《Line without a hook || Darlentina》Chapter 12
Advertisement
Napagpasyahan ni Narda na mag-ibang bansa para magbagong buhay. Naiisip nya na isang way yun para makamove on kay Regina.
Since nagstay muna sya sa apartment ni Ding after nya kumanta nung naging official na ang relasyon ni Brian at ni Regina, sinabi nya na ito kay Ding.
Mukhang tatanggi pa si Ding pero hinayaan nya nalang ang ate nya dahil nasasaktan ito, at kapag nagstay pa dito ay baka masaktan pa lalo.
May one week pa sya para magpaalam sa mga kaibigan nya at sa mga relatives nya. Gusto nyang pumunta sa America para magtrabaho at manirahan dun temporarily.
Nagbook na sya ng flight at naisipang pumunta sa bahay ng lola nya. Sumama naman si Ding sa kanya, since gusto rin ng kapatid nya na dalawin ito.
"Lola!!" Sigaw nilang dalawa at niyakap ang lola nila.
"Mga apo ko! Buti naman at naisipan nyong dumalaw dito." Masayang sabi ng lola nila.
"Eh lola, pupunta po kasi ako sa ibang bansa. Dun muna ako maninirahan ng ilang taon." Sabi ni Narda.
"Mag-iingat ka doon ha? Lalo pa't medyo delikado ngayon dun."
"Opo lola." Nakangiting sagot nito at niyakap ulit ang lola nya.
"Ikaw naman batang makulit, anong pumasok sa isip mo at dumalaw ka rito?" Tanong ng lola nila kay Ding.
"Pagod na po kasi ako maging pogi sa apartment, gusto ko po makakita ng maganda."
"Nako! Eh ayan naman ang ate mo ah?" Napailing na sabi ng lola nila.
"Dyan nga po ako nagmana ng kapogian, kaya gusto namin maganda naman ang makita namin. Diba ate?"
"Oo naman, si Lola yung pinakamaganda ngayon dito sa bahay." Pagsang-ayon ni Narda.
"Alam nyo, nagugutom lang yata kayo eh. Tara na at kumain." Natatawang sabi ng lola nila.
Buong maghapon silang masayang nagkwentuhan at napagpasyahan ng dalawa na magpalipas ng gabi don.
Habang nakahiga si Narda ay nagring ang phone nya.
"Hello, Regina?"
"Narda, where are you?" Nag-aalalang tanong ni Regina.
"Here."
"Where?"
"Bahay ni lola." Wala sa mood na sagot ni Narda.
"You're not going home?"
"Yeah, you can let brian sleep there, mawawala ako for 5 days." Sabi ni Narda kay Regina.
Advertisement
"Ang tagal naman yata?"
"Hindi pa matagal yan, Regina." Sabi nya at pilit na pinipigilan ang sarili na sabihin ang about sa pag-alis nya ng bansa.
"5 days ay matagal na, Narda. So sa saturday ka uuwi?"
"Yeah." Sagot ni Narda.
"Okay then, take care. Goodnight."
"Goodnight." Sabay patay na ni Narda sa call nilang dalawa.
"Should I confess my feelings for her before I leave this country?" Tanong nya sa kanyang sarili.
"Alright, may karapatan syang malaman." Bumuntong hininga nalang sya at natulog na.
Paggising nya ay nakaamoy agad sya ng mabango. Paglabas nya ay nakita nya ang kanyang lola na nakangiti habang naglalagay ng plato sa lamesa.
"Goodmorning, la." Masayang bati nya rito.
"Goodmorning, apo. Gisingin mo na ang kapatid mo, sabihin mo ay kakain na."
Tumango naman sya at ginising na si Ding.
"Ding, gising na, kakain na." Sabi nya habang tinatapik ang braso nito.
"5 minutes."
"Anong 5 minutes, uubusan kita ng ulam."
Bigla namang napaupo si Ding at kinusot ang kanyang mga mata. "Tara kain na."
Tumawa na lang si Narda at pumunta na sa lamesa para kumain.
"Yehey! Namiss ko ito, parang naaalala ko ang pagkabata ko dito." Masayang sabi ni Narda.
