《TULANG MAHARLIKA》PATAWAD

Advertisement

Patawad kung nagbitaw ako ng mga salitang,

Hindi ko pala kayang panagutan,

Gaya ng salitang, Ikaw Lang,

Kahit ang totoo'y kayang kaya kitang bitawan

Gaano ko man kagustong ika'y paniwalain,

Ngunit mayroon pa ba itong katotohanan sa'yo?

Kung minsan na ako'ng sa iyo'y nagsinungaling,

At ang mga pangako ko'y napako

Patawad kung inakala kong kahit kailan ay hindi ka sa akin magiging kulang,

Ngunit sa bigla kong paggising ay kay rami ng aking naging panghihinayang,

Patawad kung sinabi kong mananatili ako sa iyong tabi hanggang dulo,

Subalit sa simula pa lang ng pagsubok sa ating pagsasama ay ako mismo ang unang tumakbo palayo sa'yo

Patawad kung sinabi kong Mahal Kita higit sa sarili ko,

Patawad kung sa bawat ipinangako ko,

Unti unti kong natutunan ang mga aral na itinuro ng puso't isip ko,

Na dapat ko munang tuparin ang lahat ng iyon sa sarili ko

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click