《DarLentina One Shots (NarGina)》Bloodmoon: Sunset (The last part)

Advertisement

Songs to listen to while reading:

1) Bad Kind of Butterflies - Camila Cabello

2) My Person - Spencer Crandall

3) Still Fallin' - Hunter Hayes

4) Your Universe - Rico Blanco

Narda's POV

Habang nagmamaneho ako, d ko maiwasang isipin ang action na ginawa ni Regina kanina. She kissed me in my forehead. One na hindi naman niya ginagawa dati. And honestly, that action alone made me feel things more. Things I shouldn't feel, coz I have Brian.

I don't tolerate cheating, in words, in actions and even in thoughts. But I have been doing it since last year.

Yes, I have feelings for Regina, sa best friend ko. Hindi naman issue sa'kin kung magkagusto ako sa babae, malaya naman tayong magmahal ng taong gusto nating mahalin..kaya lang, may Brian ako, si Brian na papakasalan ko in 6 months time.

"Narda, are you okay?" pagpabalik niya sa'kin sa reyalidad.

"hmm, oo naman." I said, side glancing at her sabay ngumiti.

"don't space out, don't look at me when you're driving." seryoso niyang sabi sakin na ginawa ko naman agad.

That. Lagi niyang sinasabi sa'kin 'yan pag magkasama kami, at kahit na hindi siya ang kasama ko, basta pag alam niyang ako ang nagmamaneho, nagiging strict siya.

And I guess that's because of that accident we had years ago. The accident that made me lose my memories. The accident that made her change, according to our friends, that is.

Dati daw kasing masayahin si Regina, dating clingy sa'kin, even 'yung matcha, kaming dalawa daw ang mahilig du'n at nakikipagtalo pa daw kami sa mga kaibigan namin, defending matcha as if it's our child.

Wala akong maalala kung pa'no kami noon ni Regina, pero sa totoo lang..pakiramdam ko may kulang pag hindi ko siya kasama. Whenever she makes this small gestures of just hugging me, nawawala 'yung emptiness na nararamdaman ko. Whenever she talks to me or hold my hand, pakiramdam ko gumagaan agad ang loob ko. She makes me feel things na sa totoo lang, hindi naiparamdam sa'kin ni Brian.

He is gentle with me, he's sweet, he comforts me, he's always been so good sa'kin..and I think that's the reason why I thought mahal ko din siya. No, scratch that..it's actually the reason why I thought I love him too. Para kasing ang tanga ko kung hindi ko man lang siya magustuhan when he's been treating me so good.

So yes, I love Brian but I don't love him the way I realize na mahal ko pala si Regina. My love for Brian is like me thanking him and trying my best na masuklian ang binibigay niya sa'king pagmamahal.

Hindi deserve ni Brian ang ganitong pagmamahal at mas lalong hindi niya deserve ang ginagawa ko ngayong pagche cheat sa kanya by actually loving someone else. Which is why sinubukan kong itama, which is why I agreed to marry him.

Pero hindi eh, mas pinalala ko pa ang sitwasyon. Kasi everytime I am with him, si Regina ang nasa isip ko. Everytime hawak niya ang kamay ko, si Regina ang naaalala ko and weirdly enough, everytime he kisses me, I feel Regina's lips on mine..when I've never ever kissed her.

Binabaliw ako nitong nararamdaman ko para kay Regina at kahit na gustuhin kong iwasan siya, hindi ko pa din magawa. Not being with her feels like missing a part of me.

Naguguluhan na ako, gusto kong hindi na ituloy ang kasal with Brian pero alam kong masasaktan ko siya, pero sinasaktan ko na siya ngayon ng hindi niya alam.

"you're spacing out again Narda.." sabi niya ulit when I parked the car sa destination namin.

Advertisement

"I'm seriously in wonders pa'no tayo nakarating dito ng buhay. What's bothering you? 'yung totoo?" she asked me, her voice hinting that she's both worried and annoyed.

I sighed at tinignan siya, "gutom lang siguro ako." I lied and she looked at me for a while, her eyes feels like it's staring straight into my soul in all honesty.

"just so you know, you are not a good liar Narda..pero sige, kung ano man ang bumabagabag sa'yo, I hope you know na you can tell me..pag ready ka na." she said with a soft smile on her face.

Sino bang tanga ang hindi mahuhulog dito? Not me. I've fallen for her already.

Dinner date. Here I am once again, kasama ko si Brian pero ibang tao ang nasa utak ko.

"bakit daw nag cancel 'yung magsusukat ng susuotin niyo ni Regina sa kasal natin, babe?" tanong niya sa'kin habang hinihiwa niya 'yung steak niya.

