《Tula at kaisipan》Pag-asa ng bukas

Advertisement

Tinanggalan mo ng piring ang mata ko

Nakita ko dahil sayo ang ganda ng mundo

Pinagbuksan mo ng pinto

Ang mga pusong noo'y matigas na bato.

Kapag ako'y matamlay, binibigyan mong buhay

Ikaw ang kulay, nangingibabaw, buhay mo'y inalay

Panginoong Hesukristo, napaka buti mo

Binago mo ang paningin ko.

Kahit ano pang ibatong pagsubok ng mundo

Kayang kaya ko, kung ika'y katabi ko

At kahit kailanma'y di mo ako iniwan

Sa kabila ng aking kakulangan.

Sa madilim at nakakakilabot na daan

Ikaw ang nagsilbi kong tanggulan

Ikaw ang taga pag ligtas

Pag puri sa Iyo'y walang wakas.

Sa pag tahak ko ng aking bagong landas

Ikaw ang aking kulay, sa mundong kupas

Pupurihin ka ng buong lakas

Kahit ang mga alon sa dagat, ay malalakas ang hampas.

Ang tiwala sa Iyo'y ibibigay

Ang buhay ko'y iaalay

Sa pagsamba sa Iyo'y buong lakas

Ikaw ang pag-asa ng bukas.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click