《TULANG MAHARLIKA》KAHIT AYAW MO NA

Advertisement

...

May mga bagay tayong sinukuan,

Pero paulit ulit na sa alaala'y binabalikan,

Dahil ang totoo'y hindi natin ito pinagsawaan,

At kahit kailan ay hindi natin kinalimutan

Sarili'y masyado lang nilibang,

Para ito ay mawaglit sa isipan,

Ngunit 'di rin maiiwasan

Patuloy pa rin na nanghihinayang

Sapagkat masyado lang tayong napagod,

Kaya hindi na ito nagawang ituloy,

Ngayo'y lagi tayong nakakulong,

Sa tanong na 'paano kung'?

Ang mga bagay na ito'y hindi basta wala lang,

Lubha itong nagbigay sa atin ng kasiyahang hindi mapapantayan,

Mga bagay na kahit ayaw mo na,

Subalit hanggang ngayo'y nananatiling gusto mo pa, dahil mahal mo na

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click