《TULANG MAHARLIKA》PAG-AGOS AT PAG-ALON

Advertisement

...

Hindi pala biro ang lumusong sa karagatang malalim kasabay ng malalaking alon na kay bilis maka-alpas,

Nakakalunod at nakakapagod ang ginawa kong pagsugal,

Ngunit hindi man ako ang mauna,

Akin rin itong makakaya

Patuloy akong maninindigan,

Para sa pangarap kong ipinaglalaban,

Marami na akong napagdaanan,

Kung kaya't hinding hindi ko na ito uurungan

Usad ko man ay singbagal ng pawikan,

Subalit singlaki naman ng balyena ang aking pag-asa,

Bakit ba makikipagsabayan?

Kung may tamang panahon naman, na sa akin ay nakalaan

Hindi kailangang sumabay sa agos,

O 'di kaya ay magpadalos dalos,

Maaari namang kumilos,

Nang mahinahon at walang galos

Ang pagkatalo ay simula pa lang ng pagkatuto,

At ang pagka-panalo ay simula ng pagbabago,

Kaya't hindi ako susuko,

Dahil malapit na ang dulo at alam kong Kinaya ko, Kaya ko, at Makakaya ko

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click