《TULANG MAHARLIKA》TAHANAN

Advertisement

...

Hindi masabi ang nararamdaman,

Sa takot na baka mahusgahan,

Damdami'y kailangan laging pagtakpan,

Dahil sawa ng marinig na isa lamang itong kadramahan

Hindi naman nila maiintindhan,

Dahil hindi nila alam ang ganoong pakiramdam,

Gabi-gabi ay tila nalulunod sa malalaking alon,

Hirap na hirap na maka-ahon

Parang kahit saan sumuot,

Damang dama pa rin ang lungkot,

Walang mapaglagyan ang poot,

Puso'y laging kumikirot

Sugat mong malalim,

Lalo pa nilang dinidiin,

Lumapit ka sa akin,

Lungkot mo'y aking papawiin

Ikwento mo sa akin ang lahat,

Sa pamamagitan ng pag-iyak,

Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag,

Para lamang kita'y maintindihan

Sabay natin papasanin ang bigat ng iyong kalooban,

Sabay nating lalampasan ang iyong mga pinagdadaanan

Sa akin ka tumahan,sabay tayong lalaban,

Dahil nais kong ako ang magsilbi mong tahanan at kapahingahan

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click