《DarLentina One Shots (NarGina)》Halik sa Hangin
Advertisement
Hi! So there was a one shot contest sa twitter na sinalihan ko, it's called Darlentina Vadeng Fest by PrideZonePH. Here's my entry nung contest. 😊
Wherein, Regina and Narda finding each other again after their shared lifetime.
-----
"Narda." Regina's first word as soon as the person answered the call.
"Yes ma'am?" she heard the girl's response.
She almost rolled her eyes because of it, "I told you to just call me Regina . Assistant kita but more than that, magkaibigan na tayo, remember." she said and she heard a chuckle from the other line.
"Sorry Regina, nasanay lang kasi ako. May kailangan ka ba? gutom ka na? Coffee?" sunod-sunod na tanong nito that made her smile.
"It's fine Narda, gusto ko lang sabihin na I will rest saglit, tsaka no one is allowed to come inside my office, I have a bad headache eh." she said and waited for an okay response.
But what she got is a scolding from the girl, "Sabi ko naman kasi sa'yo eh, dapat d ka na muna pumasok, lagi nalang masakit ulo mo. Yan tuloy, dalhan kita ng gamot jan." sabi nito that made her grin.
Narda is really a good person, sobra. She feels lucky being one of the people na nakakatanggap ng mga ganitong ugali nito.
"Kaya ko naman na Narda, okay lang ako. I just have to rest for awhile and I'll be fine again, don't worry." sagot naman niya dito.
"Pero Re-" pinutol niya na ang sasabihin nito at nagsalita na.
"Narda, alam ko may tinatapos ka pa jan, okay lang ako, pahinga lang kailangan ko, promise." pangungumbinsi niya dito.
It was quiet for a few seconds bago siya nito sinagot.
"Sige, but pag natapos ko 'tong mga 'to, punta ako jan with gamot, okay?" sabi nito and once again, ngumiti na naman siya.
"Sige po ma." she jokingly said that made the girl on the other line groan.
cute.
"Just kidding Narda, and okay, sige. I have to go and rest na ha?" she said with still that smile imprinted on her face.
"Sige Regina, pahinga kang mabuti." sabi naman nito, she said thank you bago niya in'end ang tawag.
Narda. Do I even deserve such care? she questioned at napailing.
"The things you make me feel." she said ng biglang sumakit na naman ang ulo niya.
It felt like any minute sasabog na ito.
It's always like this for almost a week now. Pwedeng-pwede naman siyang magpatingin sa doctor pero masyado siyang busy, plus she's afraid of what the result will be.
She sighed at humiga nalang sa couch niya, rest is all she needs. Maybe.
"Regina?" even in her sleep, she can feel someone lightly touching her arm.
"Regina?" that voice she's grown familiar to.
"Regina?" tawag ulit nito sa kanya.
She groaned at binuka ang mga mata niya.
"Narda." she says, acknowledging the girl's presence.
The girl smiles at her, the kind of smile that makes her melt.
Umupo na siya at ngumiti din dito pabalik, "Hi", Narda greets her.
"Hello Narda, may nangyari ba?" she asks as she lets the girl take a seat beside her.
"Wala Regina, ikaw nga tung tatanungin ko palang eh, kamusta na ba pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya.
"I'm feeling better, I guess." she replied.
Tinignan naman siya ni Narda ng may pag-aalala.
"Inumin mo na muna 'tong gamot oh." sabi nito at inabotan siya ng gamot at tubig.
"Salamat Narda." sabi niya ng mainom niya na ang gamot.
Advertisement
"Sinabihan ko na pala si Ali na uuwi ka na agad, kailangan mong magpahinga, napapansin ko lagi nalang sumasakit ulo mo eh." sabi nito sa kanya.
"Salamat Narda ha?" she said and smiled at the girl.
"Walang ano man Regina. Naghihintay na siya sa baba, sabay na tayo." sabi pa nito and she nodded.
"Hatid ka na namin ni Ali." she told her but Narda shook her head.
"wag na Regina, importante na makapagpahinga ka." sabi nito.
"Pero Na-" pinutol naman agad nito yung sasabihin niya at sinamaan siya ng tingin.
"Regina." she can only roll her eyes at the girl, alam niyang concern lang ito sa kanya and she appreciates the girl even more because of that.
"Fine, basta you have to message me when you get home." sabi niya dito na tinanguan naman ni Narda sabay ngiti, the one na halos d na makita yung mga mata nito.
Tumayo na siya after nun at inayos muna ang ibang papers sa mesa niya bago dinala ang iba niyang gamit.
"Let's go Narda." she said after niyang e-off ang ilaw ng opisina niya, the girl following her behind.
