《TULANG MAHARLIKA》ANO, BAKIT, SAAN, KAILAN, AT PAANO?

Advertisement

...

Anong paraan pa ba ang mayroon giliw?

Upang kahibangan ko ay tuluyan nang matigil

Wala ka namang balak na ako'y mahalin pabalik dahil kaibigan mo lang akong matalik

Ngunit, ang sarili ko'y sa iyo pa rin isinisiksik

Bakit ba ang hirap hirap mong mong lapitan?

Mistulang distansya ng araw at buwan ang siyang pagitan,

Bakit kahit ilan buwan na ang nagdaan,

Sa puso ko ikaw pa rin ang nilalaman?

Saan aabot ang aking paghihintay nang matagal,

Kung sa bawat pagpapagal,

Lalo lang pala kitang minamahal,

Ilang beses mo man sabihing bawal

Kailan kaya ako pipiliing manatili?

Nasanay na ata akong laging pinipiling bitawan,

Hindi tuloy maiwasang may maglarong tanong sa aking isipan,

Mayroon kayang magandang patutunguhan ang aking nararamdaman o sadyang ipinanganak ako upang magparaya lamang

Paano magagawang dinggin ang aking pagsamo,

Kung ang atensyon at puso mo ay nasa ibang tao?

Posible pa kaya na maging tayo?

O habang buhay na lang itong pangarap ko?

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      To Be Continued...
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click