《TULANG MAHARLIKA》ESKWELA

Advertisement

...

Kay sarap balikan,

Ang ating nakaraan,

Nang tayo'y nasa eskwelahan,

At punong puno ng kasiyahan

Tandang tanda pa ng aking memorya,

Kung paanong gigising nang maaga,

Para makapaghanda sa eskwela,

Palabas pa lang sa bahay ay puno na agad ng saya

Lalo na pagsapit ng recess,

Tambay sa kantina,

Nakikipagsiksikan sa pila ,para sa meryenda,

Sabay tanong sa katabi "Anong chika bes?"

Bago pa umuwi ay tatambay muna sa tindahan,

Kasama ang barkadahan,

Masasayang nangyari sa araw ay pinag-uusapan,

Para bang wala ng kinabukasan ang tawanan

'Di alintana kung may bagyo,

Basta almusal ay champorado at tuyo,

May kasama pang Milo,

Kaya naman pagpasok ay ngiting panalo lalo na 'pag klase ay suspendido

Napakasaya nga talagang alalahanin,

Ang ating buhay sa eskwelahan,

Panahong tayo'y pwede pang pumasok sa paaralan,

Kung saan wala pang pandemyang iniiwasan

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click