《Tulang Dedikado》Ika - Dalawampu't limang Tula

Advertisement

" PAG ASA "

Isang salita na makakabuo ng makahulugang tula,

Inilaan ang tula para sa taong umaasa

Umaasa na sana mahalin siya

Tulad ng kagustuhan ng iba

May pag asa pa nga ba?

Ang isang tulad ko na mahal ka

May pag asa ba akong makasama ka

At makita sa mga mata mo na masaya tayong magkasama

May pag asa ba akong mapansin mo ang isang tulad ko

Kahit pa maaaring hindi ako ang mapili mo

At hindi ako ang taong gugustuhin mo

Dahil alam ko na maraming andiyan para sayo

Kahit na mawala ako sa piling mo

Alam ko naman na malabong maging ako

Masakit mang isipin na hindi ako

Ngunit titiisin ko kahit pa wala lang ako sayo

Handa akong maglakbay ng ilang libo

Masabi mo lang na may pag asa ang isang tulad ko

Sana nga mayroon akong pag asa,

Na masabi ko ang lahat sayo sinta

Kahit manlang dito sa simpleng paggawa ng tula,

Ay mapansin mo ang isang tulad kong sayo ay humahanga

Hanggang dito na lang sinta

Patuloy parin akong aasa kahit mapunta man sa wala.

Ps: Chase the right person not the wrong way.✨

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click