《TULANG MAHARLIKA》LAPIS

Advertisement

...

Minsan mo na bang napansin ang pagkakatulad ng buhay sa lapis?

Sa bawat hinagpis, ang dulo'y numinipis,

Sa bawat pagkilos ay napapagod,

Habang ang lapis naman tuwing ginagamit ay napupudpod

Kapag napupudpod ay tinatasahan,

Hanggat pwede pa ay patuloy pa rin ilalaban,

Gaya sa atin, habang may hininga,

Mayroon pang pag-asa

Madalas gamiting pansamantala,

Hindi pangmatagalan tulad ng tinta,

Subalit, sa buhay ay walang pang bura pang alis,

Sa mga bahid ng mintis

May mga markang maiiwan palagi,

Pinagsamang bakas ng saya at lumbay,

Ang tanging magagawa lamang ay huwag kang mawili sa pagkakamali,

Muling magsimula sa pagkatuto,

Huwag hihinto, hanggat wala ka pa sa dulo

Sa dulo'y mapagtatanto mo kung gaano kaganda ang iyong nalikha,

Ikaw ang siyang maestra sa sarili mong obra,

Ito ay sa pamamagitan mo at ng iyong kamay,

Na hindi sumuko kahit nangangalay sa paglakbay

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click