It's no secret na gusto niya si Narda, in fact, she loves Narda. She knows it the moment she laid her eyes sa assistant niya 5 months ago. Which is surprising kasi never pa naman siyang nagkagusto sa kahit sino, even the people na nag effort to gain her love, they never ever made her feel the same. Pero kay Narda, instant, ang bilis, as if she's meant to feel all sorts of emotions for the girl. It's as if she's meant to love Narda all her life.
The thing is, hindi niya alam kung ganun din ba ang nararamdaman nito para sa kanya. Narda liking girls does not translate to liking her . Kinakapa niya pa kung kakayanin niya bang mag confess dito or itatago nalang niya ang feelings niya for the sake of the friendship they've built. Dumagdag pa sa iisipin niyang hadlang ang sitwasyon niya ngayon, hindi lang naman kasi simpleng sakit ng ulo ang meron siya, there's something more to it.
"Thanks Narda, I'll see you bukas, let's eat lunch together 'kay?" she said ng nasa labas na sila ng law firm niya.
"Sige Regina, magluluto ako para satin." sabi naman nito sa kanya.
After exchanging sweet smiles like they always do ay sumakay na si Regina sa sasakyan niya habang naglakad naman papunta sa kabilang direksyon si Narda.
I know one day, I'll be able to confess sayo Narda.
"Ali, paki buksan yung radio please."
"Sige Regina." her driver answered at ginawa ang utos niya.
sandali lang nabuhay ang pusong ito,
at ngayon nagdurugo.
Dahil nga ngayon wala na ako doon,
nung ako ay masaya,
nung ako ay masaya..~~
Habang nasa byahe at nakikinig ng kanta ay naalala niya ulit ang panaginip niya. The song feels like it fits the events in her dream.
"Emma?!" natigil sila sa pagyayakapan nila ng kanyang kasintahan ng marinig niya ang boses ng isang lalaki.
"ama." ang sagot niya dito ng magtama na ang kanilang mga mata.
"ano ito?! para saan at nagtatagpo kayo ni Luna sa ganitong oras at lugar?!" galit na saad nito.
"ama, hindi ako maaaring magpakasal kay Jose sapagkat ang taong mahal ko ay si Luna." pag-amin niya dito makalipas ang ilang sandali.
"ano?! hindi maaari!" bakas sa boses ng ama niya ang pagkagulat at galit.
"ama! anong ginagawa mo?!" pasigaw niyang tanong, dumating ang mga taong pinagkakatiwalaan ng kanyang ama at pilit siyang hinahawakan, palayo kay Luna.
Advertisement
Hindi maaari. Hindi maaaring magkalayo sila ni Luna.
"Luna!" tawag niya dito sabay takas mula sa mga kamay ng mga inutusan ng kanyang ama.
"Emma!" hinawakan nito ang mga kamay niya at nagsimula na silang tumakbo.
She's unable to see who Luna is, pero alam niyang kamukha niya ang babaeng nasa panaginip niyang si Emma.
Alam niya din ano ang kasunod ng panaginip na yun.
"patawad ama." ang huling sinabi niya sa ama niya bago sila nagpahulog ni Luna sa isang bangin.
Mga papel na hindi niya alam kung ano ng mga nakasulat ay nilipad ng hangin.
"ikaw pa din ang pipiliin kong mahalin sa susunod na buhay, Luna."
"sa susunod na buhay, tayo pa din Emma. Hahanapin kita." ang sagot nito sa kanya.
Ever since she started having those headaches ay kasabay din ang pagsulpot ng panaginip niyang paulit-ulit nalang.
She does not know what it actually means pero sa tuwing napapanaginipan niya yun, pagkagising na pagkagising niya ay pakiramdam niyang may kulang. She always feels empty.
Pakiramdam niya ay nawalan din siya, she feels like losing someone over and over again na hindi niya naman nakilala ni minsan sa buong buhay niya.
It's really possible na siya yun sa past life niya, but who is Luna? Sino ang taong pinagluluksa niya everytime she wakes up from that nightmare.
Kaya hindi din siya maka amin kay Narda, she thinks it'll be unfair for the girl na may ganitong sitwasyon na nangyayari sa kanya.
Ayaw niyang isipin ni Narda that she only loves her for the comfort she brings in her life. Pero hindi naman kasi talaga ganun eh, she's fallen for the girl even before she started having those dreams. But then, pano naman niya yun sasabihin kay Narda.
She knows na kailangan niyang maging honest dito at ang pag-amin sa mga nangyayari sa kanya ang pinakaunang bagay na dapat niyang gawin bago siya maka amin ng nararamdaman niya.
why does it seem so complicated?
