《Line without a hook || Darlentina》Chapter 13

Advertisement

The last three days na meron si Narda ay naisip nyang ispend with Regina.

Pag-uwi nya sa condo ay nakita nya ito na nagce-cellphone. Napangiti sya at dahan dahang pumasok.

"Regina, may dala ako para sayo!" Masayang sabi nya.

Regina's face lit up and smiled. "What is it?"

"Takoyaki and Milktea!"

Napangiti naman si Narda nang makita ang malawak na ngiti ni Regina.

"One of my favorite!" Masayang masaya na sabi ni Regina. "You're the best talaga."

Tumawa nalang si Narda dito at humiga sa kama. "Hay! Kapagod."

"Pagod sa pagpaparty?"

"Party?" Takang tanong ni Narda.

"Yeah, I thought nagparty kayo ni Leslie? Bumili ka pa nga ng beers. I think it's 7 beers." Sabi ni Regina habang kumakain.

"Ah yeah, uminom lang kami at medyo nagsaya."

"Masaya ka naman?"

Kumunot naman ang noo ni Narda. "Oo naman, nagsaya lang kami kahapon."

"That's good." Tanging nasabi ni Regina at uminom ng milktea. "By the way, are you free later?"

"Yes, why?"

"Maybe we can gala na with your bike." Nakangiting sabi ni Regina.

"Hindi ba kayo magdedate ni Brian ngayon?"

"No, he said he's on duty." Seryosong sabi ni Regina.

"Are you sure?"

"Yes, and if ever na tawagan nya ako, I will say that I will go with you muna. I know he will understand it because you're his bestfriend too." Paliwanag nito.

"Okay, anong oras tayo aalis?" Tanong ni Narda habang nakapikit, medyo masakit kasi ang ulo nito.

"Maybe hapon? Para hindi mahapdi sa skin yung init."

"Sige, tulog muna ako."

"Why? Is your head aching?" Nag-aalalang tanong ni Regina.

"Medyo."

"Hangover yan. Siguro madami kang nainom kagabi?" Tumabi si Regina kay Narda sa kama at patuloy na iniinom ang milktea nya.

Pagbukas ng mga mata ni Narda ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Kitang kita ni Regina kung paano nagningning ang mga mata nito, at nakakita sya bigla ng pain.

"Are you okay?" Tanong ni Regina.

"Yes, why?" Sagot ni Narda at iniwas ang kanyang mga tingin.

"Are you sure? You can tell me, it's okay."

Advertisement

Ngumiti naman si Narda. "No, I am fine don't worry. Hangover lang siguro."

Regina looked at her worriedly. "We can gala naman next time, Narda. Just tell me if you're not feeling well."

"No, it's fine. Tuloy tayo mamaya okay? Wag kang mag-alala, itutulog ko lang to."

"Okay, sabi mo eh."

Ngumiti naman si Narda at ipinikit na ang kanyang mga mata. Ipinatong nya ang ulo nya sa lap ni Regina at niyakap ito.

"Wait." Inalis ni Regina ang ulo nya at ipinatong ito sa braso nya for short they are cuddling.

Regina and Narda knows how they miss doing this. Naging busy na kasi sila lately and hindi na nila nagagawang magcuddle ulit.

Ala-una na ng hapon nang magising silang dalawa. Nakatulog din kasi si Regina habang nagcecellphone.

"Are you hungry?" Tanong ni Regina.

"Medyo." Sagot ni Narda at medyo husky pa ang boses nito.

"I will fix myself muna and then kain tayo sa labas." Sabi naman ni Regina.

Tumango nalang si Narda at nagcellphone. Paglabas ni Regina ng cr ay naaayos na ito, simple lang naman ang suot nya. She's wearing white croptop, baggy jeans, white shoes and a sun glasses.

Feeling naman ni Narda ay nagslowmo ang paligid. "You look so good, Regina."

"Thank you, Narda! Now, your turn." Sabi ni Regina at kinindatan ito.

Namula naman ang mga pisngi ni Narda at dali daling naligo.

Nagsuot naman si Narda white cargo pants at oversized t-shirt na black.

"Pogi!" Nakangiting sabi ni Regina at sinuot na ang bag nya.

"Always pogi syempre." Narda said while smirking.

"Tama ka na."

Tumawa nalang si Narda at inangkas na si Regina. Yumakap naman si Regina sa kanya at kinakabahan sya dahil baka biglang mapunta sa dibdib nya ang kamay nito at mapansin na mabilis ang tibok ng kanyang puso.

"Ang lakas ng hangin, my sunglasses is holding for its dear life." Natatawang sabi ni Regina.

"Kumapit lang kamo sya dahil medyo mainit ngayon, binibilisan ko na nga pagpapatakbo." Nakangiting sabi ni Narda. "Mcdo nalang tayo."

"Sige go, anywhere, basta makakainan."

Tumango nalang si Narda at mabilis na nagpark.

