《Tulang Dedikado》Ika - Dalawampu't pitong Tula

Advertisement

"BAGONG AKO"

Sa paglipas ng panahon

Ikaw lang ang tanging nasa isipan ko

Hindi ko alam kung kailan matatapos 'to

Kahit na ako'y iyong iniwan

Patuloy paring bumabalik ang nakaraan

Nakaraan kung saan tayo'y masaya pa

At may pagmamahal pa sa isa't isa

Maligaya pang magkasama

Ngunit bakit sa isang iglap natapos ng parang bula

Hindi ko matanggap ang katotohanang ako'y iniwan mo na

Siguro nga ganun nalang kadali ang lahat,

Lahat ng ala alang ating sinimulan

Ay matatapos ng ganun ganun na lang

Kahit na mahirap patuloy paring lalaban,

Lalaban sa lahat ng kalungkutan

At sa sakit na iyong iniwan

Ngayon ang unang araw na nakatakda

Para ika'y aking kalimutan

Sisimulan ko sa pagbabago sa sarili ko,

Gagawin ang mga bagay na hindi ka kasama

At magsisimula ng bagong pag asa

Kung saan para naman sa akin at hindi na para sayo pa

Bagong Ako ang iyong makikita

At hindi na dati na ako'y mahina pa

At hindi na ganun kadaling mahulog pa ulit sa iba

Dahil alam ko na lahat ng pagbabagong ito

Ay para sa akin upang ako naman ay maging masaya

Ang lahat ng ala ala ay ibabaon nalamang sa lupa

At gagawing daan para magpatuloy sa buhay,

Sa buhay ko kung saan wala kana at ako nalamang mag isa

Salamat nalang sa mga araw na nakasama ka

At sa mga panahon na masaya pa tayong dalawa

Dito ko na tinatapos ang ating kuwento

At magiging masaya ako para sa sarili ko

Hanggang dito nalang ang lahat ng ito

Magsisimula para sa BAGONG AKO.

_________________________________

Thank you for reading and your support I really appreciate it!🥰✨

Ps: If may request kayo sa Tulang dedikado, I will be glad to write another tula para mailathala ang inyong mga paksa. Just leave a comment lovelots!💛😊

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click