《TULANG MAHARLIKA》2022

Advertisement

...

Kay bilis ng panahon,

Magpapalit na naman ng taon,

Marami ang naka-abang na resolusyon,

Ngunit, ilan nga ba sa mga ito ang nabigyang tuon?

Samu't sari ang mga istorya

Kung kaya't mahirap humusga

May ilang naging masaya sa naunang bahagi ng taon ngunit, sa kalagitnaan ay nabalot na ng kalungkutan

Habang ang iba nama'y kung kailan magpapalit na ng taon ay, tsaka palang unti-unting nadadama ang kaligayahang kay tagal kinasabikan

Gayunpaman, ang mga nagdaang buwan ay masayang muling sariwain,

May mga alaalang tumatak sa ating isipan at damdamin habang mayroon namang alaalang nais ng limutin,

May mga panahong tayo'y puno ng kagalakan

At may mga panahong tayo'y lugmok sa kapighatian

May mga araw na tayo'y sukong-suko na,

Ngunit, patuloy kinakaya at muling umaasa,

Nabalian man ng pakpak nang biglaang sumayad sa lupa,

Subalit, patuloy pa rin sa paglalakbay gamit ang mga paa

Ito ang reyalidad ng mundo,

Kung saan walang perpektong kwento,

Lahat may kabanata ng pagkabigo

Muling mapagdadaanan ang hirap at makakaranas na masaktan subalit, ang mahalaga ay muling makayanang tumahan

Sapagkat, anuman ang kahinatnan,

Palaging may aral na matututunan,

Hindi man laging masaya pero, hindi rin habang buhay na luluha,

Ang mahalaga'y laging madama - ang diwa ng panibagong pag-asa

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click