《Tulang Dedikado》Ika - Dalawampu't anim na Tula

Advertisement

" TANGA "

Ako'y muling bibilang ngunit hindi dahil sa paglisan

Kundi para sa mga kababaihan na hindi nabigyan ng karapatan

Karapatan na kailangan ng lahat

Kung saan hindi nirespeto at ginalang ng dapat

Isa, unang bilang ng bawat isa

Kung saan hindi trinato ng tama

At mas lalong sinaktan ng sobra

Sa una palang alam mong mali

Pero bakit patuloy kang nanatili

Isa yan sa salitang ika'y nakatali

Dalawa, pangalawang bilang na at pangalawang pagkakataon na tuturuan ka,

Sana ika'y matauhan na sinta

Ngunit bakit parang naniniwala ka pa,

Sa bagay nga may second chance pa pala

Tatlo, pangatlo na binibini hindi ka pa ba susuko

Patuloy ka parin nakahawak sa pangako

Kahit na alam mong ito'y mapapako

At napakalabong magbago sa taong may sira ang ulo

Hindi ko alam binibini kung tama pa bang bumilang dahil ikaw mismo hindi na natuto

Natuto sa mga pang uuto nya sa iyo

Baka nga dahil yan sa pagka bulag mo

Sige muli kong itutuloy ang bilang pero sana sa natitirang numero

Ika'y matauhan na at makita ang iyong halaga

Apat, pang apat na sinta, pero unti unti ka ng ubos ng dahil sa kanya

Bakit ba ika'y napakatanga,

Samantalang isa lamang sya sa mga taong basura

Pang apat na numero na at apat na sakit ang naidulot nya

Hindi parin ba malinaw sayo sinta

Na unti unti ka ng nabaliw ng dahil sa mga ginawa niya

Lima, limang numero na aking kaibigan

Ako'y umaasa na sa limang pagkakataon

Ika'y maging masaya at malaya sa impiyernong dulot niya

At itong limang daliri ng iyong palad

Ay magbigay sayo ng pagkakataong sampalin siya dahil sa lahat ng ginawa niya

Hindi tama na ika'y paglaruan lamang

At gawing gamit na pagkatapos ginamit ay itatapon na lang

Gusto kong makita sa iyong mga mata

Na kaya mong maging masaya at matapang na hindi sya kasama

Advertisement

Dahil sobra sobra na ang iyong pagiging tanga

Kaya sana huwag mo ng ulitin pa ang bagay na hindi nakakaganda

Dahil mas lalo lng ikaw tumatanda sa mga nadulot niya

Ngayon nagawa mo ng ilapat ang mga palad mo sa basura

Kailangan mo ng linisin upang hindi na kumapit pa

At sa iyong pagpunas sana kasama na ang bagong ikaw

Ikaw na matapang at mas mahal ang sarili kaysa sa iba

Salamat at nakinig ka sinta,

Ito na ang panibagong yugto ng iyong halaga.

____________________________________

(Listen to the song that suit for this poem and one of my fav song💖)

Ps: This poem I make is for all those women who don't know their worth and being stupid to someone they love. Please ladies don't waste your time to someone who can't give you the love you deserve. Always remember you are a precious thing that hard to find.💛✨

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click