《Tula at kaisipan》Kahapong di matatapon

Advertisement

"Kahapon" 12-16-22

Tila ayoko nang matapos ang kahapon

Ayokong hayaang lumipas ang panahon

Gusto kong manatili na lang kung saan ako naroroon

Pinapabagal ang takbo ng panahon, ngunit nalalagas na ang mga dahon.

Bukod tangi itong ala-ala, isa sa iuulat gamit ang pluma

Ang "Kahapon" na hindi ko malilimutan, ating pagsasama

Kay saya, tila ayokong paandarin ang mga kamay ng oras

Isa itong memoryang kahit kailan ay di kukupas.

At sa bawat pagkumpas ng kamay ni tadhana

Kung tayo mang lahat ay hindi magkikita

Babakasin kong mag-isa, ang nilakbay na magkakasama

Ang kahapon nating lumipas na, ay iuulat sa aking talaarawan, at aking ipipirma.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click