《Tula at kaisipan》Panaginip

Advertisement

Kung sa lugar na hindi makatotohanan kita matatagpuan

Bakit hinahanap pa rin kita pag gising sa mundo kung saan wala ka namang lugar

Nahuhulog na ata ako sa taong sa panaginip lamang namamataan

Oh, bakit hindi na lang ako pagbigyan?

Sa pagbukas ng mga talukap ng mata

Hinahanap ka sa gitna ng madla

Nagbabakasaling makita kita

Ngunit tanda ko, panaginip ka lang pala.

Maling mali ako sa puntong tila nahuhulog na

Pinapanalangin habang tumatangis na ika'y hindi panaginip lamang

Pagkat alam kong tayong dalawa'y mayroon nang pagtingin

Sana sa paggising ay aking paring damhin.

Damhin ang bawat sandali na kasama kita

Hindi man maalala ang katangian

Ngunit ang pagwaldas ng oras kasama ka

Sana ay hindi na ako magising kailan pa, pagkat dito natagpuan ang ligaya.

Ayoko kitang mawala ngunit tila isang kahibangan

Ang mahulog sa kagaya mong di namamataan

Ang imahe mong malinaw pag dilat ay naglahong parang bula

Nalagas na parang dahon na nahulog saaking mukha.

Pinamumukhang kahit kailan ma'y ang hiling na ika'y mahagkan, ay kahit kailan ma'y di makakamtan.

Sa susunod na panaginip na lamang kita ulit masisiyalan, kung naroon ka pa man.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click