《TULANG MAHARLIKA》IKAW ANG AKING TULA

Advertisement

...

Ang mahalin ka ay parang paglikha ng tula

Hindi madaling hanapin ang ating mga tugma

Ngunit ikaw ay tulang malaya

Malaya ang puso mong piliin Kung Sino ang kaniyang magiging paksa

Samantalang ako ang tulang laging sinisipat

Kung tama ang bawat sukat,

Ng mga salitang aking nilalapat,

At kung sa'yo ba'y ako'y karapat-dapat

Maaari pa rin ba kitang maging paksa?

Kung naging paksa ka na ng iba?

Matatawag ba itong panggagaya?

Kung sa'yo ko rin nais lumigaya?

Ikaw ang aking tula,

Na lagi kong hinihiling sa mga tala,

Ikaw ang paborito kong akda,

Kabisadong kabisado kita saan man ako tumungo at kahit sa pagpikit ng aking mata ikaw ang naaalala

people are reading<TULANG MAHARLIKA>
    Close message
    Advertisement
    You may like
    You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
    5800Coins for Signup,580 Coins daily.
    Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
    2 Then Click【Add To Home Screen】
    1Click