"when Regina and I arrived there, kailangan na nilang umalis..may emergency daw eh." sagot ko naman at uminom ng wine.

Tumango lang si Brian as we continued eating in silence. It's not the awkward type of silence, kumportable naman kasi talagang kasama si Brian kahit dati pa.

Which is again, one of the reasons why I thought I love him.

Huminto kami ni Brian sa isang park, this is actually where he proposed to me, dito din kasi mostly 'yung memories namin. We usuall go picnic here eh. Kaya lang this time, hindi ako ready, naka heels pa ako.

"saglit lang, may kukunin lang ako." he said at naunang bumaba sa kotse niya.

Binuksan niya 'yung pinto sa likod and I saw him took out something from there..sinara na din niya 'yun at pinagbuksan ako ng pinto. He smiled at me as he waved his sneakers.

"nagdala ako, para d ka mahirapan maglakad.." sabi niya that made me smile. He really is thoughtful.

Sinuot niya sa'kin 'yung sneakers as I watch him.

How do I tell him the truth?

"let's go babe." he said at inalalayan pa akong bumaba.

I smiled as we started walking hand in hand.

Ito 'yung mga pagkakataong hinihiling kong sana mahal ko nalang talaga siya. Mga pagkakataong hinihiling kong my feelings for him is genuine and not out of gratitude.

Kasi deserve niya 'yung ga'nong pagmamahal. The one that's real.

"upo tayo du'n babe." he said at bumitaw sa pagkakahawak sa'kin.

He took out his handkerchief at pinunasan 'yung bench. Hinubad niya din ang jacket niya at pinaupo ako pagkatapos ay binigay niya sa'kin.

"para d ka ginawin, naka dress ka pa naman." he said and I smiled, thanking him.

Umupo siya sa tabi ko and we sat there, not saying anything.

"alam mo ba 'yung blood moon, babe?" he asked and I nodded as I looked at him..he looked back at me and smiled.

"I do not mean to be rude babe ha? pero nung gabing huling nagka blood moon, that was the the same night I met you..as my patient, that is." he said.

I listened to his words and watched his every move, nakatingin na siya sa kalangitan ngayon, so I did the same.

"alam mo ba anong sini-symbolize nung blood moon?" he asked and I answered with a no.

"blood moon symbolizes things such as exploration, destruction, and rebirth.." he said at kita ko sa peripheral vision kong nakatingin na siya sa'kin kaya tinignan ko na din siya ulit.

"we explored life together after you woke up babe, we fell in love..but then destruction came in a form of...some things.." he sounded so serious the more he speaks.

Advertisement

Alam ba niya?

"or someone."

God. Alam ba ni Brian?

He smiled at me as he held my hand, nakangiti niyang pinagsaklob 'yung kamay namin and my heart started beating faster than normal.

This is me being nervous in all honesty.

"but then, it really wasn't a destruction...." he started at tumingin ulit sa'kin, "I was the destruction in between you and someone else, babe."

Huh? What is he saying?

"the night you and Regina got into an accident, I was there babe." he said.

Naguguluhan ko siyang tinignan sa mata, "what do you mean?"

"I was at the wrong place at the right time.. nakasunod ako sa truck na dahilan why you both got into that accident. I was the one who called for an ambulance. I was the first one who came to rescue you and Regina." he explained.

Nanginginig ang kamay ko as he held it tightly, giving me some sort of comfort and ground.

"hindi niya siguro naalala, or maybe she did pero wala lang siyang sinabi..." he added, ramdam kong may kasunod pa ang sasabihin niya, "but she begged for me to save you first, to save the love of her life.." ramdam kong umiiyak na ako.

Just what on earth is this revelation?! Ako? Love of her life ni Regina?

"so I did, inuna kita..nung lumapit ako sa'yo, you kept on calling her. paulit-ulit mong sinabing mahal mo siya."

Bakit wala akong maalala?!

"nung inobserbahan ko kayong dalawa, the moment she woke up, ikaw agad ang hinanap niya..and I saw the pain in her eyes when she saw you." pinakinggan ko lang lahat ng sinasabi ni Brian.

"and when you woke up, I saw how happy she was..pero nawala agad nung nalaman niyang wala kang maalala." this time, Brian lets go of my hands as he wipes my tears.

"akala ko ipapaalala niya sa'yo ang kung ano man ang meron kayo..pero hindi. and I started liking you nung mas nakilala kita..and despite me knowing the truth, hindi ko kinausap si Regina and instead I confessed to you." he said, smiling sadly at me habang umiiyak na din.

