《Tulang Dedikado》Ika - Dalawampu't dalawang Tula

Advertisement

" BABAE LANG AKO "

Babae, isang salita lamang ito

Ngunit maraming gustong sabihin sa buong mundo

Oo nga't babae lang ako

Babaeng mahina ang puso

Babaeng takot maloko

Babaeng pagod na at gusto ng sumuko

Babaeng hindi matalino

Babaeng hindi talentado ngunit marunong rumespeto

At babaeng hindi maganda ngunit may mabuting puso

Babae lang ako,

Pero bakit di magawang irespeto

May karapatan akong pumili at gawin ang gusto

Dahil lahat tayo may karapatang maging malaya sa mundo

Ngunit lahat ng ito ay kontrolado

Lalo na kung ang nasa paligid mo ay mga tsismoso

Lahat tayo may iba't ibang aspeto

At lahat tayo ay may sariling titulo

Pero bakit sa paningin ng iba

Ikaw ay isang malanding tao

Manamit ka lamang ng kakaiba

May masasabi agad sa iyong hindi maganda

Makita ka lamang may kolorete sa mukha

Iisipin na nilang ikaw ay malanding dalaga

Makita ka naman nilang nakadamit ginoo

Sasabihin agad sayo, ikaw ay hindi tao

At hindi ka na babagay sa mundo

Ano pa nga bang magagagawa?

Ang mismong ating bansa

Ay marami ng mapanghusga

Babae lang ako,

Pero marunong ako makuntento

At hindi ako mapanghusgang tao

Dahil alam ko pare pareho lamang tayo

Na may sariling kagustuhan sa mundo

Kahit ano pang pananamit mo,

Kung ang tao ay may masamang balak sayo

Gagawa at gagawa yan ng paraan upang ikaw ay mapagsamantalahan

Kahit nasa bahay,palengke, pasyalan at simbahan ay maraming gagawa ng kasalanan

Kay hirap magbigkas ng salita kung alam mong maaaring walang maniwala

Dahil itatanggi ito ng gumawa at sasabihing ikaw pa ang may sala

Nakatalikod ka man o nakaharap may gagawin parin silang masama

Babae lamang ako,

Pero bakit ako ginaganito?

Bakit iba ang pag turing niyo?

At bakit iba ang inyong pakikitungo

Lahat tayo ay may sariling mundo

Kaya matuto tayong rumespeto

At gumalang sa bawat isang pagkatao

Ito lamang ang masasabi ko

BABAE LAMANG AKO, AT HINDI HUSGADO.

Ps:

You are not just a girl you're a woman a precious and a unique one keep slaying queen.✨

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click