She thinks as she lets herself sleep.
gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya,
pwede bang ibalik pa pag-ibig naming dalawa?
dahil nga ngayon wala na ako doon,
sa piling niya mayroon, pag-asa pa ba?
nung ako ay masaya,
nung ako ay masaya,
nung ako ay masaya..~~
Sana ay nakarating ang liham kong ito sa mismong araw ng iyong kapanganakan. Maligayang kaarawan mahal ko. Humihingi din ako ng iyong kapatawaran sapagkat hindi pa ako nakakabalik mula sa aming paglalakbay ni ama. Ang sabi ni ama ay babalik kami sa ating bayan makalipas ang isa pang linggo, hindi na ako makapaghintay na muli kang masilayan mahal ko. Mahal na mahal kita Emma.
Mga ngiti ang sumilay sa labi ni Emma ng mabasa ang liham ng kanyang kasintahang si Luna.
Ngunit isang katok sa kanyang pintuan ang nakapagpaalis ng saya sa kanyang mga mata at labi.
"pasok." ang saad niya sa taong kumakatok.
"ipinapatawag ka ng iyong ama, senyorita." ang tanging lumabas sa bibig ng isa sa kanilang katiwala.
"susunod ako, salamat." sagot niya dito at isinara na nitong muli ang pinto.
Tumayo si Emma at kinuha ang isang kahon na mula sa ilalim ng kanyang higaan. Binuksan niya ito at inilagay ang liham na binigay ng kanyang kasintahan sa kanya.
Isang ngiti na naman ang makikita mula sa kanyang mga labi.
Ang dami ng mga liham na kanyang natanggap mula sa kanyang nobya ay hindi na mabilang. Simula ng una silang magkakilala ay pinapadalhan na siya nito ng mga liham, bawat isa nito ay naglalaman ng mga damdaming nais nito sabihin sa kanya.
Batid niyang mahirap ang sitwasyon na kasalukuyan nilang hinaharap ng kanyang minamahal ngunit may makakahadlang ba sa tunay na pagmamahal?
"ama, para saan ang pagtawag mo sa akin?" ang siyang naunang tanong nito matapos makababa papunta sa kanyang ama.
"Emma. maligayang kaarawan aking anak." ang pagbati ng kanyang ama sa kanya na ikinagalak niya.
"maraming salamat ama." ang tugon niya dito.
"nais ko palang ipakilala sa iyo si Jose." ang mga salitang sinabi ng kanya ama, batid niyang may kasunod itong hindi niya sasang-ayunan.
"siya ang taong napupusuan kong maging kasama mo hanggang sa inyong pag tanda." at hindi nga siya nagkamali.
"ngunit ama, wala pa sa aking isip ang pakikipag-isang dibdib, lalo na sa isang estranghero." ang pagdadahilan niya dito.
"batid kong yan ang iyong sasabihin aking anak." ang sagot nito sa kanya ay tila may kasunod na namang hindi niya magugustuhan.
"kung kaya't pinayagan ko si Jose na ikaw ay kilalanin ng mabuti dito mismo sa ating tahanan."
Nais niyang sabihing hindi maari sapagkat siya ay may minamahal na. Ngunit paano nga ba ipagsisigawan ang pagmamahalang meron sila ni Luna gayung pareho sila ng kasarian?
Isang pagmamahalang alam nilang hindi matatanggap ng lipunan.
"maari kayong mag-usap upang kilalanin ang isa't-isa, maupo ka na anak." ang saad ng kanya ama.
Ayaw man niya ay kailangan niyang sundin ang kanyang ama.
"alam mo bang ako ay may talento sa pag guhit?" ang sabi ni Jose sa kanya.
Ito na ang pang-pitong araw na binibisita siya nito, kung ano-ano nalamang ang sinasabi nito sa kanya. Mga bagay na wala naman siyang interes.
"nais mo bang iguhit kita?" tanong nito sa kanya.
Hindi siya lumingon bagkus ay nakatingin siya sa malayo, kahit malabo sa kanyang paningin, alam niya kung sino ang taong natatanaw niya mula sa d kalayuan.
"Luna!" malakas na pagtawag niya sa pangngalan nito, tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at hinakbang ang mga paa papalapit sa taong tumatakbo patungo sa kanya.
Niyakap nila ang isa't-isa, batid ng mga puso nila na pareho silang nasasabik sa kanilang muling pagkikita.
"kamusta aking mahal?" ang mga salitang lumabas mula sa mga labi nito.
Kay tagal niyang hinintay na marinig muli ang mala-musikang boses ng kanyang nobya.