"sabi ko sa sarili ko, aalagaan kita..mamahalin kita ng sobra-sobra..." he chuckled as he said that, "ang tagal na pero ramdam ko pa ding mahal ka pa din ni Regina, babe." he lets go of me as he said those words.

"ramdam ko ding kahit hindi mo naaalala ang kung ano mang meron kayo, I know your heart recognizes her. I can feel na mahal mo siya. I am sorry for ruining what you both had." kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Brian.

"kaya ngayon, rebirth.. a new chance of life. gusto kong ibigay 'yun sa inyo." he said.

"a-anong i-ibig mong sabihin?"

Pino-proseso ko lahat nung sinabi ni Brian at puro iyak lang ang ginagawa ko.

"I am letting you go, Narda." mas lalo akong umiyak when he said those words.

"gusto kong maging masaya kayo."

Isang linggo na akong hindi lumalabas ng condo ko. Isang linggo na simula nung huli kong nakausap si Regina at Brian ng personal.

Wala pa din akong maalala tungkol sa kung ano ang meron kami ni Regina noon pero may nahanap akong diary sa bodega. Nakalagay 'yun sa isang box, kasama ang mga larawang magkasama kami ni Regina. May mga sulat din na nandun.

Mas lalo akong umiyak the moment na umuwi ako kina mama nung gabing nagkausap kami ni Brian. Nakausap ko kasi si mama at nalaman kong alam niya din pala ang totoo.

Flashback

"o, Narda anak..bakit ka umiiyak?" tanong nito sa'kin ng makapasok na ako sa bahay niya.

"anak? nag-away ba kayo ni Brian? kaya ka ba umiiyak?" nakasunod sakin na tanong ni mama.

Huminto ako sa paghahanap at huminga ng malalim bago ko siya tinignan.

"asan po?" tanong ko at lumapit sa kanya.

"nasa bodega anak." sabi niya kaya dumeretso ako du'n.

Magulo at maalikabok ang bodega pero wala akong pakialam, kailangan kong hanapin 'yung diary.

Hindi ako sigurado kung may sinulat ako tungkol kay Regina, pero nagbabakasakali ako.

Pero nakita ko sa peripheral vision kong may tinago si mama.

Bakit?

"ma, ano 'yang tinatago mo?" tanong ko sa kanya at huminto sa paghahanap ko.

"ha? w-wala anak..hanapin mo lang jan 'yung diary, baka anjan lang." sabi niya sa'kin.

"alam kong may tinatago ka ma, please, ibigay mo sa'kin." sabi ko at kitang-kita ko ang pagtulo ng luha ni mama.

"Narda, anak..please, 'wag mo ng alalahanin pa ang sa inyo ni Regina." sabi niya kaya napailing ako.

"ma? alam mo din?!" hindi ko na mapigilang mapasigaw.

Pakiramdam ko ay pinaglihiman ako ng lahat. Even Regina.

"oo! alam ko!!!" sigaw din sa'kin ni mama.

"nabasa ko ang diary mo isang linggo matapos kayong ma-aksidente. nakita ko lahat ng pictures niyong magkasama at masaya..nabasa kong iiwan mo kami para sa kanya!" she said at naguluhan ako.

Pinilit kong kunin ang hawak ni mama na box at naagaw ko ito sa kanya. There were pictures and letters scattered sa sahig at pinulot ko 'yun isa-isa, while crying. Nilagay ko ulit 'yun sa box at kinuha ang diary ko.

Binasa ko ang huling entry na sinulat ko at mas lalo pang naiyak.

Dear Diary,

Second anniversary namin ngayon ni Regina. And I am planning to come out sa family ko about my relationship with her. Hindi niya deserve ang laging tinatago na para bang kinakahiya ko ang meron kami. Regina's the love of my life at ayukong mawala siya dahil lang sa takot ko at sa pagiging duwag ko. I'll surprise her later sa dinner with the family. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Regina pag nalaman niyang finally..finally handa na akong jpagsigawan sa lahat na mahal ko siya?

My family...umaasa akong matatanggap ako ng pamilya ko. But I feel like they won't. Sa tingin ko hindi nila matatanggap na ganito ako. A disappointment, ganyan ako para sa kanila pag nagkataon. Masyadong sarado ang utak ng pamilya ko sa ganitong pagmamahal. Kaya kung hindi nila kami matanggap ni Regina, pipiliin kong umalis makasama ko lang ang babaeng mahal na mahal ko.

