《TULANG MAHARLIKA》MAHALAGA KA

Advertisement

Kay ganda ng ngiti sa labi,

Ngunit kay lungkot ng iyong mga mata,

Kay sigla sa umaga subalit pagsapit ng gabi,

Iyong mata'y puno ng luha

Aking binibini,

Ika'y katangi-tangi,

Anuman ang mangyari,

Huwag sanang mawala ang ngiti sa iyong labi

Mga agam agam na iyong nadarama,

Aking papawiin,

Ang wala sa iyo'y hinding hindi hahanapin,

Sapagkat aking sinta, tanggap kita

Ang iyong mga pagkukulang ay 'di sapat na dahilan,

Upang mawalan ka ng pakinabang,

Mahalaga ka,

Gaano pa man kababa ang tingin nila

Maging ang munting basura ay kapaki-pakinabang,

Kung iyo lamang itong pahahalagahan,

Hayaan mo silang magpalinlang,

Sa isang bubog na kumikinang

Alisin na ang lahat ng iyong pagdududa,

Sapagkat kailanman ay 'di ka mababalewala,

Mahalaga ka,

Higit pa sa salitang mahal kita

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click