《Line without a hook || Darlentina》Chapter 24

Advertisement

Ngayon ay nasa Manila bay silang apat ni Regina, Narda, Maxine at Florence. Naisipan nilang ilabas ang mga bata para naman makalanghap sila ng sariwang hangin at hindi puro aircon lang.

"I want ice cream, Narda." Sabi ni Regina nang nakanguso.

"Asan ba?"

Lumingon si Regina sa paligid pero wala syang nakitang nagtitinda ng ice cream.

"Walang ice cream." Nakangusong sabi ni Regina.

"Pabili tayo kay Kuya Jerson." Sabi ni Narda at tinawagan na ang driver nyang si Jerson.

"Hello kuya Jerson?"

"Bakit po ma'am?"

"Pwede nyo po ba ako bilhan ng ice cream?" Tanong ni Narda.

"Sige po, anong flavor po ba?"

Tinignan ni Narda si Regina. "Narda, I want the Vanilla flavor."

Tumango naman si Narda. "Kuya yung Vanilla flavor daw po, isang gallon. Pati narin po pala plastic spoon."

"Sige ma'am, asan po kayo ngayon?"

"Nasa Manila Bay po." Sagot naman ni Narda.

"Sige ma'am, paki-antay nalang po kami dyan." Sabi naman ni Jerson at pinasalamatan ito ni Narda.

"Oh, hintayin nalang natin si Kuya Jerson." Sabi naman ni Narda kay Regina.

"Everytime I go here, I remember us, but when Brian came, it changed." Malungkot na sabi ni Regina.

Tinignan naman sya ni Narda at pinagmasdan nito ang side profile nya. "Ibig sabihin ba nun may nararamdaman ka pa sa kanya?"

Bumuntong hininga naman si Regina. "No, I moved on already. It's just, we have so many memories here and I just can't forget it."

"Naiintindihan kita, Regina. Kung ang memories mo dito ay masaya, lahat naman ng memories ko dito ay malungkot. Dito ko iniiyak, sinisigaw, at nilalabas ang sakit na nararamdaman ko."

Regina looked back. "So you're here when you confessed to me?"

Advertisement

Iniwas ni Narda ang kanyang tingin at ngumiti. "Oo, dito ko nilabas lahat."

"When did you knew that you like me?" Tanong ni Regina at inupo si Florence sa gitna ng hita nya. "Can you tell me what I did before that made you cry so much?"

Ngumiti naman si Narda. "Hindi ko alam kung kailan kita nagustuhan, kusa kolang kasi naramdaman. Yung sa second question mo naman ay nung.." Huminga muna ng malalim si Narda. "Nung naandito kayo ni Brian sa Manila Bay, and then, you two kissed. Yun yung time na kung saan, pinayagan mo syang ligawan ka."

Regina looked at her sadly. "You saw that pala. Do you like me already that time?"

"Yes, I mean, I would not be hurt kung hindi pa kita gusto nun. The next one that made me cry is noong naging kayo."

"Oh yeah, I know."

"Kase nung umaga palang, tinawagan na ako ni Brian nun, tapos sabi nya gusto ka na nya maging girlfriend. Hindi alam ni Brian na gusto kita that time kaya pumayag nalang ako. Tinulungan ko syang bilhin lahat ng kailangan nya. Ako pa nga ang pumili at bumili ng kwintas na binigay nya sayo."

Regina looked at her confusedly. "Bakit mo binili?"

"Kase dun sa part nayun, naisip ko na after that, magmove on na ako sayo, yung tipong gagawin ko mga ayaw mong gawin ko. And that necklace is my advance sorry."

Tumango naman si Regina. "So that part, that's the one you cried the most?"

"Hindi, yung confession talaga."

"Why?"

"Aalis na ako in 3 hours yata yun that time. Tapos yun nangyari yun, I am so broken that time kase yun yung time na magmumove on na talaga ako sayo officially." Narda gave her a small smile. "After ko ngang umalis sa condo pumunta ako agad dito at naisip ko na sasama na ako kila nanay at tatay."