Advertisement

"Ila-lock ko lang ang bike ko, mauna ka na at mainit." Sabi ni Narda.

"Okay."

Pagdating ni Narda ay agad syang tinanong ni Regina.

"I want rice." Narda said while pouting. "I want rice with spicy chicken, coffee and fries."

"Okay, asan yung pambayad?" Pagbibiro ni Regina.

"Hala, akala ko treat mo?"

"Joke! Go and find us a seat." Sabi ni Regina at umorder na.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tinawag sya ni Regina para magpatulong.

"Wow! Ang bango, gusto ko na kumain." Masayang sabi ni Narda.

Pagdating nila sa table nila ay agad na nagalcohol si Narda at akmang kukuha na sana nang bigla syang tignan ni Regina ng seryoso.

"B-bakit?" Tanong ni Narda.

"Wait lang, magpipicture pa eh." Natatawang sabi ni Regina.

"Jusko naman." Sabi naman nya, pero bigla nyang naalala na malapit na dalawang araw nalang at malapit na syang umalis. "Sige na nga."

Nagselfie sila at pasimple narin kinuhanan ni Narda si Regina habang kumakain.

"Alright! Gutom na gutom na ako grabe." Sabi ni Narda.

"Eat."

Kumain na sila at pagkatapos ay nagikot lang sila. Ang balak kasi ni Narda ay magsha-shopping sila sa sabado dahil yun na ang last day na magkakasama sila ni Regina. Bibilhan nya ito ng mga gusto nya para naman matuwa si Regina bago sya umalis.

At magcoconfess pa sya sa gabi. Yun ang isa sa mga nagpapakaba sa kanya.

"Ang sarap ng hangin!" Sabi ni Regina.

"Anong lasa?"

"Jollibee." Sagot ni Regina at napatawa si Narda.

"Loko! Mcdo kinain natin tapos nalalasahan mo Jollibee?"

"Oo nga noh?" Natatawang sabi ni Regina.

Natapos na silang maglibot at nakauwi na sila ngayon sa condo. Hapon lang nang makauwi sila.

"Narda, pupunta si Brian." Masayang sabi ni Regina.

"Ah okay."

Agad na tumayo si Regina para magluto, habang si Narda ay nakahiga sa kama.

Naghahanda na ng plato si Regina nang marinig nilang nagring na ang doorbell.

"Ako na." Sabi naman ni Regina, tumango naman si Narda at sya na ang nagpatuloy sa paghahanda ng plato, kutsara at tinidor sa lamesa.

"Hii!!" Sigaw ni Regina at agad na niyakap si Brian.

"Kain muna kayo." Sabi ni Narda na may pilit na ngiti.

Agad na pumunta ang dalawa sa lamesa at kumain na.

"Wow! Ang sarap naman nito." Sabi ni Brian.

"Syempre, luto ko yan eh." Sabi naman ni Regina. "Narda, hindi ka pa kakain?"

"Kakain na." Sagot nito. Agad syang pumunta sa lamesa at kumuha ng kanin ag ulam, pero doon sya sa sofa kumain habang nanonood ng msa.

Sumapit ang gabi at nakatulog na si Regina sa sobrang pagod.

"Narda." Tawag ni Brian kay Narda. "Pre namiss kita."

"Namiss rin kita pre." Sabi ni Narda at umupo sa tabi ni Brian. Nasa sofa kasi ito. "Musta ka na?"

"Okay lang, ikaw ba?"

"Okay lang din, may sasabihin pala ako. Pero wag mo sanang sabihin kay Regina."

"Sige, ano ba yun?"

Bumuntong hininga si Narda. "Mag-iibang bansa ako, sa linggo na ang alis ko. Kung pwede sana eh dito muna kayo ni Regina magstay."

"Sige ba. Noted yan, ilang taon ka naman magstay dun?"

"Mga ilang taon rin, hindi pa ako sure. Pero baka higit dalawang taon."

"Ingat ka, Narda. Alam mo naman na medyo delikado sa ibang bansa lalo na't hindi ka pa sanay dun." Seryosong sabi ni Brian.

"Oo naman, kailangan kong makabalik dito ng buhay dahil wala nang pogi pag namatay ako." Nakasmirk na sabi ni Narda.

"Nako, baka nga pagdating mo dun pagkaguluhan ka ng mga tao dun."

"Totoo yan, wala eh, ako lang to. Hays, people nowadays." Umiiling na sabi ni Narda.

"Grabe ka na, tulog na nga ako. Lakad tabihan mo na si Regina dun." Sabi ni Brian.

"Dito na ako sa sofa, lakad tabihan mo na pre."

"Hindi—"

"Lakad na, Brian. Tabihan mo na dun." Sabi naman ni Narda, wala nang nagawa si Brian kundi tumabi nalang.

Ilang araw nalang at wala nang manggugulo sayo, Regina. Konting tiis nalang din para sa sakit na nararamdaman ko.

    people are reading<Line without a hook || Darlentina>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click