his first Continental Final. The chat is pure chaos, the commentator is extra picky, the opponents are legendary. He’ll optimize his build, complete quests, collect loot, fight other players and, unfortunately, interact with NPCs. Twenty-four days of compressed time in a randomly generated world. Will he make it to the end? Dare he dream being the last one left standing? Written by a true gamer and a former DM.
8 79 -
The Four of Fools - Book one of the Deck of Fate
A boy awakens under the fog of amnesia and finds himself with unnatural strength and an anger he can't possibly control. He’s found by a hidden order of monks and given the chance to temper himself in the crucible of cultivation. An unassuming changeling has been forced to flee all he had ever known, and now he finds himself with an opportunity to gain dark power. On the long and lonely path into darkness, sometimes the only option is to sharpen your blade and smile. A young prince who just wants to read his books and be left alone is kidnapped by a secret cabal. A victim in a war that he didn't know existed, forced to bathe in the blood of the Savage Sands gladiatorial arena. Worried about survival he manages to unlock his mysterious profile and become the warrior he was born to be. And the temperamental merchant's daughter finds herself training in the world's greatest mage academy. Too smart for her own good, she finds everything in the academy is not what it seems. She’s about to show this corrupt college to never underestimate the strength of a true enchantress. They all have to play with the hand they were dealt, win or lose, they now play cards with destiny. Elements of Wuxia & LitRPG New Chapters twice a week
8 60 -
End Game[EG]
What happens when a young person gets bored? he looks for ways to have fun. So why not create a system and give it to lucky mortals? "Mortals, which one of you will be lucky enough to get my little gift?" And so begins the rise of ordinary peoples to supremacy. --------- Warning!! This novel will have several more protagonists, that is, you can hate some and like others. Do you hate harem? then it will have protagonists and a story that will not have a harem. do you like harem? will have a protagonist with harens. Anyway... you will have different points of view this novel will also have elements of cultivation, magic, alchemy, supernatural powers, etc. English is not my native language, I apologize for the spelling errors _ Cover credits: ???
8 243 -
Welcome To The Family
Lindsay and her friends were lost on a road trip. They stop at a farmhouse to ask for directions and meet the Wilcox family. After her friends are brutally murdered, Lindsay's life is spared. She is kept alive to be Gabe Wilcox's wife. Lindsay lives in constant fear of being punished by Gabe or his father. They slowly chip away at Lindsay's sanity. She is desperate to keep her mind as the family convinces her that they love her. Little by little, Lindsay learns about Wilcox's deadly traditions. A spin-off to the Family Comes First series.A prequel to New To The Family.This story can be read as a stand-alone book.
8 157 -
A Ten Pound Bag
A serial saga with short chapters published each and every morning to read over your coffee or tea. This is a "versus life" story with no great evil to face just life in a hard place during a hard time. Our hero and his companions get catapulted back in time and must find a way to not only survive but prosper. This story is definitely "R" rated maybe even NC-17 but don't expect explosions, blood and orgasms at every page turn. Bad words and uncomfortable topics are addressed in this story, this is not for every reader. This is a technical story and develops slowly at first, full technical details, maps and research are available over on Patreon. I hope you enjoy this story as much as I am. -Emmeran
8 222 -
From Within The Dungeon
This is the story of Nathaniel Spencer, a twenty-three-year-old man, who'd lived a bit of a rough life. His' is a story that begins as many others do. With his death. After having a steel beam dropped on him, crushing his body, Nathaniel finds himself reincarnated into the world of Grandlore! He, and a few others who are in the same situation as him, must now work together to survive in this strange new world and hopefully find a way back! Chapter Length: 2000 Words or above. It can only be more, never less. Chapter Releases: Whenever I write something. Gotta get dem creative juices flowing first. Preferably once a week though. Content Warning tags are there to give me creative freedom. Don't worry too much about it. This story is somewhat slow in the beginning. Think of it as the early chapters of Second Coming of Gluttony and all the other KN novels where people get sucked into a different world. Cover by [Asviloka] Check out his art thread here!
8 93