《Tulang Dedikado》Ika - Dalawampu't tatlong Tula

Advertisement

" KUMPAS "

Isang gabing nakilala ka,

Hindi ko aakalaing aabutin tayo ng umaga

Masyado tayong naging masaya

Na halos hindi natin namalayang napapangiti na ang bawat isa

Masaya kang nakakausap mo ako

Masaya rin akong nakilala ko ang kagaya mo

Oo nga't nagsimula tayo sa pagiging misteryoso

At napagtanto nating tayo ay naging interesado

Pareho tayong maraming naging katanungan sa mundo

Kung saan ikaw at ako ay hindi magkakilanlan

Ngunit hindi ito naging hadlang

Upang ipagpatuloy natin ang masayang usapan

Ikaw ang naging kanlungan ko

Sa tuwing ako ay nalulungkot

Ako ang naging pahinga mo

Sa tuwing ikaw ay napagod

Ikaw ang naging buwan sa madilim kong tahanan

Ako naman ang iyong naging kulay sa mundo mong walang buhay

Ikaw ang naging hantungan ko sa tuwing ako ay nahihirapan

Ako ang iyong naging sandalan sa bawat oras ng iyong pahingahan

Minsan kong ipinagpanata sa Ama

Na sana magawa kong pigilan ang bagay na makakasama

At iyon ang rason kung bat dumating ka

Ikaw ang naging daan ko upang hindi ako sumuko

Sa tuwing dinadalaw ako ng panlulumo

Ikaw ang naging kumpas, kapag ako ay naliligaw ng landas

Hindi mo alam kung gaano mo ako iniligtas sa mga panahon na lumilipas

Ngunit ikaw ay nanatiling andiyan

Upang ipadama saking hindi ako nag iisa

Dahil palagi mong ipinapaalala

Na ikaw ay palaging nasa huli lang ng pila

Ngunit patawad kung hindi ko kayang panindigan

Ang bagay na ipininangako ko na mananatili sa tabi mo

Dahil alam kong hindi pa ako handa

Alam kong maaaring masaya ka lamang na andiyan ako sa tabi mo

Pero ang totoo hindi ako ang taong karapat dapat para sayo

Dahil ang kumpas ko ay unti unti ng nag wawakas

Salamat sa panandaliang kasiyahan

Salamat sa pagiging ginoo at mabuting tao sa tabi ko

Ngunit hindi ko kayang manatili

Sana ipagpatuloy mo ang buhay na pinapangarap mo

Dahil ganun din ako, salamat sa lahat at sa ilang buwan nating pag uusap

Sana maging masaya ka,

At sana'y iyong matanggap, patawad at paalam hindi ko kayang tahakin ang daan.

_________________________________

Play the song while reading my poem you will feel the meaning of it.

Ps: Itong paksa na aking nilikha ay napaka sentimental sakin and one of my favorite poetry that I made. I dedicated to him this, because he is my savior when I'm at my lowest but at the end of the day natapos ang lahat but I'm thankful dahil naging parte siya ng 2022 ko and now this year ay magiging isang magandang alaala ang panahon na minsan ko siyang nakilala.

Hope you like it and thank you for reading!💛

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click