《TULANG MAHARLIKA》MAHAL KO ANG PAGSULAT

Advertisement

...

Hilig ko ang magsulat,

Hindi para sumikat,

Kundi para mawala ang bigat,

Ng kalooban kong sa pang-unawa'y salat

Pagsulat ang naging aking karamay,

Ito ay nagmistulang isang kamay,

Na humahaplos sa aking buhay,

At pumapawi sa aking lumbay

Papel at pluma ang bumubuo,

Sa nadurog kong puso,

Unti-unti nitong pinulot ang bawat piraso,

Dahan-dahang bumalik ang kulay ng nabulag kong mundo

Mga bagay na hindi kayang gawin

Ng mga taong nakapaligid sa akin,

Sila nga ay aking kapiling,

Subalit hindi ako kayang intindihin,

Kaya't ang pagsulat ay hindi ko lamang basta isang libangan,

Ito na ang pinagkukunan ko ng kaligayahan,

Pinunan nito ang bawat bahagi kong may kulang,

Mahal ko ang pagsulat at labis ko itong pinahahalagahan

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click