《TULANG MAHARLIKA》MUSIKA

Advertisement

...

Marami ang sa aki'y nagtataka,

Kung bakit hilig na hilig ko ang musika,

Kung saan mas pinipili kong takpan ang aking tainga at makinig ng kanta,

Kaysa dinggin ang mga sinasabi nila

Ito ay marahil bingi na ako sa mga panghuhusga nila,

Pagkapasok sa kaliwang tainga ay ilalabas ko na lang sa kabila,

Nakakapagod magpaliwanag sa mga sarado ang isipan,

Kaya't mas mabuting manahimik na lang at ang himig ang pakinggan

Dahil ito'y nagbibigay sa akin ng kaligayahan,

Na hindi mapapantayan ng sinuman,

Musika ang aking nagiging takbuhan,

Kapag wala na akong masandalan

Sa musika, pakiwari ko'y ako rin ay dinidinig,

Ito'y sa pamamagitan ng mga lirikong tumutugma sa aking damdamin,

Ito'y nagpapagaan sa bigat ng aking kalooban,

Para bang sandaling nawala ang lahat ng aking kapighatian

Kaya't hindi ninyo ako masisisi,

Kung bakit mas gusto kong maging makasarili,

Ang musika ang tanging sa aki'y sumasagip,

Sa tuwing nababalot ng ligalig ang aking puso't isip

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click