"maayos mahal, nasasabik na makita kang muli." ang sagot niya dito.
"ako din mahal, nasasabik din akong makita ka at ngayon nga ay kaharap na kita. Ngunit mahal, sino ang lalakeng iyong kasama?" bakas sa boses ng kanyang kasintahan ang pagtataka.
"si Jose, ang sabi ni ama ay siyang mapapangasawa ko. ngunit ang sabi ko ay hindi ako magpapakasal sa estranghero at wala sa isipan ko ang bagay na iyon. Ngunit pareho din nating alam na sa iyo ko lang nais na maikasal mahal ko." mahabang paliwang niya dito.
"alam ko mahal. maaari ba akong pumasok sa inyo? akin lamang kakamustahin ang iyong mga magulang." pagpapaalam nito.
"samahan mo ako doon mahal ko." ang siyang naging sagot niya dito.
"ama?! anong ibig mong sabihing bukas na ang pakikipag-isang dibdib ko kay Jose?" nag-uumapaw na galit ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito.
"handa na ang lahat Emma, hinintay ko lamang na makabalik na si Luna ng mapanatag ang loob mong ikasal sa iba." ang sabi nito.
"at sa paanong paraan ako mapapanatag ama?" nagtatakang tanong niya dito.
"siya ang matalik mong kaibigan, batid kong nanaisin mong andito siya." ang paliwanag nito sa kanya.
"pero ama, kahit na, ayaw ko pa ding ikasal kay Jose." ang sabi niya dito.
"ang sabi mo ay hindi mo gugustuhing ikasal sa estranghero, araw-araw sa loob ng halos dalawang linggo ay nagpupunta si Jose rito upang makilala niyo ang isa't-isa. hindi na siya estranghero para sa iyo, Emma." ang pagdadahilan naman ng kanyang ama.
"ngunit wala pa nga sa aking isipan ang kasal, ama." ang dipensa naman niya sa mga sinabi nito.
"ama mo ako Emma, masusunod pa din ang desisyon at utos ko. Magpapakasal ka kay Jose bukas na bukas din." pagpupumilit ng kanyang ama bago umalis.
Napaupo siya sa kanyang higaan.
Paano na sila ni Luna?
"magpapakasal ka sa kanya Emma?" rinig niya ang sakit mula sa katanungang binigkas ng kanyang nobya.
"hindi ko nais na pakasalan siya, alam mo iyan."
"ngunit bakit bali-balita sa buong bayan ang kasalan ninyo?" batid niyang lubos itong nasasaktan.
Ang mga mata nitong dati ay puno ng saya sa tuwing nasisilayan siya, ngayon ay puno na ng lungkot.
"ang sabi ni ama ay kailangan kong gawin." ang sagot niya dito.
Nilapitan naman siya ni Luna at hinawakan ang mga kamay.
"mamayang gabi, umalis tayo sa bayang ito mahal ko, magpakalayo-layo tayo." mga salitang binitiwan nito para sa kanya.
Handa siya. Handa siya sa kung ano man ang gustong mangyari nito.
Pareho silang nakatitig sa isa't-isa bago niya binigyan ng kasagutang ang kasintahan.
"saan ang ating magiging tagpuan, mahal ko?" tanong niya dito.
"sa lugar kung saan tayo nagsimula." ang sagot nito sa kanya.
"gawin mong gabay ang ilaw ng buwan, gaya ng mga panahong nagtatagpo tayo, hihintayin kita sa gubat mahal ko." saad nitong muli.
"darating ako mahal." ang sagot niya dito bago nila niyakap ang isa't-isa.
Hinintay ni Emma na sumapit ang tamang oras na magkikita sila ni Luna. Dala-dala ang konting mga kagamitan at ang kahong naglalaman ng mga liham nila sa isa't-isa ay tumakas na siya mula sa kanyang silid.
Pagkarating niya sa kanilang tagpuan ay nakita niyang nakatayo si Luna, ang mga labi niya ay agad na napangiti, napakaganda talagang tignan ng kanyang nobya, lalo na pag nasisinigan ito ng liwanag ng buwan. Para itong bituin sa kanyang paningin. Nagniningning ito at kumikinang, ang pagkakaiba lamang ay nahahawakan niya ito at nahahagkan. Ito ay bituing nakalaan para sa kanya lamang.
"mahal ko." ang mga salitang binigkas niya para malaman nitong dumating na siya.
"mahal." isang yakap ang iginawad ng kanyang nobya sa kanya.
Sandali pa silang nakatayo at pinapakiramdaman ang yakap ng isa't-isa.
