《TULANG MAHARLIKA》HINDI PA NGAYON

Advertisement

...

Matamlay na mata ay nakadungaw sa bintana

Kay bigat nang nadarama, ngunit 'di magawang lumuha

Mga nagdaang araw ay masyadong nakakapanghina

Sa sobrang pag-aasam ay nadismaya

Nagtatanong sa mga tala,

"Mayroon pa bang pag-asa?"

Pagkapikit ng mga mata,

Tsaka lang dumampi ang mainit na luha sa mukha

Sa wakas ay nailabas rin ng malihim kong damdamin

Ang sakit na matagal na nitong kinikimkim

Dahan-dahang iniangat ang mukha upang tignan sa salamin ang sarili

Nagtatanong kung, "Kailan kaya ako makakangiti na walang tinatagong pighati sa labi?"

Kasing dami ng bituin ang mga katanungan sa isipan

Subalit ang pag-asa ay kasing liwanag ng nagniningning na buwan

Maaaring hindi pa ito ang pagkakataon

Upang makamit ang mga pangarap at ambisyong inipon

Darating rin ang tamang panahon para sa lahat ng iyon

Hindi pa lang talaga ngayon

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click