《Tulang Dedikado》Ika - Dalawampu't apat na Tula

Advertisement

" HINDI KA MAN GUWAPO "

Aking tulang isinulat,

Upang sa inyong lahat ay maisuwalat

Na ikaw at ako tayo ay magaganda at poging lahat

Galing sa puso kong tunay at tapat

Wala yan sa itsura at sa mukha,

Hindi yan nababase sa panlabas na mukha

Nasa tao yan kung sino talaga siya

At kung ano ang magagawa niya

Kahit di ka guwapo,

Hindi mo kailangan magbago

Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo

Hindi mo dapat ibahin ang iyong pagkatao

Dahil ang totoo,

Nasa taong handang tumanggap kung sino ka

At kung ano kang talaga

Kaya niyang tanggapin ang lahat basta makasama mo lang siya

Iyon ang totoong taong mamahalin ka

Kaya kung iniisip mo na panget ka,

At hindi ka tulad ng iba

Lagi mong tatandaan na may tao paring handa kang makasama

At handang magparaya makita ka lang masaya

Ngayon sa pagsulat kong ito,

Nais kong malaman mo

Na hindi lahat ay hanap guwapo

Sana tandaan mo ito,

Na may tao paring handang ilaan ang kaniyang puso

At handang magsakripisyo para lamang sayo

At iyon ang totoong magmamahal sa isang tulad mo.

Ps: Always think that there is a one person that can accept who you are and will love you infinity just keep on waiting, the right time will come.💛✨

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click