《Line without a hook || Darlentina》Chapter 1
Advertisement
Gabi na at madilim na. Wala na masyadong taong naglalakad lakad. Ang paligid ay tahimik lang, dinadama ang hangin na yumayakap sa kanya-kanyang mga balat.
Kung marami ang gustong pumunta sa baywalk ng hapon, meron parin naman sa gabi. Hindi nga lang masyadong marami, kumbaga, bilang lang.
Habang naglalakad si Narda ay may nakita syang babae at lalaking nagaaway. Mukhang lasing ang lalaki, samantalang iyak lang ng iyak ang babae.
Tumakbo sya ng mabilis ng nakita nya na sinasaktan ng lasing na lalaki ang babae, kaya naman pinuntahan nya agad ito.
Nagtago sya sa puno ng saglit para makahanap ng tyempo kung susugod na ba sya o hindi.
Paglingon nya ay akmang sasampalin na sana nang tumakbo sya ng mabilis at pinigilan ang kamay ng lalaki. Sinipa nya ito, dahilan ng pagkabagsak nito.
Hinawakan nya ng marahan ang babae at hinila ito kung saan man sila dalhin ng kanilang mga paa.
Lumingon si Narda sa likod at nakita nyang sumusunod ang lalaki sa kanila.
"Sumusunod sya sa atin Miss, kaya mo pa bang bilisan ang takbo mo?" Tanong ni Narda sa babae.
"Nanghihina na ang mga paa ko. I don't think kaya ko pa."
Nagisip ng paraan si Narda. Lumingon sya sa paligid at nakita ang bike nya.
"Yung bike ko! Punta tayo dun, tapos umangkas ka okay?" Sabi ni Narda.
"Okay!"
Malapit na silang makarating kung nasaan ang bike nang biglang madapa ang babae.
Lumingon si Narda at agad na tinulungan ang babae. "Miss! Sakay ka sa likod ko."
Sumunod na lamang ang babae at dali daling sumakay sa likod ni Narda. Ngunit, pag lingon nila ay malapit na ang lalake sa kanila at nakangiti na parang walang bukas.
Dali daling inupo ni Narda ang babae sa angkas at inilagay ang maliit na bag ng babae sa basket ng bike nya habang natataranta dahil sobrang lapit na ng lalaki sa kanila.
"Heto na ako!" Sigaw ng lalaki at hahablutin na sana ang buhok ng babae nang paandarin na ni Narda ang bike.
Advertisement
Nang makalayo layo na sila ay hindi na nila nakita ang lalaki na sinusundan sila. Kaya naman, medyo nakahinga na ng maluwag si Narda. Naisip nyang, gamutin muna ang babaeng nasa likod nya sa condo na tinitirhan nya ngayon.
"Miss, kaya mo ba maglakad?" Tanong ni Narda bago nya pababain ang babae.
"Yes, kaya ko."
Kahit na sinabi ng babae na kaya nya ay kailangan parin ni Narda alalayan ito dahil for sure masakit ang paa nito.
Pagbaba ng babae ay napagroan ito, kaya hinawakan nya ang kamay nito at nakita nya na hindi maituon ng babae ang paa nito.
"Halika, sumakay ka sa likod ko."
Sumunod na lang ang babae at pumunta sa condo ni Narda. Binaba nya ang babae sa malambot nyang kama at binigyan ng tubig.
"Gamutin natin ang mga sugat mo." Sabi ni Narda at kinuha ang kit.
Tumango nalang ang babae at kumuha na ng bulak si Narda.
"Ikaw lang ang nakatira dito?" Tanong ng babae.
"Hmm, yeah."
Pagkatapos non ay binalot na sila ng katahimikan.
"Ayan, tapos na." Sabi ni Narda at ibinalik na ang kit.
"Salamat ah? Salamat kase tinulungan mo ako makatakas sa boyfriend ko, at dito sa pag gamot ng sugat ko."
"Walang anuman. I'm glad na matulungan ka." Sabi ni Narda at nag-ngitian sila.
"Ano nga pala ang name mo?"
"Narda, Narda Custodio." Pagpapakilala nya at nagoffer ng handshake.
"Regina, Regina Vanguardia." Pagpapakilala nya at nakipagkamay.
Pakiramdam ni Narda ay bumagal ang paligid nang titigan nya si Regina habang magkahawak ang kanilang kamay.
"Uh, Narda?" Pagtawag ni Regina dahil nakatulala ito. "Narda? My hand."
Bigla namang natauhan si Narda. "Ay, sorry." Binawi nya ang kamay nya at nagtanong. "Nagugutom ka ba?"
"Hindi eh." Pagkasabi na pagkasabi nya palang ay biglang kumulo ang tyan nya.
Napatawa naman silang dalawa, at napansin ni Regina na nakakaattract ang mga ngiti at tawa ni Narda.
"Hindi marunong makipagparticipate ang tyan mo, Ma'am." Pagbibiro ni Narda.
Advertisement
Napatawa nalang si Regina. "Oh please, just call me Regina."
"Osige, anyways, anong gusto mong kainin R-regina?"
"Kung anong meron dyan." She simply said.
Narda sighed. "Walang meron dito eh, hindi pa pala ako nakakapag-grocery."
Nagkatinginan sila ng matagal at walang gustong sumira ng eye contact. Suddenly, Regina's phone vibrated, at doon lang nasira ang eye contact nila.
"Smart lang naman pala ang nagtext." Regina sighed habang tawang tawa naman si Narda.
"Happy?" Regina rolled her eyes.
Narda gave her a wide smile. "Ang cute mo kasi."
