《Line without a hook || Darlentina》Chapter 4
Advertisement
As day goes by, mas naging close pa sila Narda at Regina. Mas marami pa silang nalaman about sa isa't isa.
Kung nung first time palang nila matulog ng magkatabi ay may unan pa sa pagitan nila, ngayon naman ay halos magdikit na sila sa sobrang yakap nila sa isa't isa.
Lagi namang nagiistay si Regina sa condo ni Narda and they always bicker.
"Narda, nakita mo ba yung mask ko?" Tanong ni Regina kay Narda na nagluluto.
"Hindi, baka nahiya sayo, ang ganda daw kasi ng gagamit."
Regina laughed. "Sira! Baka mamaya nasa pwetan na bulsa mo nayan ha."
"Pano kung oo? Susuutin mo pa ba?"
"Yuck! Hindi na no!"
This time, si Narda naman ang natawa. "Ginawa mo kaya yan sa mask ko, hindi ko ba sinuot?"
"Sinuot."
"Edi suutin mo rin yung mask mo na nakalagay sa bulsa ko sa pwetan."
Regina's eyebrows furrowed. "Aba, mabango naman ang pwet ko."
"True."
"Narda!!" Inis na tawag nya, pero nakarinig lang sya ng tawa mula sa kusina.
"Malay ko ba kung nasaan ang mask mo. Hindi naman ako ang nagamit nyan."
Nagpatuloy sa paghahanap si Regina pero di nya talaga makita.
"Argh! Narda hindi ko makita, baka kinuha mo."
Napatingin naman si Narda kay Regina. "Grabe ka, hindi ko yon kinuha noh!"
Nilibot na ni Regina ang buong condo ni Narda pero hindi nya parin ito mahanap.
"Ilabas mo na kasi Narda!!"
"Ang alin ba? Wala nga sakin."
At dahil kita na ni Narda na naiinis na si Regina ay tumulong narin syang maghanap. Wala naman talaga sa kanya eh, sadyang napalagay lang sa hindi makikita.
Hinalungkat ni Narda ang bag ni Regina at nakita nito ang mask na kanina pa hinahanap ni Regina.
Advertisement
"Andito naman pala eh." Kalmadong sabi ni Narda.
"Saan mo nakita?"
"Aba edi sa bag mo."
Kinuha ni Regina ang mask nya kay Narda at tumingin kay Narda.
"Sorry." Paghingi nya ng tawad at niyakap si Narda. "Sorry for blaming you."
"It's okay. Let's eat?" Tanong ni Narda at tumango na lamang si Regina.
Sarap na sarap naman si Regina sa luto ni Narda. Lagi sya nitong nilulutuan at para sa kanya, yun ang pinakamasarap na pagkain na nakain nya.
Umiinom na ngayon si Narda ng tubig, hindi naman mapigilang mapansin ni Regina ang Adam's apple or whatever you call it ni Narda habang lumulunok ng tubig.
Tumingin sya kay Regina at nagtanong. "Ayos lang ba suot ko?"
Ayos na ayos sagot ni Regina sa isip nya.
"A-ah, oo ayos, mukha ka ngang tao eh."
Tumaas naman ang isang kilay ni Narda habang napakagat ng labi si Regina dahil pinipigilan nitong tumawa.
"Ano?" Tanong nya kay Narda.
Bumuntong hininga naman si Narda. "Ang ayos naman kasi ng sagot mo. Alam mo yun, parang bibigay na yung kausap mo na kausapin ka."
Napangiti naman silang dalawa at pilit na pinipigilan ang tawa.
"Bat ba natin pinipigilan tawa natin, mukha tayong engot eh." Natatawang sabi ni Narda.
"I'm too pretty to be called engot noh!"
Umarte naman si Narda na para bang tinatangay sya ng hangin na malakas.
"Ay hala grabe Regina oh, tinatangay na ako ng hangin."
"Deserve."
Hinampas naman ng mahina ni Narda si Regina. "Grabe ka talaga sakin noh? Una, ang ganda ganda ng sagot mo sa maayos na tanong ko. Pangalawa—"
"Ang maingay pangit." Random na sabi ni Regina.
Bigla namang napatahimik si Narda dahil sa sinabi ni Regina. Bumuntong hininga na lamang sya at umiling-iling.
Advertisement
"Anyways—" Pagputol ni Regina sa katahimikan.
"Oh wala na, sabi ko na nga ba ang ganda ganda ko eh." Confident na sabi ni Narda at rumampa sa harap ni Regina. "Narda moments nga naman."
Hinampas naman sya ni Regina at binigyan ng di makapaniwalang tingin.
"Ang pogi ko talaga." Biglang sabi ni Narda at biglang nagpapogi.
"Narda, tama ka na."
Napatawa naman silang dalawa at napagpasyahang umalis na at mag-grocery.
"Hey, sino pala ang magdadrive?" Tanong ni Narda since gagamitin nila ang kotse ni Regina.
Napaisip naman si Regina at tinignan si Narda. "You're wearing rubber shoes, so ikaw ang magd-drive today."
"Ano naman ang kinalaman non?"
Tinignan sya ni Regina ng seryoso. "Ikaw kaya magdrive ng nakaheels. Ewan ko nalang kung ano ang mangyari sayo nan."
"Pwede naman."
Regina rolled her eyes at binigay ang susi kay Narda. "Ewan ko sayo!"
Tumawa nalang si Narda at pinagbuksan ng pinto si Regina.
