《TULANG MAHARLIKA》LIHAM

Advertisement

...

Aking sinisinta,

Kamusta ka?

Nasasabik na akong makita ka,

Sana'y habang binabasa mo ito'y nakangiti ka

Nais kong sa iyo'y ipabatid,

Pangalan mo'y lagi kong sinasambit,

At kahit na tayo'y sumapit sa puro pasubalit

Hinding hindi kita ipagpapalit,dahil wala sa iyong makahihigit

Kahit kailan ay hindi ako sa'yo bibitaw,

Mananatiling sa ating pangako'y kakapit,

Kahit na umabot sa puntong ang buhay nati'y puno ng pait

Kahit na masakit,mamahalin ko'y ikaw

Kaya't huwag kang mawawalan ng Pag-asa,

Dahil kahit kailan ay hindi kita binalewala,

Mananatili ang iyong halaga,

Kahit pa maubos ang iyong pera't ganda

Pag-ibig sa iyo'y higit pa sa sapat,

Mananatiling sa iyo'y tapat,

Dahil wala kang katulad aking binibini,

Hindi hindi ako magsisisi na ikaw ang aking pinili

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click