Nanlaki ang mata ni Narda nang marealize nya ang sinabi nya. Habang ang pisngi naman ni Regina ay sobrang pula.
"Uh, bibili muna ako ng pagkain natin." Sabi nya at mabilis na nagsuot ng hoodie.
Ipipihit nya na sana ang door knob nang magsalita bigla si Regina.
"Please don't leave me, Narda."
Napatigil si Narda habang tinititigan ang door knob. Bumuntong hininga ulit sya at ngumiti.
"Okay, order nalang tayo online."
Agad namang tumango si Regina at ngumiti. She's starting to feel comfortable to the person who saved her earlier.
"Anong gusto mo? Order kana, eto phone ko." Binigay ni Narda ang cellphone nya at hinayaang pumili si Regina ng kakain nila.
After a few minutes, nakapagdecide na si Regina ng kakainin nila.
"Narda, I ordered us a pizza."
Nginitian sya ni Narda. "Okay! Magkano yun?"
"Ako na ang magbabayad."
"Pero—"
"No buts, you have done enough. Let me pay for this one, please?"
Again, bumuntong hininga ulit si Narda. Hindi na nga nya alam kung pang ilan na yun sa maghapon eh.
"Alright, hindi na ako makikipagtalo, gutom kana eh." Sabi ni Narda, dahilan para matawa nanaman silang dalawa.
Humiga si Narda sa tabi ni Regina. Medyo umusod sya habang pinapanood lang sya ng isa.
"Saan ka ba nakatira, Regina?"
"I am living with my boyfriend."
Tumaas ang isang kilay ni Narda sa narinig nya. "Hindi kayo magkaayos ng boyfriend mo ngayon. Paano yan? Saan ka tutuloy?"
"Hindi ko nga alam eh."
"Wala ka bang kakilala or kaibigan na pwedeng mong matuluyan na pansamantala lang?" Tanong ni Narda.
Kita sa mata nito ang pag-aalala kay Regina.
"Wala eh, wala ako masyadong kaibigan because I don't trust people that much."
"So, hindi mo pa ako pinagkakatiwalaan?"
"I trust you, but still, not fully. Mamaya kase baka may ipainom ka sakin—"
"Ay grabe ka teh, mabait akong tao oh. Bait bata." Bigla namang nagpacute si Narda.
"Wait! Wag ka gagalaw, just stay in that position and your pose." Dahan dahang kinuha ni Regina ang phone nya at pinicturan si Narda.
Napakunot naman ang noo nito nang marealize na pinipicturan na pala sya.
Pinakita ni Regina ang picture nya. "Ang cute mo dito!"
"Dyan lang?"
"Huh—"
"A-ako na." Dali daling binuksan ni Narda ang pinto at kinuha ang nangangamoy na pizza. Binigay nya ang bayad at nagpasalamat sa rider.
Kumuha sya ng plato at naglagay ng dalawang pizza para kay Regina.
"Here is your order, Miss."
Regina smiled. "Thank you so much."
"You're welcome."
"I have never been comfortable with someone na kakakilala ko palang. Ikaw palang." Regina sincerely said.
"Eh parehas pala tayo eh. Ikaw palang din yung taong komportable akong kasama kahit kanina lang tayo nagkakilala."
"Trinanslate mo naman yung sinabi ko eh." They laughed.
"Sabi mo, wala kang pansamantalang matutuluyan? So, you can stay here for a while." Narda said while taking a bite.
Nanlaki naman ang mga mata ni Regina. Hindi sya makapaniwala dahil sa sinabi ni Narda.
"Nako Narda, but—"
"No buts, Regina." She smirked.
"Alright, but let me pay your bills for this month."
"Eh—"
Dinilaan na lang ni Regina si Narda na walang choice kundi umoo nalang.
Bago sila matulog ay nagpost muna si Regina sa instagram ng picture nila ni Narda.
Thank you bebe girl, for saving me
Advertisement
Refining The Mountains And Rivers
While the blue light blossoms, the insignificant struggle at the bottom. He grasps the opportunity to change his fate and embarks on an unprecedented path…
8 98Observation of a Demon Tortoise
An animal as ordinary as a tortoise holds the potential to become a powerful demon. This is the observation of one such tortoise that lived a long life of hardship and desire, falling to the dark side and becoming a creature that nothing could oppose. However, no matter how powerful it was in its later days, in its early life, it was a vulnerable animal that risked its life nearly every day. This is a record from birth to demonification to death. A full biography of this magnificent creature in all its glory. Credits to EpicKiller11 for the cover.
8 72How Do Centaurs Wear Pants?
How do centaurs wear their pants? From which set of teats do baby centaurs nurse? Do centaur babies get up right away after birth? These and many more questions are the domain of Elsie Jones - hopeful cryptid biologist, because Big Biology can't keep the secrets hidden forever.
8 153The Book Cover Store {#1} [CLOSED]
THE Book Cover STORE [#1] Request your covers on the first page, I'll get back to you in 1-4 days, depending on how many requests there are.[[This book is completed~check out book 2, for much better, and more responsive covers!!]]
8 504New Balance | COMPLETE.
Most of us are hurting, Most of us are searching. Someone to love,Someone to understand. You're my Salvage. You're my Balance. You're so new.Started: June 29, 2018Completed: October 28, 2018
8 207Remember Me
Takashi and Toryn met each other when they were five. Became best friends at ten. Were inseparable by time they were fifteen. Built an indestructible bond at twenty. And now at the age of twenty five, after twenty years of friendship, due to the slowly deteriorating memory Toryn has had since she was a baby, she will one day forget everything. Including the one thing Takashi told her the first time they met. "Don't forget about me." -Takashi MaxwellCover by: @lucida-
8 108