"Parang kanina lang eh bata pa kayo at palaro laro lang sa labas, ngayon baka ang mga anak nyo na ang maglaro sa labas." Sabi ng lola nila at agad na nabulunan ang dalawa.
"Oh eto tubig, ayaw kasing magdahan dahan sa pagkain eh." Sermon ng lola nila sa kanila.
"La, ang aga pa yata masyado para mag-anak si Ding."
"Hala bat ako? Ikaw rin naman ah, malay mo sa America makahanap ka ng true love." Pang-aasar ni Ding sa kanya.
"Tumigil ka nga, di ako papatol sa mga amerikano noh!"
"Oh tama na yan, kumakain kayo." Pagsaway naman ng lola nila sa kanila.
"Sorry la." Sabay nilang sabi.
Pagkatapos nilang kumain ay naligo na sila at nagpaalam na para umalis.
"Alis na kami la, mamimiss ka namin." Malungkot na sabi ni Narda at niyakap ang lola nila.
"Mag-iingat ka sa America apo." Sabi ng lola nila sa kanya. "At ikaw, Ding. Mag-iingat ka rin ah? Wag nyong pabababayaan ang mga sarili ninyo."
Advertisement
"Opo la." Sabay nilang sabi at nagpaalam na sa lola nila.
"Namiss ko si Lola." Sabi ni Narda nang makarating na sila sa bus.
"Ako rin, parang naging bata ulit yung pakiramdam ko."
"Same. Ang saya lang kagabi." Bumuntong hininga naman sya.
"Ate, mag-iingat ka sa America. Lagi mo akong tawagan okay?" Sabi ni Ding.
"Oo, Ding." Sagot naman ni Narda at hinalikan ang ulo ng kanyang kapatid.
Nakauwi na si Ding, habang si Narda naman ay papunta na kila Leslie.
"Narda?" Gulat na sabi ni Leslie.
"Leslie."
Nagyakapan silang dalawa at pinapasok ni Leslie si Narda sa kanyang apartment.
"Kamusta ka?" Tanong ni Narda rito.
"Okay lang, ikaw ba? Okay ka lang?"
"Oo, may sasabihin pala ako." Seryosong sabi ni Narda.
"Ano yun?"
"Pupunta ako sa ibang bansa, maninirahan ako don temporarily." Sabi ni Narda.
"Hala! Mamimiss kita bakla." Sabi ni Leslie at niyakap ito ng mahigpit. "Mag-iingat ka don ah?"
"Oo naman, since aalis na ako sa sunday. Pwede bang dito muna matulog?"
"Sure! No problem." Masayang sabi ni Leslie.
Napagpasyahan nilang umorder ng mga pagkain at magvideoke.
Nagvideo naman si Narda kasama si Leslie ay inistory nya ito sa instagram.
"Ang cute natin dito bakla." Nakangiting sabi ni Narda at ipinakita kay Leslie.
"Ang pogi mo naman tol!"
"Ako lang to! Kung hindi ako pumunta dito baka wala kang makitang pogi." Nakasmirk na sabi ni Narda.
"Wait, parang lumakas ang aircon."
"Loko loko!" Natatawang sabi ni Narda at hinampas ng mahina si Leslie. "Men samahan mo akong bumili ng beer sa pito labing-isa."
"Walang magbabantay dito."
"Sige, ako nalang. Peram ako bike mo men."
"Sige lang." Sabi naman ni Leslie.
Nagsimula nang magbike si Narda papunta seven eleven. Pagpasok nya ay agad syang kumuha ng pitong beer. Balak nya kasing painumin din si Leslie, dahil minsan lang naman ito.
Habang sya ay nakapila, nakita nya na parang familliar ang amoy ng nasa harapan nya. Bigla naman syang kinabahan dahil kilala na nya kung sino ito.
Naghanap sya ng mask sa mga bulsa nya pero wala syang nakita.
"Nako, patay, bakit dito pa." Bulong nya.
Pagalis ng babaeng nasa harap nya ay tumingin ulit ito sa cashier, agad na tumalikod si Narda sa kanya at nang tawagin sya ng cashier ay wala na syang takas.
"A-ah, eto po." Kinakabahang sabi ni Narda at kinuha ang sukli, pati narin ang mga beer na binili nya.
