《TULANG MAHARLIKA》PAGTANGGAP

Advertisement

...

Kay rami ng mga taong nakapaligid,

Ngunit kahit saan ibaling ang tingin,

Parang wala ka rin namang kapiling,

Sa atensyon at pagmamahal ay nananatiling sabik

Ilang beses man na sugat ay pagtakpan,

Subalit sakit na nararamdaman ay hindi magawang ikubli

Saksi ang unan gabi gabi sa aking paghikbi,

Kahit na sa pagtawa'y mayroong luhang 'di kayang pigilan,

Ngunit sa paglipas ng panahon,

Unti unting mga sugat ko'y naghilom,

Dahan-dahang nakatayong muli at bumangon,

Dahil ang inaasam kong pagmamahal ay sa sarili ko itinuon

Sa pamamagitan ng pagtanggap,

Natutunan kong lumigaya ng walang halong pagpapanggap,

Sa paghahagilap ng tunay na pagmamahal ako'y labis na nagpakahirap,

Sa sarili ko lamang pala ito mahahanap

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click