《TULANG MAHARLIKA》MALAY NATIN?

Advertisement

...

Bakit kahit na saang anggulo ako tumingin,

Siya lang ang iyong pinapansin?

Isa lang ba ako sa iyong hangin?

Na kahit lagi akong nandiyan para sa'yo ay 'di mo ramdam ang aking pagtingin?

Alam kong kahit ano'ng aking gawin,

Hindi kita maaangkin,

Pero hindi mo ba kayang pagbigyan ang aking hiling?

Na hayaan mong ika'y aking mahalin?

'Pagkat batid kong darating din ang araw,

Na palagi kong sinasambit sa mga bituin,

Ang araw na masasabi kong hindi na ikaw,

Dahil hindi ko naman nais na habang buhay kang pilitin

Ano'ng malay natin na baka sa iyong paggising,

Ako naman ang iyong nanaisin,

Subalit hindi na ikaw ang aking pipiliin,

Dahil natagpuan ko na ang tunay na para sa akin

Kaya't huwag kang mainip,

Maghintay ka sa halip,

Dahil baka sa iyong panaginip,

Doon mo na lang ako mahahagip

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click