Nagmamadali syang umalis nang may tumawag sa kanya.
"Eto na nga ba ang sinasabi ko." Bulong nya at bumuntong hininga.
"R-regina."
"Ang dami mo naman yata ng binili mong beer?" Nakataas na kilay na sabi ni Regina.
"A-ah kase iinom k-kami ni Leslie."
Tumango naman si Regina at ngumiti, pero hindi abot sa kanyang mga mata.
"Okay, enjoy." Sabi ni Regina at pumasok na sa kotse nya.
Nakahinga naman sya ng maluwag at inilagay na sa basket ang beer na binili nya.
"Buti nalang." Sabi nya at pumunta na sa apartment ni Leslie.
"Bakla, ang tagal mo yata?"
"Nakita ako ni Regina na bumibili ng beer."
Natawa naman si Leslie. "Bakla ka, sesermonan ka nanaman nun pag-uwi mo. Ayaw nyang nag-iinom ka diba?"
"Oo, eh kaso nakita nya ako na umiinom. At nasabi ko pa na kasama ka sa iinom."
"Well, iinon naman din ako eh." Nakangiting sabi ni Leslie.
"Ayos! Yes!"
"Minsan lang to noh! Hindi na ulit to mauulit agad dahil pupunta kana ng ibang bansa."
"True, kaya sulitin na natin." Masayang sabi ni Narda.
Buong gabi ay nagsaya lamang sila. Nagpatugtog sila ng masasayang kanta at sila ay sumayaw, tumalon at kumanta.
Hanggang sa naubos na ang beer nila at pulutan. Doon na natigil ang pagpaparty party nila.
"Salamat, Leslie ah?" Sabi ni Narda.
"Salamat rin. Mamimiss kita, Narda."
"Mamimiss din kita, Leslie."
Ilang sandali din silang nagiyakan at nagyakapan, hanggang sa nagdecide na silang matulog.
"Kailangan na nating matulog, Leslie." Sabi ni Narda.
"Goodnight." Sabi ni Leslie.
"Goodnight."
Nagyakapan ulit sila ng sandali at pumunta na sa kani-kanilang mga higaan at natulog.
Advertisement
- In Serial9 Chapters
Seekers of the Uncharted
Earth has long fallen in the hands of the Beyonders, a humanoid race claiming to have conquered the whole universe. Born with the curse of looking like the colonizer, Eiron will survive in a world rejecting him. After joining a suspicious Beyonder, he travels across the universe while learning a mysterious genic tampering technique. Follow him as he sets off on his journey to somewhere unknown but at the same time so longed…somewhere he’ll finally find his place. Disclaimer: I don't own the cover.
8 105 - In Serial15 Chapters
the chamber of renewal
A young man wakes to find himself within a powerful artifact. He has nothing else not even an identity to help him explore a new world. Short chapters but hopefully frequent
8 165 - In Serial37 Chapters
My life as Harry Potter
I died and woke up as Harry in his mother's womb.SI(Self insert)
8 200 - In Serial54 Chapters
The Reincarnation of the Transcendental
An entity of great power and little common sense is swallowed by a sudden rift that appeared in his astral palace and reincarnated in the body of a baby. His parents became his jailers and torturers, while his physical body became a prison. He will do anything to be free. Note: -The protagonist is reincarnated in the body of a baby in a superhero world that has magic, sci-fi, gods, demons, angels and much more. -This is a story that I first write in Spanish and then translate, so there may be mistakes that I overlook. If you let me know, I will correct them. -It is a story that has misunderstandings. And a protagonist with little common sense.
8 72 - In Serial11 Chapters
Six Pack
Continuing adventure's of Duval Dirtbag, Michael Greer.
8 215 - In Serial75 Chapters
[BHTT - EDIT - HOÀN] Ảnh Hậu Là Chỉ Miêu
Tác phẩm : Ảnh Hậu Là Chỉ MiêuTác giả : Tô TửuThể loại : Nguyên sang, Bách hợp, Cận hiện đại, Giới giải trí, Ngọt vănThị giác tác phẩm : Lẫn nhau côngPhong cách tác phẩm : Nhẹ nhàngĐộ dài : 74 chươngCP : Lâm Đoản Đoản x Quý Lan
8 201

