《Tula at kaisipan》Salamin

Advertisement

Salamin

Bawat araw ng pagpasok ko sa silid ng aking Mahal na Lolo, makikitang sya'y palaging nakatingin sa salamin at pinagmamsdan ang kanyang repleksyon. Hangang hanga ako sa kanya mula pagkabata ko, isa syang Sundalong lumalaban para sa Bayan. Isang matapang. Walang katulad.

Ninais ko pa noon na maging kagaya niya. Heto ako ngayon nag-aaral ng mabuti para makamit ang pangarap ko noon. Ang maging kagaya niya. Habang ang mga oras ko ay nawawaldas sa pag-aaral maging sundalo, ay ang mga oras na winawaldas niya dahil ito na lang ang natitira sa kanya dito sa mundo.

Hindi ko akalaing magiging mahirap abutin ang pangarap, lalo na kung ang inspirasyon mo sa pagkamit nito ay tinitignan mo ngayon sa salamin. Habang nakapikit at tila ang himbing. Napaka payapa at tila walang iniwang lumuluha. Nakakumot pa sa kanya ang watawat na pambansa, habang ako'y nakauniporme at sumasaludo sa kanyang kabayanihan. Hanggang sa pagtalikod ko sa kanyang higaan ay ramdam ko ang yakap nya saaking likuran. Hinatid ko sya sa kanyang bagong tahanan habang ang mga luha'y pumapatak sa daan. Noo'y hinahatid nya ako sa paaralan habang ang mata ko'y nalulunod na sa luha, nagmamakaawang huwag niya akong iwan. Ngayon ako ang naghahatid sa kanya, ngunit ako pa rin ang lumuluha, nagmamakaawang huwag syang lumisan.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click