《TULANG MAHARLIKA》HARANA

Advertisement

Dala dala aking gitara,

Upang mangharana,

Sa isang dalaga na sa simula pa sa una,

Ay akin nang sinisinta

O aking giliw,

Sa awitin ko sana ika'y maaliw,

Huwag ka sanang magdalawang isip,

Na sa durungawan niyo ay sumilip

'Pagkat nais kong makita ang iyong mga matang nagniningning,

Ikaw ang siyang bituin na aking hinihiling na mapasa- akin,

Ngunit kung' di man naisin ng langit,

Hindi ko na lamang ipipilit

Batid kong kulang ang lahat ng salitang metaporika,

Upang ilarawan ang iyong ganda't halaga,

At upang sayo ay aking mapadama,

Kung gaano kita sinisinta

Hindi mo man ako gustuhin,

Ang mahalaga'y itong awitin ko'y iyong dinggin,

Dahil ang bawat lirikong aking sasambitin,

Ay naglalahad ng aking damdamin sa iyo at pagtingin

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click