《TULANG MAHARLIKA》KAWAY

Advertisement

...

Nagsimula sa simpleng pagkaway,

Hanggang sa tuwing magsasalubong sa daa'y,

Hinahawakan mo ang aking kamay,

Sa ganoong paraan mo'y napawi ang aking lumbay

Sa tuwing ako'y iyong tatawagin,

Sa tuwing ako'y iyong papansinin,

Hindi ko maiwasang hindi kiligin,

Paano ba namang hindi ako matutunaw sa iyong matamis na ngiti at sa maamo mong pagtingin?

Ngunit sa mga araw na lumipas,

Sa tuwing magtatagpo ang ating landas

Ikaw ay umiiwas,

Para bang puso ko'y nagagasgas

Dito na ba ang hangganan ng ating ugnayan?

Masama bang minahal kita ng higit pa sa pagkakaibigan?

Umaasa akong baka pwede pa natin itong pag-usapan,

Ngunit ang muli mong pagkaway sa aki'y nangangahulugan na pala ng iyong paglisan

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click