Advertisement

Pinandilatan ni Regina nang mata si Narda. "Hey, Narda!"

"That's before naman, don't worry."

"Dada?!" Sigaw ni Florence.

Napalingon naman si Narda sa kanya. "Bakit baby?"

Binuhat naman ni Narda si Florence kaya ngayon ay nasa kanya na ang kambal. Nagkatinginan naman ang kambal.

"kapekapekape?" Sabi ni Florence kay Maxine, pero hindi ito pinansin ni Maxine.

"Manang mana ka talaga sa pinagmanahan mo Maxine. Diba Regina?" Pang-aasar ni Narda.

"Hoy, nananahimik ako here."

Tumawa naman si Narda at nakita na si Jerson na naglalakad papunta sa kanila.

"Salamat Kuya Jerson. Oh eto, kuha ka rin." Sabi ni Narda.

"Nako, ma'am hindi na ho."

"Sure ho kayo?" Tanong ni Narda at tumango naman si Jerson. "Eto nalang po, bumili ka po ng masarap na ulam para sa pamilya nyo."

Tumitig si Jerson at perang hawak ni Narda. "Nako ma'am, sobra sobra po yan."

"Sige na Kuya Jerson, para sa inyo po talaga yan. Gastusin nyo yan ipang grocery nyo o bumili kayo ng gusto nyong ulam." Sabi naman ni Narda at inilagay na sa kamay ni Jerson ang 5k.

"Ma'am-"

"Sige na po Kuya Jerson, take it na po." Sabi naman ni Regina na ikinatango naman ni Narda habang nakangiti.

Bumunong hininga nalang si Jerson at nagpasalamat kay Narda.

"I'm sure, he will have a great time with his family." Nakangiting sabi ni Regina.

"Agreed." Pagsang-ayon ni Narda. "Tara, kainin na natin to bago pa matunaw."

Sumubo agad si Regina ng ice cream at sinubuan rin ang dalawa. Nakangiti namang nginuya ni Florence ang ice cream na ikinatuwa ni Regina at Narda. Si Maxine naman ay ma-amos ang mukha, pinicturan muna ito ni Narda bago punasan.

"Kain lang kayo ng kain. Wag magpapalipas ng gutom ah? Go ubusin natin to!"

"Maxine say ice cream." Pagtuturo ni Regina.

"Ayclim."

"Ice cream." Pag-uulit ni Regina.

"Ayclim!" Sabay na sabi ng kambal.

Napa-iling nalang si Regina at pinagpatuloy ang pagkain.

"Anyways, san ka pala pumunta kahapon?"

Napalunok naman si Narda. "Uh.. Pumunta ako kila Leslie."

"Hmm." Tanging nasabi ni Regina.

"Naggrocery lang kami tsaka nagchikahan."

"Walang yakapan?" Seryosong tanong ni Regina habang nakatingin sa mga mata ni Narda, dahilan para mapalunok ito.

"Ofcourse wala."

"Ayclim." Sabi ni Maxine kay Narda at pilit itong kinukulbit. "Dada ayclim."

"Ay sorry, eto na po." Sabi ni Narda at sinubuan si Maxine.

Natapos na nilang kanin ang ice cream kaya naman napagdesisyunan nilang umuwi na dahil masyado nang late at baka ginawin pa ang kambal.

Pinagbuksan ni Narda si Regina ng pinto sa likuran at kinuha muna si Florence. Pagtapak ni Regina para sumakay ay dumulas ito.

"Oh, dahan dahan lang. Dahan dahan lang, ingatan mo sarili mo, kailan pa kitang makasama hanggang sa pagtanda."

Hinampas naman ni Regina ang balikat ni Narda at Kinuha na ang kambal.

"Dyan muna kayo ha? Enjoy kayo dyan kahit wala ako sa tabi nyo. Wow kala mo naman talaga." Sabi ni Narda.

"I think they are tired and they will sleep anytime."

"Agreed."

Naging tahimik lang ang kanilang byahe dahil tama nga si Regina, nakatulog agad ang kambal.

    people are reading<Line without a hook || Darlentina>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click