"Thank you." Ngumiti si Regina dito at agad naman itong nginitian pabalik ni Narda.
"Alright, wala kabang naiwan?" Tanong ni Narda after nyang makaupo sa driver's seat.
Regina checked her bag and feeling nya ay wala naman syang naiwan.
"Wala naman. Let's go na."
Narda nodded and started driving. When they reached the mall ay biglang naexcite si Narda.
"Yes! Finally, makakabili na ako ng donut." Narda said with full of exciteness on her voice.
Bumuntong hininga naman si Regina at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Nasayo ba yung list?" Tanong ni Regina.
"Uh, wala eh. Ang alam ko ay inilagay ko yun sa bag mo."
"Really? Bakit wala dito."
"Ayan ka nanaman, baka naman andyan lang yan tapos—"
"Narda, I saw it on the car. Ako nalang ang kukuha, kaya ko naman eh." Sabi ni Regina, pero mukhang against si Narda sa gagawin nya.
"Ano ka ba, Regina. Hindi safe ang mag-isa ka lang noh! Let me go with you."
Regina stopped her. "Please, kaya ko naman eh."
"Still—"
Tumingin si Regina kay Narda with her puppy eyes. Begging for her to say yes.
Narda sighed. "Alright, basta bilisan mo lang."
"Okay!" Sigaw ni Regina na nagmamadali nang lumakad papunya kotse.
Ilang minuto na ang nakalipas at hindi parin bumabalik si Regina. Nagtataka na si Narda dahil dapat mabilis lang ito kasi nakita na nya ang list kanina.
Nag-hintay pa ulit ng dalawang minuto si Narda para hintayin si Regina. Pero sa dalawang minuto na yon ay hindi pa rin bumalik si Regina.
Nag-aalala na ito ng sobra kaya naman sinubukan nyang puntahan si Regina para ma make sure na okay lang ito at walang nangyayaring kababalaghan.
Pag kita nya sa kotse ni Regina ay nakita nya ito na hinahatak na ng isang lalaki.
"Hoy! Pakawalan mo sya!" Sigaw nya at tumakbo kung saan dinadala ng lalaki si Regina.
Lumingon ang lalaki sa kanya at nagsmirk. Bigla namang kumulo ang dugo nito dahil ang lalaking humihila ngayon kay Regina ay walang iba kundi ang ex nyang si Kevin.
Advertisement
- In Serial42 Chapters
No Respawn
Rewrite of the No Respawn here: https://royalroadl.com/fiction/15941/no-respawn-patch-20 And God said: "Let there be light!"*DING!*and there was a blue screen...So God changed the world and screwed everyone living on it. Let the game begin!Oh.. and don't die. There is no respawn. French Translation by Yusuke_Takumi/takutrad: https://tradudimanche.wordpress.com/
8 232 - In Serial6 Chapters
最も強い -- ( Strongest in existence ~)
First of all this is a story that I´m writing casually in my free time so i think for the first few chapters dont expect regular updates.. This will be a story where the comment squad has a heavy influence on the story because I would find it funny to try and mix some things in that you guys suggest me in the comments :)Anyway now to the synopsis : This is a story about a boy named James Anderson.James died because he was struck by lightning while he was walking down the street on a rainy evening... After he thought everything was over he heard a voice asking him for a wish and for one wish only.. He knew his answer as soon as the question was asked because he fought for his whole life despite being only 19 years old.. He always has had a rough time because his family was poor and they needed to fight for every bit of money they could get.. he got in fights a lot.. so his wish was a simple one that would change everything.. " I wish to have the potentiell to become the strongest being in all existence so that i dont have to fight anymore ! " I dont really know where this story will go but i have a few ideas in mind, as alredy mentioned before, i write this on a whim and hopefully " together " with the readers...I hope you enjoy the story ~~~ PS: Cover found on Google, i own no rights on that one.
8 204 - In Serial18 Chapters
To Witness the Coming Darkness
All history and myth collide, all is or was real as beings we called gods walked with us. Through this the witnesses stand vigil. Watching as our world slides toward destruction.
8 120 - In Serial12 Chapters
Multiversal Abrupt Explorer
In this story the true MC, Jed, works as a test dummy in his universe. In one of his experimentation and testing of the new gadgets, one of them being the portal prototype device being able to make a portal to any place, he decided that it would be a good idea to make a portal to space causing him and the prototypes to get sucked into outer space of no way getting pulled out. Suddenly a being that goes by of StoryMaker saves Jed since he wasn't suppose to die just yet, in doing so she breaks one of the rules she made. To compensate this, she made Jed able to adapt and travel to any universe he goes to and getting a companions as well. But as a result, before he visits one last time, the universe he once lived on will get everyone's memory and data erased related to him existing. Where will he go now, and what will he mess up in his travels?
8 200 - In Serial39 Chapters
Most Protected Of All
5-year-old Rose was stolen from her family at the young age of 6 months. She has been hopping from foster homes for 5 years, each of the homes she lived in treated her badly, abusing her every day. Finally, deciding to run away, little Rose runs into no one other than her real Father. What will happen to little Rose? Will she be happy with her new family? What will they do once they figure out about her past?
8 155 - In Serial17 Chapters
the title say it and guys if u want some lemonade just tell me😉anyway ,the boys who r in this book:kageyamaoikawaiwaizumikurookenmaatsumuosamuand that's it ! i'm sorry if ur fav haikyuu characters are not here maby i'll add some after just request!!love ya and stay healthy(btw these r only for fem reader)
8 76

