《Tulang Dedikado》Ika Dalawampu't siyam na Tula

Advertisement

" PAYONG "

Makulimlim na langit at malamig na simoy ng hangin

kung saan nagsisimula ng bumuo ang ulap ng tubig

unti unti nang pumapatak at nagsisimulang mamasa ang sahig

sa bawat pagpatak, unti unting lumalakas at nagiging malabo ang lahat

at ang lahat ng daan ay nagmimistulang dagat

ngunit hindi ito naging hadlang sa lahat,

dahil patuloy silang lumulusong sa bahang daan

at ang mga bata ay masayang naliligo sa malakas na ulan

hindi alintana ang ulang kalaban,

ang iba ay naghahanap ng masisilungan

at marami sa kanila ay umiiwas mabasa ang kasuotan

ngunit ako, kailan kaya makakahanap ng masisilungan?

kung palagi na lamang akong mag isa sa daan

at walang kahit sino mang nakapansin

sa buhay kong pinagdadaanan

dahil kahit umuulan patuloy akong lumalaban

kahit na walang payong panangga sa bawat ulan

madalas kong katanungan,

ano kayang pakiramdam na mayroong masasandalan?

sa tuwing paparating ang ulan

ano kayang pakiramdam na mayroong matatakbuhan?

sa tuwing lumalakas ang ulan

ano kayang pakiramdam na mayroong nasasabihan?

sa tuwing basang basa ka na sa ulan

at higit sa lahat, anong pakiramdam na may taong handang sumulong sa ulan upang ikaw ay ingatan?

meron pa ba? o meron kaya?

dahil kung oo bakit marami ang nababasa sa ulan mag isa

at walang nagtangkang magmalasakit sa kaniya

bakit marami parin ang naiwan sa gitna ng ulan?

at madalas masaktan dahil lang sa pagmamahalan

kaya kung mayroon man,

nawa'y huwag sanang panandalian

dahil mahirap punasan ang bawat tubig sa aking katawan

at sana ay kaya niya akong protektahan

tulad ng isang payong na naging panangga ko sa bawat kalungkutan.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click