Siguro hindi naman masamang piliin ko din ang sarili ko ngayon diba? Hindi naman siguro masamang sundin ko ang puso ko at hayaang maging malaya ang sarili ko sa kung ano talaga ako. Ayuko na maging alipin ng sarili kong pamilya for the sake of feeling the love and acceptance mula sa kanila. Ayuko na. Pipiliin ko na maging masaya kasama si Regina.

"ma." tawag ko sa mama ko matapos kong basahin ang nasa diary.

"pasensya na anak.. alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko matanggap eh. hindi ko matanggap na babae ang gusto mo." napailing ako.

"inutusan mo ba si Regina na 'wag ipaalam sa'kin ang totoo ma?" tanong ko at mabilis na umiling si mama.

I wondered kung bakit hindi agad pinaalam ni Brian sa lahat ng kakilala namin ang tungkol sa kasal sana namin. Pero ang sabi niya lang sa'kin dati, he does not want to jinx it too much..na pag handa na ang invitation letters ay tsaka namin ipapaalam sa lahat.

Pero 'yun pala. The reason is that, he's testing the waters. Sa huling pag-uusap namin, he told me na umasa siya na baka mahalin ko siya more than I love Regina. But then hindi daw eh. That's why when we broke up that night, natawa siya at proud pa niyang sinabi sa'kin na hindi kami gumastos ng sobra. He also admitted na siya ang tumawag sa mga magsusukat sana ng gown namin ni Regina na hindi na namin itutuloy. Nahampas ko si Brian kasi nagmukha tuloy na iniwan ako ng groom to be ko pero we both know na ako ang nang-iwan sa aming dalawa. Pero ang alam ng mga kaibigan namin ay dahil sa isang mutual decision...though it wasn't a lie pero hindi din 'yun ang totoo.

It was both mutual at hindi. Kung hindi niya inamin sa'kin ang totoo, sa tingin ko maduduwag akong aminin sa kanya na mahal ko si Regina. Kung hindi niya inamin sa'kin ang lahat, hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal.

Brian's always been good to me at hanggang ngayon, hindi nagbago.

We keep in touch through chat messages. And speaking of messages.

Brian:

Regina the moment she sees me. She thinks I cheated on you kaya na call off ang kasal sana natin. HELP.

Natawa ako sa nabasa kong message ni Brian.

I still cannot remember anything but with the diary na nakuha ko. I read a lot of things. Kung paanong nagsimula akong mahulog kay Regina. How I tried to avoid her na naging rason na umamin kami sa isa't-isa. How we got together. Yung mga panahon kung kailan sobrang saya ko kasama si Regina, mga pinagsamahan namin. How frustrated I was dahil sa kaduwagan ko. Until sa huling sinulat ko where I planned to be free with her.

Kaya siguro sa kahit anong gawin ko, si Regina ang nasa isip ko. Kasi my heart remembers what my mind can't.

Pero kung hindi siya inutusan ni mama, anong dahilan niya bakit d niya sinabi sa'kin ang totoo?

I'm so mad at Brian right now. Actually, for days already. Hindi niya sinasagot ang tanong ko kung bakit hindi matutuloy ang supposed to be kasal nila ni Narda.

Lahat ng messages ko, seen. Isang linggo na din siyang hindi nagpapakita dito, when I asked sa hospital, they said na out of town ito for work. If only he's in town edi sana nasuntok ko na siya. I swear, if he cheated kay Narda, I will not hesitate to kill him.

"ang lalim ng iniisip natin insan ah? si Narda ba 'yan?" my cousin, Ali suddenly said as I rolled my eyes at him.

He just got back galing ibang bansa, he's gone for almost 6 years para e take over ang family business nila.

"just how on earth do you speak fluent tagalog while I'm here mixing two languages?!" I asked annoyed.

He laughed at me bago sumagot, "number one rule nila mama na 'wag kalimutan ang own language, you know that..sadyang ganyan ka lang talaga magsalita." he said and I rolled my eyes once again.

"whatever." sabi ko at tinignan ulit ang phone ko, maybe Narda replied na.

She actually chats me naman, but not the usual chat. She seems cold when talking to me and hindi ako sanay. Whenever I ask her anong problema, sagot niya lang wala but for real, her short replies says otherwise. Kaya sa tingin ko dahil talaga kay Brian 'yun and their supposed to be wedding na hindi matutuloy.

"si Narda nga talaga 'yan insan noh." Ali said at tinapik ako sa balikat.

"alam mo, hindi naman sa pagiging bad influence na pinsan ha? pero baka blessing in disguise na 'yung nangyari.." he says, "baka sign na ni universe at tadhana 'yan para subukan mong ipaalala lahat kay Narda..subukan kung pwede pa." he finished.

    people are reading<DarLentina One Shots (NarGina)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click