《TULANG MAHARLIKA》ANGHEL

Advertisement

Sa gitna ng mga pagsubok na aking kinakaharap,

Ako'y nakakita ng liwanag sa iyong mga matang kumikislap,

Mistulan kang anghel na bumaba mula sa alapaap,

Na wari ba'y ikaw na ang kasagutan sa lahat ng aking paghihirap

Simula nang ika'y dumating,

Unti-unting natupad aking mga hiling,

At sa isang kisapmata,

Tila nawala ang lahat ng problema

Mayroong takot sa aking isip,

Na baka ika'y mawala sa sandaling ang hangin ay umihip,

Dahil ang isang tulad mo ay tila ba isa lamang kathang-isip,

Na nalikha mula sa aking panaginip

Kung sakaling ika'y totoo nga,

Ayoko ng mawala ka pa,

Sa bawat araw ikaw ang nais kong makapiling,

At sa pagsapit ng dilim ikaw ang nais na makasamang humiling sa mga bituin.

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click