《TULANG MAHARLIKA》ANG BUHAY AY PARANG PAGLULUTO

Advertisement

...

Paiba iba ang timpla,

Depende sa sitwasyon,

Kapag may kulang ay matabang,

Kapag may labis ay sobra

Matamis kung kinikilig,

Mapait kung may hinanakit,

Maalat kung sa tamis ay salat,

Maanghang kung sa galit ay nagbabaga,

Mapakla kung hindi pa handa,

Maasim kung sa sakit ay nangingiwi

Ngunit ano pa man ang maging lasa,

Ang mahalaga ay hindi sobra,

Dahil mahirap nang remedyohan,

Kapag lasa ay 'di na maintindihan

Sana'y laging ugaliing mamuhay ng may galak,

Gaya sa pagluluto na kahit simple lang ay masarap,

Minsan ma'y umiiyak,

Ngunit hindi nawawala ang halakhak

Bawat oras ay hindi sinasayang,

Bawat pagkakataon ay ninanamnam,

Palaging hinahaluan ng pagmamahal,

Palaging pinanabikan ang susunod na araw

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click