《Tulang Dedikado》Ika Dalawampu't walong Tula

Advertisement

" FICTIONAL CHARACTER "

Hindi ka man nakikita nila

Hindi man kita nakakasama

Ngunit ikaw ang isang halimbawang taong gusto kong makasama

Dahil napamahal ako sa isang tulad mo,

Nahulog ako sa mga patibong mo

At nagkagusto ako sayo

Kahit pa masaktan man ako

Patuloy pa ring magbabasa ng libro

Ikaw man ay isang likha,

Na kahit sino ay di magagawa

Madalas kang iguhit sa papel at pluma

At tanging ikaw lang ang nagpapasaya

Sa tulad kong may lungkot na nadarama

Hindi man kita magawang mapakilala sa iba,

Ngunit kaya kitang ipakita gamit ang pluma

Ginuhit kita sa paraan ng gusto ko

Nilikha kita sa paraan ng isipan ko

Dahil tanging ikaw lang ang nilalaman ng pusong ito

Kathang isip ka man,

Patuloy paring susulat sa talaan

At patuloy iguguhit ang aking kaalaman

Walang makahahadlang sa aking kasiyahan,

Dahil tanging ikaw lamang

Ang nagbigay sa akin ng kaligayahan

Na kahit sino man ay hindi magagawang tumbasan

Kaya sa pamamagitan nito,

Ikaw lamang ang aking mundo

Kahit pa di tayo magtagpo

Atleast napasaya mo ako sa simpleng pagguhit ko sa isang tulad mo

Kahit naging maikli man ang naging kuwento.

__________________________________

Dedicated to all wattpaders out there who fall in love with the main lead character because of there personality that never ever gonna happened in reality.🙁💛

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click