Parang noon ay magkaibigan lamang sila, mga batang nais lang mag-usap at maglaro ng magkasama. Sa paglipas ng panahon ay umusbong ang mga hindi maipaliwanag na damdamin. Hanggang sa siya na mismo ang nagbukas ng kanyang saloobin.
Simula noon ay mas tumindi pa ang pagkakaibigang mayroon sila. Pagkakaibigang sa mata ng iba ay normal ngunit sa mga puso nila alam nilang kakaiba.
"Emma?!" natigil sila sa kanilang pagyayakapan ng marinig niya ang boses ng kanyang ama.
"ama." ang sagot niya dito ng magtama na ang kanilang mga mata.
"ano ito?! para saan at nagtatagpo kayo ni Luna sa ganitong oras at lugar?!" galit na saad nito.
Panahon na siguro upang aminin sa kanyang ama ang lahat.
"ama, hindi ako maaaring magpakasal kay Jose sapagkat ang taong mahal ko ay si Luna." pag-amin niya dito.
"ano?! hindi maaari!" bakas sa boses ng ama niya ang pagkagulat at galit.
"ama! anong ginagawa mo?!" pasigaw niyang tanong, dumating ang mga taong pinagkakatiwalaan ng kanyang ama at pilit siyang hinahawakan, palayo kay Luna.
Hindi maaari. Hindi sila maaaring magkalayo.
"Luna!" tawag niya dito sabay takas mula sa mga kamay ng nga inutusan ng kanyang ama.
"Emma!" hinawakan nito ang mga kamay niya at nagsimula na silang tumakbo.
Saan sila patungo? hindi niya din wari.
"Luna! ibalik mo sa akin ang aking anak!" naririnig niya pa din ang boses ng galit niyang ama.
Malayo na ang kanilang itinakbo, nahihirapan pa siya dahil sa mga bagay na dala-dala niya.
Advertisement
The Pursuit of Power: Grinding To LVL 100 By Just Killing Slimes
“I need immutable power. This world isn’t as forgiving as the last one. I won’t stop until… I’m unmatchable.” The story of a man who grinded to LV100 by killing just slimes to gain 1xp. Maki Hibiki was a normal Japanese wage slave at an average, working long hours every day, doing unpaid overtime and appeasing everyone around him. He kept telling himself it’d be worth it in the future. That he’d save money and be free of this lifestyle where he lived to work. “Death by Overworking.” It had been all for nothing. He stared down at his own dead body filled with rage and regret. “Congratulations! You have won a prize! Would you like another life?” He stared at what looked like a robot offer him another chance. One more time. He would throw everything into the black pit of repetition one more time and then be free of it forever. He would earn his power. He would win his freedom. It would be his and his alone.
8 213World Breaker
Imagine the most handsome man in the world. Now imagine a partner worthy of him. What are the chances that such a couple exists in this world? Almost nil. But in World of Lorecraft, anything is possible. Be anyone, do anything. After a long day of work, Hupo descends into World of Lorecraft to join his assistant, an artificial intelligence, in a virtual world of endless adventure. However, space distorts and they are sucked into a mysterious land, where fantasy becomes reality. Stranded in a new world filled with cunning demons and ravenous werewolves, Hupo is no longer playing a game - he's fighting for survival. No longer tied down by his previous life, he takes the opportunity to turn his hobby into a career - he opens a restaurant. With the help of his beautiful assistant and armed with skills and knowledge he acquired from his old world, he charges courageously into this new one. Now available on Amazon.
8 171Adventures of Lord Genesis
The heavens celebrated the birth of Zhen Han, and so did the mortals and immortals. Everyone knew he was destined for greatness, but in a way they never imagined! Zhen Han: "My mother once told me that a man should have grand aspirations. She told me to strive for the best in whatever I do. To honor her words I became the strongest and richest cultivator in the world. To fulfill her dream of reaching greatness, I strive to achieve the biggest harem in the universe all so that she can have the best daughters-in-law in the universe. She wanted me to become the best in everything I strive for... so I became the most shameless scoundrel in the entire realm!" Zhen Han's mother fainted out of shock!
8 98The PictoStory Short Stories
A bunch of short stories from the daily Scribble PictoStory contests. I'll try to provide the picture when I can. Enjoy! Scribble Group
8 125Reactions to DR Ships
I decided to join the bandwagon and to my own one. I have no life. cri. SPOILERS FOR V3
8 176Forbidden (Benny X reader)
Y/n loves baseball. She wants to join the sandlot team but they won't let her because of her brother. Jordan Philips. One of the players, Benny Rodriguez, convince the others to let her join. Her brother has no idea she plays for them, he also has no idea what is happening between y/n and Benny.
8 163